Ayoko Pang Mag-asawa

(Photo Credit: Wikihow)
(Photo Credit:  Wikihow)
(Photo Credit: Wikihow)

Naalala ko noong bata pa ako, laging sinasabi ng parents ko na huwag raw muna akong magbo-boyfriend…

Mag-aral lang daw muna ako at saka na isipin ang pagla-love life…

Pero sadyang matigas ang ulo ko, gusto kong ma-enjoy ang pagiging dalaga ko…

Isa pa, hindi naman ako pangit kaya natural lang ang ligawan at magka-boyfriend…

Hanggang sa nakatapos na nga ako ng pag-aaral sa college at masasabi kong nagkaroon na rin ng mangilan-ngilang boyfriend…

Naisip ko na hindi pala ganuoon kadali ang humawak ng relasyon…

At heto nasa hustong gulang na nga ako para mag-asawa.

Madalas kong marinig sa parents ko at ibang kamag-anak na mag-asawa na raw ako, pero hindi pa ako handa.

Masyadong mahirap ang buhay para mag-asawa…

Wala pa akong pera.

Pera para sa wedding gown, invitation, souvenir, bulaklak, video at photobooth, kasal, simbahan, reception, pagkain…etc.

Pera para sa bahay, appliances, monthly due ng electricity and water bills isama pa ang internet, cable at landline…

Pera sa pagbubuntis ko, vitamins at monthly check-up…

Pera sa panganganak, depende pa yan kung normal delivery o CS ako…

Pera sa baby, araw araw na gatas, diaper, gamot pag nagkasakit at vaccine na din…

Pera para sa educational plan ng magiging anak ko…

At hindi natatapos diyan ang lahat… Siyempre kailangan ko ring kumain para mabuhay… Magkano na kaya ang kilo ng bigas pag kinasal ako?

O ‘di ba puro pera, pera, pera?

Takot akong humiwalay sa parents ko. Maisip ko lang na lalayo ako at iiwanan ko sila ay nagsisimula na akong malungkot…

Takot akong mabuntis, magiging limitado ang mga bagay na puwede kong gawin.

Takot akong manganak; baka hindi ko kayanin ang sakit.

Takot akong pumangit at ipagpalit ng asawa sa iba.

Ayokong tumigil sa pagtatrabaho.

Hindi ko alam kung kakayanin kong magpalaki ng anak at mag-alaga ng. asaw.?

Hindi ko alam kung mamahalin ba ako nang totoo ng asawa ko?

Naguguluhan ako,…

Ayoko pang mag-asawa…

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!