At the age of 19… (Part 2)

Isang araw ng lunch time, ewan ko kung paano, bakit o anong nangyari, habang kaharap ko si Sir while we were waiting for our orders to be served, napatingin ako sa mukha nya. Bigla akong nakaramdam ng kilig. Ang sarap niyang pagmasdan. Ang mga mata niya na parang palaging nakangiti, ang sarap pakinggan ng boses niya, ang linis linis nyang tignan.. Ang pula ng mga labi. Parang nakakaengganyong halikan. Dahil sa ideyang yon, parang bigla akong nagising sa pagkakatulog. Huy Marian! Ano bang iniisip mo! Haha.

Hala. Unti unti na ata akong nagkakagusto kay Sir! Pero hindi pwede! Hindi dapat! Empleyado lang ako, boss sya. Halaaaa… Ano ba itong nararamdaman ko???!!! Isang araw ng Huwebes na lumiban sa trabaho ang loan processor namin at may urgent na dapat iprocess, pinakiusapan ako ni Sir Wendell na ako muna ang gumawa ng dapat gawin. Bilang medyo nangangapa ako ng kung ano ang dapat gawin, natagalan akong matapos sa ginagawa ko. Nagsiuwian na ang iba naming kasamahan at parehas kaming naiwan ni Sir.

“Marian, kung hindi mo talaga yan kayang tapusin ngayon, ituloy mo na lang bukas. Medyo late na rin. Baka mahirapan ka pang sumakay pauwi. Tara, sabay na tayo palabas sa sakayan.” Sabi ni Sir.

“Ha.. Uhh, si-sige po Sir.” Nauutal pang sagot ko.

Sabay na nga kaming lumabas ng opisina. Habang naglalakad papuntang sakayan, nagkuwentuhan kami ng tungkol sa kung saan-saan. Ang gaan kausap ni Sir. Nakakatuwa. Nakakakilig. Parang buong oras na magkasama kami nakangiti lang ako. Parang hindi ko na nga masyadong naintindihan ang ibang kinuwento niya kasi ang mahalaga lang sa akin ng mga oras na yun ay ang kausap ko siya, kakuwentuhan, kasama.. Hay! Ang sarap sa pakiramdam. Oh no!! Bakit ganito ang nararamdaman ko??

Kinabukasan, hindi pa rin nakapasok ang loan processor namin dahil daw taas baba ang lagnat ng anak niya at walang magbabantay. Nagkataon din na ilan ko pang kasamahan ay hindi rin nakapasok. Dahil doon, kaming dalawa lang ni Sir nasa opisina. Menos kinse bago mag alas dose ay lumapit sa workstation ko si Sir.

“Marian, sabay tayong mag lunch, huh? Nagpadeliver nalang ako ng food natin.” Ang tanong na may himig utos ni Sir Wendell.

“S-sige po Sir.”

When we started eating, nagulat ako sa sinabi ni Sir.

“Uhm, Marian.. May boyfriend ka ba?”

Limang segundong katahimikan muna ang nagdaan bago ako utal na nakasagot.

“H-ha? Naku Sir Wendell, wala po. B-bakit po?”

“Mabuti kung gano’n. Marian, to be honest with you, I like you. A lot.”

Huh?? Tama ba ang narinig kong sinabi ni Sir?? Oh baka nag-iimagine lang ako?! Gusto raw nya ako??!!

“Naku Sir, wag po kayong magbiro.” Mahihimigan ang kaba sa tono ko.

“Marian, I am not kidding. I really like you.The first time I saw you, alam kong gusto na kita.”

“Sir Wendell..” Bukod tanging naisagot ko.

Nananaginip ba ako? Palihim kong kinurot ang braso ko para malaman kung ako ba ay tulog o gising. Aray! Nasaktan ako sa sarili kong kurot. Gising nga ako! Ibig sabihin hindi ako nag-iimagine lang. Gusto raw niya ako!

“Marian?..”

“Sir kasi.. Ang totoo po..” Pambungad sa sasabihin ko.

“Yes?”

“Ang totoo po, naguguluhan ako. Kasi hindi ko alam bakit lately, pag kasama ko kayo o kausap, iba po ang nararamdaman ko. Masaya, kinikilig, ang gaan nyo pong kausap. So.. uhm, sa tingin ko po gusto ko din po kayo.” Pag amin ko sa kay Sir.

“Talaga?! Meaning to say, we feel the same?”

“Opo, Sir..”

Nagulat ako dahil sa tuwa ni Sir, tumayo sya mula sa kinauupuan niya, lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Enough para maramdaman ng punong-tainga ko ang init ng hininga niya. Oh my gosh! Ambango ni Sir! Tinuloy namin ang kuwentuhan. We got the chance to know each other more hanggang matapos kami kumain. Hanggang sa matuling lumipas ang maghapon at mag uuwian na naman.

“Marian alam mo, sana wag na matapos ang araw na ‘to.” Sabi niya habang naglalakad kami papuntang sakayan ng bus.

“Bakit po Sir?”

“Am just happy knowing that you like me too.. Marian..?”

“Yes, Sir?”

“Pwede ba kita maging girlfriend?”

“Huh?? Ano po Sir?!!” Awtomatiko akong napabaling ng harap sa kanya.

“Will you be my girlfriend?” ulit na tanong niya.

“Seryoso po ba kayo?

“Do I look like I’m kidding?

“Ay, no Sir. Hindi po.”

“So? What’s your answer?”

“Uhm.. Yes Sir..”

“Yes! Yes! I love you, Marian!” Tuwang tuwang parang batang nagsusuntok pa sa hangin si Sir Wendell.

“I love you too, Sir Wendell.” Nakangiting sagot ko.

[ITUTULOY]

About Bellywelly

https://www.facebook.com/paginlovenagigingtanga/
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!