Bagong Taon Handa Hacks

Photo by Covi (Pixabay)

 

Lahat tayo ay gustong salubungin ang Bagong Taon sa masaya at maayos na pagdiriwang. Ngunit minsan dahil sa gastos ng nakalipas na Pasko, nagkukulang na tayo ng budget para sa paghahanda sa bagong taon. Narito ang ilang ‘handa hacks’ na kayang-kayang gawin ng kinakapos sa pera:

1. ‘Wag nang bumili ng iba’t-ibang bilog na prutas. Bumili na lang ng isang supot ng kiat kiat, kumuha ng pentel pen, lagyan ng label gaya ng orange, pummelo, pakwan, atbp ang isa isa nito.Kompleto na ang mga prutas mo. Pupuwede rin ang isang supot ng kalamansi.

2. ‘Wag nang bumili ng ihahandang pansit, kakanin at hamon. Picturan ang handa ng kapitbahay. Siguraduhing wala silang FB account para hindi kayo magkatulad ng post. Doon na rin kayo makikain ng media noche. Mag-ambag na lang ng yelo at tubig na inumin.

3. ‘Wag nang bumili ng paputok. Isalang ang dvd at pelikulang ang tema ay giyera at barilan. Itodo ang sounds, ireplay na lang nang paulit-ulit ang eksena na may nagbobomba at barilan. Mas maganda kung nasa labas ng bahay ang malalaking speakers.

4. ‘Wag nang iswitch on lahat ng ilaw ng bahay, sa pagsapit na lang at pagitan ng 11:59-12:00 iswitch on lahat; tandaan, maging matipid sa paggamit ng kuryente.

5. ‘Wag munang magsaing ng bigas, kailangan ‘yan sa bagong taon, magdiet muna, siguraduhing puno ang rice dispenser, kung hindi puno, manghiram muna ng dalawang salop sa kapitbahay, isauli kinabukasan ng Jan.1.

6. Ipabarya muna ng tigpipiso at tiglilima ang nakuhang Christmas gift ng anak, isaboy sa lahat ng sulok ng bahay. Ipapulot rin lahat kinabukasan at ipapalit ng malutong na tigbebente sa tindahan.

7. ‘Wag nang tumalon sa pagsapit ng bagong taon, tanggapin ang katotohanang hindi ka na tatangkad.

8. ‘Wag nang magsuot ng polka dot kundi magsuot ng damit na may dollar sign o mukha ni Ninoy, puwede na ‘yun.

9. Siguraduhing may lamang pera ang bulsa kapag magpapalit ang taon. Kapag wala, manghiram uli ng 500 sa kapitbahay, isauli pagsapit ng 12:01.

10. At siyempre, magsimba, magpasalamat sa mga blessings na natanggap mula sa taas at nalampasan lahat ng mga pagsubok, problema at mga banta ng mga taong pinagkakautangan mo buong taon.

Happy New Year!  ^_^

e83db8072df3043ecd0b470de7444e90fe76e6dd1bb8124991f5c0_640_Happy-New-year

About blangko

mababaw, malalim, adik sa imahinasyon ng kung anu-ano...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!