Angel-in-Disguise (Part-38)

ANGELBigla akong napangiwi nang maramdaman ko na nasagi ng patalim ang kamay ko. Ramdam ko ang sakit.

“Are you okay, Isabelle?” nag-aalalang tanong ni Jeremy sa akin ng mapansin nitong nakangiwi ako.

 “I’m okay” agad na sagot ko.

 “Isabelle?” takang tanong ni Cio.

 “So alam na pala ng lahat na siya ang tunay na Isabelle?” lahat kami napatingin kay Miss M. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko.

 “Sino ka ba talaga?” galit na sabi ko.

 “Ate, sino siya?” sa akin nakatingin si Carmela.

 “Isa siyang impostor, Carmela!”

 “Ikaw ang impostor Isabelle, nagsinungaling ka kay Jeremy at Cio” si Miss M. Paano nito alam ang lahat ng iyon?

 “Hanggang ngayon ba nagluluksa ka parin sa pagkawala ni Chandi?” patuyang ngumiti ito sa akin.

Napaisip ako at biglang bumalik sa aking alaala ang sulat ni Chandi.

Oo, si Mica, bumalik siya. At pinagbabantaan ako, akala ko rin patay na siya.

Napatingin ako kay Miss M, kung ganun… kung ganun.. napasinghap ako. Siya si Mica?

“Mi…ca?” mahinang sabi ko. “Ikaw si Mica…..” pero parang wala ako sa sarili ng sabihin iyon. Narinig kong nagsalita si Cio.

“Anong sinabi mo, Yuri?” Narinig kong humalakhak si Miss M.

“Matalino ka nga, Isabelle. Pero hanggang diyan ka nalang” saka tumawa ito, nababaliw na yata ito.

“Mica??” narinig ko pa rin ang tinig ni Cio na parang hindi makapaniwala.

“Kamusta ka na dear Cio? Long time no see? Miss me?” sagot ni Miss M kay Cio.

“Reunion ba ‘to?” agad kaming tumingin sa biglang pumasok sa stadium. Nakita naming parang haring maglakad si Eduard papunta sa amin, kasabay nito si Eliza. Agad ko siyang tiningnan ng masama.

“Sa huli sa akin ka pa rin, Isabelle” saka humalakhak ito. Pero hindi siya sa akin nakatingin, kundi kay Miss M?

“Nagkakama…” hindi na natapos ni Miss M ang sasabihin, kinuha ni Eduard ang tali sa mga kamay ni Miss M  at hinatak palayo.

“Sa akin pa rin ang huling halakhak, Isabelle” si Eliza na nakangising parang demonyo habang nakasunod sa likuran ni Eduard. Tumigil sila sa ‘di kalayuan at napasinghap kaming lahat ng tutukan ni Eduard ng baril si Miss M.

“Hindi ako ang kalaban mo Eduard, kundi sila” nakita kong nanginginig si Miss M. “Hindi ako si Isabelle!” sigaw nito. “Siya ang totoong Isabelle” turo nito sa akin.

“Sino ang maniniwala sa’yo?” sigaw rin sa kanya ni Eduard. “Pagkatapos kitang patayin mapapasaakin na ang kumpanya ng ama mo. Ahh hindi pala, pagkatapos ko kayong pataying magkapatid” at tumingin kay Carmela.

“Anong ginagawa mo Eduardo?” boses ni Diaz iyon, nakatayo siya sa bukana ng stadium.

Nakatingin lang ako pero anytime aatake ako, nakawala na ang tali sa kamay ko.

Tumawa si Eduard, “Ito na si Isabelle Rommel, nasa kamay ko na siya.hahaha”. Hawak nito sa braso si Miss M habang nakatutok ang baril sa ulo nito.

Nakita kong nangunot ang noo ni Diaz ng makita si Miss M. Agad itong tumingin sa direksiyon ko. Parang nalito ito.

“Nooo! I’m not Isabelle!” naginginig na sabi ni Miss M.

“Hahaha, katapusan mo na Isabelle” at tinulak nito si Miss M sabay putok dito. Sumigaw si Carmela. At lahat kami natulala. Narinig naming ang sigaw ni Miss M.

“Dadddyyyyy… ako si Mica” nakatingin pa rin ako habang nakikitang nakabulagta si Miss M. Inilipat ko ang tingin kay Eduard at kapwa sila nakatingin na nagulat kay Miss M. Tinignan ko si Diaz na parang nagulat rin, dahan-dahan itong lumapit sa babae.

“Mi..ca?” paanas na sabi nito habang parang maiiyak na.

“Da…ddyy…” mahinang sabi ni Miss M.

Daddy? Bakit Daddy ang tawag niya kay Diaz?

“Mica? Anak? Ikaw ba ‘yan?” ngayon umiiyak na si Diaz.

“Da…ddyy.. pata..warin mo a..ko” parang kinakapusan na ng hininga si Miss M. “Ga..ya mo gusto ko… rin maka.. ganti. Pero..pero hu..li nab a ang la..hat?”

Umiling si Diaz, “Hindi pa.. huli ang lahat anak. Nagsisimula pa lang tayo. huhuhu. Bakit?”

“Dad….” at bigla nalang lumupaypay si Miss M sa bisig ni Diaz.

“Micaaaaaaaaaaaaaaaaaa” sigaw ni Diaz. Nakita ko naman ang takot sa mga mata ni Eduard.

Tumingin ako kay Geneva at sumenyas. Agad akong tumayo at kinuha ang tali ni Geneva. Nakita kami ng mga galamay ni Diaz kaya sumugod sila. Agad namang tumayo si Jeremy at Cio. Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang tali pero ayaw ko na munang isipin iyon. Mabilis ang mga kilos ko habang kinukuhanan din ng tali si Carmela.

“Gen, ilabas mo muna si Carmela” tawag ko dito.

Agad namang inalalayan ni  Geneva ang kapatid ko. Nakarinig ako ng putok ng baril at nakita ko si Eduard. Tumakbo ako palapit sa kanya at sinipa ang baril sa kamay niya. Tumilapon ito at agad akong inundayan ng suntok. Nakailag ako kaya binigyan ko siya ng sipa sa tiyan. Tumilapon sa sahig pero agad nakatayo. Ngumiti ito.

Lumusob ito sa akin at binigyan ako ng sipa, hindi ako nakailag dahil nawalan ako ng balanse ng makita kong tumilapon si Jeremy sa ‘di kalayuan.

“Shit!” mura ko ng mapasubsob sa sahig. Agad akong tumayo at inundayan ng suntok sa mukha si Eduard.

‘pPak!’ sinundan ko isang roundhouse kick. Tumilapon siya at nawalan ng malay. Pero naramdaman ko na lang na parang masakit sa braso ko at narinig ang putok. Nang tingnan ko ang pinanggalingan niyon ay nakita ko Eliza na hawak ang baril na nakatutok sa akin.

“Isabelle!” sigaw ni Jeremy.

Nakita kong nanginginig ang kamay ni Eliza habang hawak ang baril. Daplis lang naman ang tumama sa akin. Tinakbo ko ang kinatatayuan ni Eliza at sinipa ang baril na hawak niya.

“Ahhh” sigaw nito. Binigyan ko rin siya ng isang sipa sa mukha at tumilapon ito sa gilid. Nawalan ito ng malay.

Agad akong tumingin sa paligid at nakita kong abala sa pakikipaglaban sila Jeremy at Cio. Agad rin akong sumugod para tulungan sila.

Napatumba namin silang lahat. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nasaan si Diaz? Agad akong nagpanic.

“Isabelle, okay ka lang?” tanong ni Jeremy.

“Si Diaz!” bulalas ko at agad tumakbo palabas.

Sumunod rin sila sa akin. Hinanap ko muna si Geneva at Carmela.

“Carmelaaaaaaa” sigaw ko. Pero walang sumagot. Tumakbo kami papuntang kabila sa may bahay sa gilid pero walang tao.

“Ateeeeeeeeee” nakarinig kami ng sigaw sa likod ng bahay. Dali-dali kaming lumabas at nakita naming si doon si Geneva na nakatali sa puno at sa gilid naman si Carmela na nakatali rin habang nakatayo si Diaz.

Dahan-dahan akong lumapit.

“Hanggang diyan ka lang Isabelle. hahaha. Hindi ko hahayaang mawala ang lahat ng pinagpaguran ko mula pa noon. Simula pa ay ao lamang ang nakakaalam ng sikreto ng pamilyang nakapaligid sa’yo. Mula sa pagkakaibigan ng mga magulang n’yo, si Jeremy, Cio at ikaw. Magmula  kay Lucio na anak ni Alejandro at Lucia na nagluwal ng kambal ngunit ninakaw lamang ni Mercy na ina ni  Jeremy. Oo si Jeremy at Cio ay kakambal. At sa ama ni Jeremy na nagkaroon ng relasyon sa ina mo at nagbunga at ikaw ‘yun. Diba ang saya lang? Ang saya ng pamilya n’yo. Pero hanggang dito nalang ang lihim ng pamilya ninyo. At mabubura rin kayo isa-isa sa mundong ito” at tumawa ng malakas.

Ako naman ay hindi makapaniwala sa narinig, kahit narinig ko na sa kanila ni Jeremy at Cio pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Ang ina kong napakabait, bakit niya gagawin iyon?

“At pati ang kapatid mo ay idadamay ko”.

Agad akong tumingin kay Diaz. “Huwag na huwag mong idamay ang kapatid ko, Diaz!” sigaw ko. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang galit.

“Ibigay mo muna sa akin ang chips, Isabelle”.

Napakunot ang noo ko. “Anong chips ang pinagsasabi mo? Wala sa akin iyon Diaz, wala kang makukuha sa akin”.

“Hahaha, hanggang ngayon hindi mo pa ba nakikita? Itinanim ko sa likod mo Isabelle!”.

Nagulat ako at agad kong kinapa ang likod ko pero hindi ko makita. Hanggang sa maalala  ko ang parteng ibaba ng balikat ko na makati. Doon ko nakapa ang isang maliit na bagay. Napatingin ako kay Diaz at nakita ko pang napangisi pa siya.

“Hayop ka talaga, Diaz!” sigaw ko dito. Anong gagawin ko? Nakita ko sa likuran ni Diaz si Jeremy, napamulagat ako kasabay niyon ay ang agad na pagsipa ni Jeremy kay Diaz.

Agad ang ginawa kong pagresponde, kinuha ko ang tali sa kamay ni Carmela at si Cio naman kay Geneva. Nagbunuan naman si Jeremy at Cio hanggang sa may narinig kaming putok. Napatingin ako at agad kong nakita si Eduard. Bigla ang pag takbo ni Cio at nasapol sa mukha si Eduard, agad silang nagbunuan rin.

“Geneva!” sigaw ko at hinila si Carmela papuntang labasan.

Nakita kong may paparating na isang lalaki kaya pinalayo ko si Carmela at agad sinunggaban ng suntok ang lalaking iyon. Nasipa niya ako sa tagiliran, pero hindi ako natumba. Binigyan ko siya ng isang sipa sa mukha at isa pa sa tagiliran. Agad itong natumba. Sisipain ko pa sana ulit ito, pero narinig ko ang sigaw ni Carmela.

“Ateee!!!!” narinig kong sigaw ni Carmela. Kasabay ng pag-alingawngaw ng baril sa paligid ko.

****

Nakatayo ako sa harapan ng isang nitso. Napabuntong-hininga ako, kay saklap ng buhay sa akin. Tumingin ako sa pangalang nakaukit sa lapida.

CARMELA SANCHEZ

Sinalo ng kapatid ko ang bala na para sana sa akin. Napakabuti ng kapatid ko,.  Agad na namang nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Pero siya, pinatunayan niya kung gaano niya ako kamahal.

Dahil doon, hindi ko na rin kinausap si Daddy. Alam kong ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Carmela. At alam kong hanggang ngayon hindi niya pa rin natatanggap na anak ako ni Mommy sa ibang lalaki.

Nakakulong na si Diaz, Eduard at  Eliza at alam kong pagbabayaran nila ang ginawa nilang kasamaan. Pero alam ko rin na lalabas si Eliza dahil siya na lang ang natitirang pamilya ni Daddy.

Pinakuha ko na ang chips sa balikat ko at binigay kay Daddy.  Sa gayun mas malaki ang ebidensya para sa mga kasalanan ni Diaz at Eduard.

Kinuha na ako ng Daddy ni Jeremy, habang alam kong nagkapatawan na rin ang dalawang kambal. Totoo ngang blood is ticker than water. Nagkapatawaran na rin ang mga magulang nila. Hindi na tumakbo si Daddy (ama ni Jeremy na totoo kong Daddy) at binigay na niya ang posisyon sa ama ni Cio.

Natanggap ko rin na ang buhay ko ay kakabit ng maraming gulo. Saan man ako tutungo, saan man ang aking direksiyon.

Sa pagtatapos ng taong ito, at panibagong buhay ulit ang haharapin ko at ngayon ay sa Japan na. Doon ako magsisimula ulit. Doon magiging kumpleto na ang pagkatao ko, bilang si Yuri. At hindi ko na papangaraping ibahin ang pagkatao ko. Dahil na rin sa mga taong nakapaligid sa akin.

“Yuri…” tawag sa akin. Tiningnan ko ang nagsalita at nakita ko ang nakangiting mukha ni Jeremy. “Tara na”.

Ngumiti rin ako kasabay ng pag-abot ng kamay niya. Hay, ngayong natapos na ang lahat ay masaya na ako kahit sa ibang banda ay malungkot ako sa pagkawala ng kapatid ko.

Naglakad na kami palayo ni Jeremy, baon ang pagmamahalan naming sa isa’t-isa. Oo, kami na ni Jeremy. (blush)

Eh, sa mahal ko siya eh.

Doon ako magsisimula sa Japan kasama si Jeremy. At doon, pareho na kaming ‘warriors’.

Kaway!!!

(PAGWAWAKAS)

Author’s note:

Maraming salamat sa mga sumubaybay sa kwento kong ito. Alam kong medyo napahaba dahil hindi ko rin alam. hehe. Sa mga hindi bumitaw hanggang sa huli salamat po ng marami. Masaya na akong natapos ko ito kasabay ng pagtatapos din ng taon. Nawa’y napangiti kayo, napaiyak at napa-aksiyon sa kwento ni Yuri/Isabelle at Jeremy. Mag-uumpisa na akong magsulat ulit ng mga short story dahil natapos ko na ito. Hay, salamat Panginoon. Maging maganda sana ang inyong bagong taon.

 

Nagpapasalamat,

Whiteangel

 

Angel-in-disguise now signing off…

 

About WHITEANGEL

Isulat ang nagliliparang ideya sa loob ng munting utak ko. At gawing inspirasyon sa bawat taong nakakabasa nito. Isang Narsesa na nalihis ng landas at nagsulat dahil sa kaibigan niya ang lapis at papel. Nagsayaw sa loob ng isang titik at umindayog sa saliw ng isang tula. Isang magandang anghel na bumaba sa lupa upang ibahagi ang magandang balita(inshort BALIW lang po ako :)Beri much SINGLE pala at magiging old maid dahil babantayan ko pa ang mga baby angel na nagliliparan din sa loob ng sinusulat ko. 😀 http://wytniangel.blogspot.sg/
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!