At the age of 19… (Part 5)

Dahil sa mabigat ang katawan at masama ang pakiramdam, tinanghali ako ng bangon kinabukasan. Pero pinilit kong bumangon. I’ve made my decision, I will resign. Bahala na anong idadahilan ko sa mga kasama ko. Naghanda na ako papasok sa office. Pagdating ko, agad akong nag type sa computer ng letter of resignation. Inilagay ko “effective immediately”. Hindi ko na inilagay kung bakit.

Pagkatapos kong pirmahan, dinala ko na sa opisina ni Sir Wendell ang resignation letter na ginawa ko. Binasa niya ng may ilang ulit bago siya nagsalita sa mababa at malungkot na tono.

“Marian, kailangan bang umabot sa ganito?”

“Bakit Sir, kung hindi ko ito gagawin, may iba pa bang solusyon?” Maanghang na tanong ko sa kanya.

“Pero Marian..”

“Tama na Wendell, wag mo na lang dagdagan yung sakit na dinulot mo. Mahihirapan lang tayo parehas kung magtitigil pa ako dito. Di ba ikaw na rin naman ang may sabi na iiwan ka ng pamilya mo pag hindi pa tayo naghiwalay? Kaya eto na. Eto lang ang sagot.”

“Marian, patawad. Hindi ko inakala na aabot ng ganito. Sana mapatawad mo ako. Marian, mahal kita. Pero..”

“Pero may pamilya ka na. Mahal mo ako pero mahal mo rin sila. Kaya nga kahit masakit Wendell, ito na ang pinakatamang gawin. Nanghihinayang ako, oo. Kasi akala ko okay tayo, walang problema. Hindi pala. Pero ganun talaga. Wala naman akong magagawa.”

Niyakap ako ni Wendell at hinalikan sa labi. Alam namin parehas na that would be the last time na magagawa namin ‘yon. Nagpunas lang ako ng luha at nag ayos ng sarili at pagkatapos ay lumabas na ako ng opisina niya. Nagpaalam na rin ako sa iba ko pang kasama. Nagpasalamat. At tuluyan na akong umalis ng opisina.

Wala eh. Ganon talaga. Napaka mapaglaro ng pag-ibig. Minsan akala mo tama na. Perfect ba. Pero hindi rin pala. After that day, umuwi muna ako sa amin sa Isabela. Nagbakasyon. Nagpahinga. Nagpagaling ng pusong sugatan. Ikinuwento ko sa mga magulang ko ang lahat lahat ng nangyari. Wala akong itinago. Wala naman silang sinisi. Sabi lang nila, sana raw sa susunod, pag nagmahal ako, wag todo. Dapat pag nagmahal, mahal lang. Wag mahal na mahal. Para pag nasaktan, masakit lang, hindi sobrang sakit. Tama nga naman. Dapat unahin kong mahalin ang sarili ko para matutunan kong magmahal ng iba.

And now, it’s been 3 years. Hindi ko naman na masyadong iniinda yung sakit na naranasan ko when I was 19. Pero nakaka-trauma talaga. Hindi na muna ulit ako pumasok sa isang relasyon after what happened. Gusto ko pag magmamahal ako ulit, fully recovered na ako from that devastation. Sarili ko muna ang minamahal ko ngayon. Tsaka na lang ang iba. Kusa namang dumarating ang love eh. Dapat hindi hinihintay. Dapat hindi pinipilit.

Lesson learnt for me? Don’t hurry love. Everything will fall in its proper place at the right time with the right person.

Ayaw ko nang madaliin ang mga bagay bagay. Para hindi na ulit magkamali at hindi na mangyari sa akin ang bonggang heartbreak na dinanas ko at the age of 19..

 

About Bellywelly

https://www.facebook.com/paginlovenagigingtanga/