At the age of 19… (Part 3)

Mag-on na nga kami ni Sir. Pero di namin magawang sabihin sa mga kasama namin. Hindi nila pwedeng malaman dahil baka makarating sa HR. May company policy kasi na bawal ang magkarelasyon sa opisina. “ONE MUST GO” ‘ika nga. So ayun, kaming dalawa lang ang nakakaalam na may relasyon kami. Pag kaming dalawa lang, medyo sweet-sweetan. pero pag kaharap ang iba, dapat parang tulad lang din ng dati. Lagi na kami sabay umuwi. Ang dahilan namin, same naman kami ng way pauwi, pa-South.

Ang saya sa pakiramdam na kasama mo yung mahal mo halos araw araw. I actually got motivated to work because of him. Yung feeling na kahit hindi namin magawang maging showy or PDA, keri lang. Basta alam namin na mahal namin ang isa’t isa. Kahit may restrictions yung actions namin, go lang. Basta magkasama kami sa iisang opisina. Hindi man kami masyadong makapag usap kasi syempre mahirap na, baka may magchuchu sa head office sa HR, okay lang. Walang problema.

One Sunday afternoon, sobra akong nainip. Bigla kong namiss si Wendell. Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama ko, inabot ko ang cellphone ko na nasa study table at nag compose ng text message para sa kanya.

“Hi Babe! How are you? I miss you so much. I love you! See you tom.” Ang pabebe pang text ko sa kanya. To my surprise, he didn’t reply. I tried calling him, pero for some reason, kina-cancel nya. I even waited for his text up until after dinner but I’ve got no reply from him. Bakit kaya??! Hindi bale, tatanungin ko na lang sya bukas.

Then came Monday, maaga akong dumating sa office. Wala pang ibang naroon bukod sa guard. Nag ayos na ako ng gamit ko and ng sarili ko nang dumating si Wendell. Pagdaan nya sa  table ko, mahina niyang sinabi na sumunod daw ako sa office niya at mag usap kami.

Naguguluhan at kinakabahan, sumunod naman ako.

“What did you do yesterday? I texted you. I also tried calling you up. Why didn’t you answer back?” ang may himig inis na sabi ko.

“I was out with my family,” maikling sagot niya.

Kasama naman pala ang pamilya niya. Kunsabagay, Sunday is Family Day. So Marian, stop nagging.

“Marian please, pag hindi tayo magkasama, no texting and no calling. Hintayin mong ako ang maunang tumawag or magtext sa ‘yo.”

“Huh? Bakit??” takang tanong ko.

“Basta, just follow what i said. You know, my mom gets jealous kapag magkasama kami and puro ako text or nakikita niyang may kausap ako sa phone. Same reason why hindi pa kita maintroduce sa kanya. She’s old na kasi. So she’s so sensitive. Pakiramdam niya kapag may ipinakilala akong girl sa kanya, aagawin ako from her. Please understand.” Ang pakiusap niya.

“Okay, sige. Ikaw ang masusunod, Babe.” tumalikod na ako para wala na kaming pag-usapan.

‘Pag ganung usapan, nagpapaubaya na lang ako. Sa akin din naman e. Family first before anything else. Kaya I perfectly understand. Days passed by. One year na kaming magkarelasyon. Pero hindi pa rin niya ako ipinapakilala sa family niya. Nagtataka man at medyo nagtatampo, ipinagsawalang kibo ko na lang ang mga tanong sa isip ko na gustong kumawala sa bibig ko.

Minsan hindi ko napigilang tanungin sya kung may plano pa ba siya na ipakilala ako sa pamilya niya.

“Babe, question?..”

“Yes, Babe?”

“Uhm kasi.. 1 year na tayo.. pero hindi ko pa rin nakikilala family mo. Kinakahiya mo ba ako?”

“H-huh?? No Babe. Of course not. Humahanap lang ako ng timing. Kasi di ba nga, si mommy ko medyo selosa kasi matanda na.. So ayun. Basta Babe, I am just waiting for the perfect timing.”

“Nakakatampo lang kasi babe..”

“Oh no, please. Wag ka magtampo Babe.. I love you.” Sabi niya sabay halik sa aking mga labi.

“I love you, too, Babe.”

Dahil doon ay nakalimutan ko na ang tampong nararamdaman ko. Baka nga naghahanap lang siya ng perfect timing. Baka kasi kapag hindi pinag-isipan, pangit pa ang maging result ng first encounter namin ng nanay niya.

Isang gabi na nag-aayos na ako ng gamit pauwi, lumapit si Wendell. He looked bothered. Mag-usap daw kami sandali sa office niya. Kahit kinakabahan ako kasi bihira ko siya makitang ganun kaseryoso, dali dali akong tumalima.

Pagpasok sa opisina niya, pinaupo niya ako sa katabing silya malapit sa mesa niya. Seryosong seryoso ang hitsura niya.

“Babe? Why? What’s wrong?” nag-aalalang tanong ko.

“Marian..” putol na sagot niya.

“Babe, may problema ba? Matutulungan ba kita?”

“Marian, I am sorry..”

“Huh? Hindi ko maintindihan.. Teka, bakit ka nagsosorry?”

“Itigil na natin ‘to. Hindi na tama e.”

“Wait, I don’t get it. Wendell, ano bang problema?!”

(Itutuloy)

About Bellywelly

https://www.facebook.com/paginlovenagigingtanga/