At the age of 19… (Part 4)

“Marian, sorry. Niloko kita. Hindi ko akalain na magkakarelasyon tayo. Ang totoo niyan, sinubukan lang naman kita ligawan. Nachallenge ako kasi bata ka pa. Sinubukan ko lang kung may gugusto pa saakin kahit may edad na ako. At yung mga sinabi ko sayo noong umpisa, lahat ng yon puro pagpapacute at pambobola lang. Pero eventually, natutunan kitang mahalin kasi iba ka. Kaya nahihirapan ako ngayon. Sinubukan kong ipagtapat na sayo nung nararamdaman kong nahuhulog na talaga ang loob mo sakin, Marian. Pero pinangunahan ako ng takot. Natakot akong masaktan kita. Natakot akong mawala ka sakin. Pero Babe kasi..may asawa na ako at may dalawang anak. Remember when you texted me one time and nag i love you ka? Nabasa ng asawa ko. Nag-away kami. Actually matagal na siyang may hinala na may karelasyon ako sa opisina. Bukambibig ko kasi ang mga tao dito, lalo ka na. Akala ko hindi niya mahahalata. Pero mali ako. And then naconfirm ang hinala nya nung nagtext ka. Pinag-awayan namin yun. She even told me that if I don’t end this, aalis sila ng mga anak namin sa bahay. Iiwan nila ako. Marian, hindi ko kaya. Hindi ko sila kayang mawala. Bata pa ang mga anak ko. Nakukonsensya ako sa tuwing makikita ko sila. Hindi ko sila matitigan sa mga mata kasi alam kong may mali akong ginagawa. Nagi-guilty ako. Mahal kita Marian, pero mahal ko rin ang pamilya ko.” At bumuhos na nga ang luha ni Sir Wendell.

Matagal din akong hindi nakapagsalita. Hindi pa totally nagsi-sink in sa buo kong pagkatao ang mga sinabi niya. Pero isa lang ang malinaw. May pamilya na siya. Nag-uunahang pumatak ang luha sa mga mata ko. Di ko mapigilan. Hindi ko magawang magsalita kasi hindi ko alam kung saan mag-uumpisa, ano ang sasabihin, paano magre-react.

Sa pagitan ng pagluha at paghikbi, nagawa ko nang magsalita.

“Wendell, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Pero isa lang ang malinaw sa akin. Pinaglaruan mo lang ako!!! Ano, masaya ka na? Masaya ka na ba dahil napatunayan mong may magkakagusto pa rin sa ‘yo kahit may edad ka na? Masaya ka ba na may isang tao na ang tanging kasalanan lang ay mahalin ka ang magdurusa ng walang kalaban-laban?! Anong kasalanan ko sa ‘yo, Wendell? Bakit mo ‘to ginawa sa akin? Inialay ko sa ‘yo ang lahat lahat. Tapos eto ang kapalit? Mahal mo ako, pero mahal mo rin sila? Natatakot kang mawala ako sa ‘yo pero hindi mo rin kayang mawala sila? Ang sakit sakit naman.. Sana umpisa pa lang sinabi mo na. Alam mo kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon?! Para akong sinaksak nang paulit-ulit. Sana pinatay mo na lang ako, Wendell.”

“Marian, I am so sorry. Sana mapatawad mo ako.”

Lumapit siya sa akin, hinawakan ang kamay ko. Pero iniiwas ko ang mga ito.

“Hindi ko alam kung kailan kita mapapatawad, Wendell. Wala kang karapatan na paglaruan ako. I don’t deserve you and neither you deserve me. Sinayang mo lang ang pagmamahal na inialay ko sayo. Hindi mo kailangang mamili. Alam ko namang wala akong laban sa pamilya mo e. Ang masakit lang, hindi ko sila puwedeng labanan.”

“I understand. I just wish dumating ang time na mapatawad mo rin ako.”

“I cannot promise.”

Those were my last words bago ako lumabas ng opisina ni Wendell. Kinuha ko na ang mga gamit ko at dire-diretso akong lumabas ng opisina namin. Gulong-gulo ang isip ko. Patuloy lang ako sa paglakad. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Ang importante ng mga sandaling yun ay kung paano ko mailalabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Paulit-ulit kong tinatanong paanong nagawa sa akin ni Wendell yun. Bakit ako? Anong kasalanan ko? Hindi ko namalayan na nakauwi ako ng bahay dahil sa malalim kong pag-iisip. Puro ako tanong. Mga tanong na si Wendell lang ang makakasagot. Naisipan kong mag resign para makatakas. Makatakas sa sakit. Para hindi ko na makita pa si Wendell. Para makalimutan ko na sya. Para hindi na ako masaktan pa. Nakatulugan ko ang pag-iyak.

[ITUTULOY]

About Bellywelly

https://www.facebook.com/paginlovenagigingtanga/