At the age of 19… [Part 1]

Naranasan mo na ba’ng magmahal? Malamang oo. Maaaring ng ibang tao, halimbawa ay magulang, kapatid, kamag-anak o ‘di kaya ay opposite sex. Puwede ring magmahal ng iyong sarili. Parang wala naman kasing tao na ‘di marunong magmahal. Tama ba? Kasi ang pagmamahal ay isang bagay na hindi mapipigilan, hindi masasabi kung kailan mo mararamdaman. Kumbaga, kusang dumarating.

Ang pagmamahal ay walang pinipiling tao, lugar, edad o pagkakataon. Minsan puwede mong labanan, pero madalas naman, nagpapadala ka na lang sa iyong nararamdaman.

Ako rin ay nagmahal na. Nang sobra sobra. Binigay ko ang lahat lahat. Buong puso, kaluluwa, pagkatao. Halos lahat na. Ang galing ‘no? Kung binigay ko ‘yun lahat, paano nangyaring buhay pa ako ngayon? ‘De, seryoso na. I am Marian. 22 years old. Only child. Nangungupahan sa Sampaloc. Ang mga magulang ko ay nasa Isabela. There goes my story.

It all started when I received a call from a lending company asking me if I could come for a job interview. Siyempre pa ay laking tuwa ko. I was just 19 then. Fresh graduate, so right after graduation, lumuwas ako ng Maynila para maghanap ng trabaho. So as expected, ako ay excited.

Pinaghandaan ko ang interview ko. Nagsuot ako ng pulang blouse with collar at black na palda. Nagsuot ng sapatos na may 2-inch heels. Nagpusod ng buhok. Nag-ayos nang kaunti. Sabi kasi ‘di ba, kapag haharap ka sa job interview, dapat presentable ka. Kaya ganun nga ang ginawa ko.

Pagdating ko sa office address na ibinigay sa akin, ipinagtanong ko ang pangalan ng tumawag sa akin. Pinapasok naman ako ng guard sa kanila raw receiving area at sinabihang hintayin na lang muna si Sir Wendell daw dahil lumabas lang saglit ng office.

Ang sinasabing receiving area ay nasa may bungad lang din ng opisisna. Kaya kitang-kita mo kaagad kung may pumapasok. Kada bukas ng pinto, hindi ko maiwasang mapatingin sa kung sino ang pumapasok. Tandang-tanda ko pa, sa ikatlong bukas ng pinto, may pumasok na dalawang lalaki.

‘Yung nauna, katamtaman ang laki. Maputi, nakasuot ng blue na polo, jacket na black,  maong at black shoes. Ang linis tignan. Ang gwapo!! Mukhang anak mayaman. Ang kasunod naman na lalaki ay matangkad, moreno, balbas-sarado, nakasuot ng t-shirt, sneakers at maong. Rugged looking, ‘ika nga. Hindi ko napigilang habulin ng tingin ang naunang lalaking dumaan sa harap ko hanggang pumasok sila ng kausap niya sa isang parang opisina. Sumunod ang guard na nag accommodate sa akin dun sa dalawang lalaki. After about 10-15 minutes, nilapitan ako ng guwardiya at sinabing gusto na raw akong kausapin ng Manager.

Pagpasok ko sa loob ng maliit na opisina, naroon at nakaupo ‘yung unang lalaki. Siya marahil si Sir Wendell. Pero tumayo siya nang makita niyang pumasok ako.

“I am Wendell Cruz, Branch manager of this lending company,” sabay abot ng kamay niya para makipag-shake hands.

Inabot ko naman ang kamay ko at nagpakilala. “Good morning Sir, my name is Marian Evangelista po.”

“Have a seat,” sabi niya; sabay turo sa upuan sa harap ng mesa niya. Umupo naman ako.

Bago siya ulit nagsalita, tinignan muna niya ako sandali. Nakaka-conscious. Ang chaka ko ba? Baka mukha akong mamusing. Magulo kaya ang buhok ko? Bakit naman kasi hindi ko naisipang mag-CR muna para sana na-check ko anong hitsura ko bago ako sumabak sa interview. At marami pang Bakit ang naglalaro sa isipan ko habang tinitignan niya ako. Hanggang nagsalita siya ulit.

“Are you nervous?” nakangiting tanong niya.

“Kinda, Sir,” kiming sagot ko.

“H’wag kang kabahan. Chillax lang. So, can we start?”

“Okay po, Sir.”

“So Marian, describe yourself.”

“My name is Marian Evangelista, 19 years old. I took up blah blah blah and graduated from blah blah blah..” And so on and so forth. Lahat ng positive about myself sinabi ko na. Ganun naman talaga, ‘di ba?

“Okay, so tell me, why should we hire you?”

“Sir, I’ve never been late, I’ve never been absent when I was still studying. So I can assure you na iaapply ko po ang practice na ‘yun sa work ko. And apart from that, I am very much willing to align myself with the vision and mission of the company”; pang beauty pageant na sagot ko naman.

To cut the long story short, I got hired as office receptionist/secretary. Masaya ang working environment. Maganda ang samahan ng mga empleyado. Dahil kaunti lang naman kami sa office, lagi kami sabay sabay kumakain pagdating ng lunch. Sabi ni Sir, pag daw trabaho, dapat magtrabaho. pero pag free time, dapat magkakaibigan lang ang turingan namin. Ang bait niya, ‘di ba? Hihi.

(Itutuloy…)

About Bellywelly

https://www.facebook.com/paginlovenagigingtanga/
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!