APEC-tado

Photo credits: Carlo De Castro (Facebook); CNN Philippines
11/18/2015 11:34:39 AM

APEC-TADO ka ba?

Oo, apektado ka ba ng matinding traffic, ng halong long-weekend na holiday, at ng kung-ano anong balita na may kinalaman sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ng kung ano-anong kahibangan sa inyong mata, kaburatan sa isipan; nang dahil sa kanila—kahit wala kang pasok ngayon—ay nalate ka naman o napahalf-day dahil sa tindi ng trapiko, o mas piniling umuwi na lang at lumiban dahil sa hindi na kinaya ng iyong pisi ang matinding trapiko dala ng pagsara ng mga piling pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila?

Relax. Minsan lang naman kasi yan. Isipin mo, after 19 years—o since 1996 to be exact—ay naghost din ang Pilipinas ng APEC.

Pero ang problema: anyare after 1996? Maliban sa naging ang sentro na ng pagtitipon ay sa Manila na at hindi sa Subic? Na diumano ay tinago pa ang mga palaboy sa kalye para lang hindi madungisan ang imahe ng ating kabisera?

Walang masama naman dito. Parang hindi tayo ganyan ah. Naglilinis din naman tayo ng bahay at bakuran natin pag alam natin na may panauhin tayo sa darating (lalo na kung galante ito).

Unless kung nasa hotel ka nagtatrabaho o sa kung alinmang establisyamento na palagiang tumatanggap ng bisita o prominenteng tao, araw-araw kang nag-aayos na parang ganyan. E sa konstektso natin na halos masasabing “once in a blue moon?”

P********, para pala tayong mga “pakitang-tao” nito e. Nagpapanggap tayo na maging okay ang lahat sa ngalan ng magandang imahe (pero kahit mukhang authentic, hindi naman tunay).

Walang masama sa pagpapakita ng hospitality nating mga Pinoy (after all, nasa kultura naman talaga natin yan e). Pero kung magpapanggap tayo, magsusuot ng maskara na parang ang linis-linis natin, at kung mas marami naman ang nakokompromiso, anak ng pating naman.

Click here to continue reading

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!