Anong Score?

The Score (Photo Credit: Blogs.inquirer.net)
The Score (Photo Credit: Blogs.inquirer.net)

Score a number or letter indicating quality or gained points in a game.

Score... eto ba yung ibig sabihin ay “ano na nga ba ang tunay na situation?”.

The Score   (Photo Credit:    Blogs.inquirer.net)
The Score (Photo Credit: Blogs.inquirer.net)

Anong klaseng situation? Saan mo nga ba madalas naririnig itong mga katagang ito? Ganito kasi talaga tayong mga Pinoy halos lahat na yata ng foreign words ay binibigyan natin ng double meaning… likas na matalino ang mga Pilipino.

Maliban sa basketball, tennis o kahit ano pa ang paborito mong sports, madalas mo maririnig na may nagtatanong tungkol sa score… ibig sabihin … gusto nila malaman kung sino ang lamang at posibleng manalo sa laro. Parang buhay isang laro lang… itry mong gumawa ka ng survey at magtanong ka sa 100 na tao kadalasang sagot nila ay : “ang buhay ay isang laro” o ika nga “Life is a game”.

Life is a game. Malalim…para bang ang hirap ispell… ang buhay ba parang basketball lang? O di kaya tennis o volleyball o badminton?. Yung tipong kailangan mo mag dribble, rebound, assist at shoot… o kaya kapag minalas malas ka pa technical. Nakakalito. Nakakastress. So, ano naman ang score kapag nakashoot ka ng bola sa ring?. Ibig ba sabihin panalo ka o success na? What’s the score?. As we all know, life has a time limit… the difference is life doesnt end in 60 minutes and people will ask you what’s the score?. Ibang laro kapag life. Parang ikot ng bola minsan nasa taas ka minsan nasa baba… depende kung pano mo ito laruin.

Isang kuro kuro, ‘ika nga. Bilog ang mundo kaya hindi natin alam kung anong tunay na score hangga’t hindi natin kilala ang ating sarili. Iba’t ibang katangian ang tinataglay ng bawat isa satin… kanya kanyang diskarte. Advise lang bako tayo manghusga ng bonggang bongga e tumingin muna tayo sa salamin baka at the end of the day tayo pa ang mapahiya. Mahirap marealise na ang sports na pinili mo ay maraming technical rules… at ang mga technical rules na ito ay maaring magpaikot ng buhay.

May kwento ako… kayo na ang bahalang humusga kung anong score. Maikling introduction lang ang ibibigay ko pero ang buod ng kwento, ilalathala ko.

Sabihin nating magkababata si girl at si boy pero hindi sila playmates at lalong hindi sila close, in short deadmahan sila noong unang panahon. Tapos, nung sumikat ang FB, syempre naka connect na sila sa halos lahat ng kakilala nila anywhere in the world. As usual nung una kamustahan… chika chika lang muna all of a sudden bigla silang naging close… bilang nagbago ang ihip ng hangin. Si boy, may gf na pero ayaw pa patali… kesyo nag eenjoy daw sa pagiging binata at wala pa sa isip nya ang lumagay sa tahimik. Si girl naman, dahil sa pagmamamadali nag asawa ng maaga pero hindi nagwork out ang marriage kaya hiwalay na… in short separada si girl.

Madalas silang magkausap via chat, phone call at pati skype pinatos na nila… Sa dalas nilang magkausap possible kaya madevelop sila even thought they are miles apart? Habang nag bobonding moments sila si Boy laging nakangiti, tumatawa kahit walang pinagtatawanan… di kaya nag papacute lang si Boy. Si Girl naman tipong okay lang pero excited sya na may makausap lagi. Pareho ang dialect nila at marami silang things in common kung baga they blend to each other… kung baga sa timpla ng kape swak na swak sila para sa isa’t isa. Actually si Boy e takusa… takot sa girlfriend at pilit na umaaklas papalayo… Si Girl tuloy nalilito kung anong score kasi si Boy he’s starting to be sweet, thoughtful at medyo nagiging possessive na. Girl doesnt mind the situation dahil sa broken at cold hearted sya nalilito na sya kung ano ang difference ng friend, bestfriend, MU at jowa.

Sa totoong buhay si Boy pala ay thoughtful, umaga pa lang magoonline na sa FB at mag memessage kay Girl na gumising na… knowing na si Girl ay obviously gising na dahil magkaiba ang kanilang time zone. Yung tipong si Boy magtetext (P15.00/text message) para lang magpaalam at mag report kung anong ginagawa nya o kung may pupuntahan syang lakad. Vise versa na nilang ginagawa ito everyday as in araw araw. Madalas nilang topic yung time na bata pa sila … mahilig silang asarin ang isa’t isa, walang pikon kaya masaya pa rin… sports lang ika nga.

Kung noon, kapag nagchachat sila madali lang magpaalam na matutulog na o may gagawing iba ngayon medyo demanding na si Boy kay Girl. Nagdradrama si Boy at sasabihing unfair dahil tutulugan na naman sya ni Girl. Kung dati, nakakapagbisyo si Girl ngayon bawal na! Pinagbabawalan na sya ni Boy… Strict si Boy sa mga bagay bagay… conservative din naman pala sya somehow. Laging sinasabi ni Boy na hinding hindi nya ipamimigay si Girl kahit kanino at ung tipong dadaan muna ang mga manliligaw ni Girl bako pumayag si Boy na magka boyfriend si Girl… anong score?. Davah! Tanga talaga siguro si Girl di nya ramdam kung ano na talaga at kung saan sya lulugar. Confuse na siguro sya sa tunay nila score ni Boy.

Kung si Boy ay strict si Girl naman pang-asar lang, madalas niyang ipagtulakan si Boy na mag-asawa na. Ang hindi alam ni Boy, nasasaktan si Girl kapag jinojoke siya nito… tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Malungkot si Girl kapag ‘di sila nagkakausap ni Boy; parang unti-unti nang umiikot ang buhay ni Girl sa kanya. Manhid pa kaya si Girl or naiinlove na siya kay Boy?. Anong Score?

Kayo na ang bahalang humusga kung anong magiging score o kung meron bang next chapter ang game plan nila Boy at Girl.

author:  eil

Enhanced by Zemanta
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!