Angel-in-Disguise (Part 19)

11476_380093882102676_1985344173_n“Malungkot ka yata?” napatingala ako sa nagsalita. Nakita ko ang mukha ni Cio na nakatunghay sa aking harapan, hindi ko ito napansin dahil nakatitig lang ako sa harapan ko.

Kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa gilid ng PE building, nakaupo lang ako hindi ko rin malaman kung ano ang iniisip ko. Nababaliw na yata ako? O siguro namimiss ko na ang pamilya ko lalo na ang kapatid ko. Nag-iisa na nga lang ba ako ngayon? Bakit parang may kulang pa rin sa akin hanggang ngayon? Bakit hungkag pa rin ang pagkatao ko?

Napabuntong-hininga ako saka ngumiti kay Cio.

“Let’s go..” hinila niya ako sa kamay na ikinabigla ko at naglakad kami papunta sa carpark. Binitiwan niya ang kamay ko at lumapit sa isang Harley Davidson V-Rod, isang klase ng bike cruiser. Lumapit din ako at binigay niya sa akin ang isang helmet. Sumakay na ito. “Hop in” narinig kong sabi niya, nag-aatubili ako nung una pero sinunod ko rin siya. Pinaandar na nito ang at maya-maya nakakapit na ako sa balikat niya. Pero kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa beywang niya. Awkward!

Papalabas na kami nang eskwelahan ng madaanan namin ang nag-uumpukang grupo ni Jeremy. Nakita kong masakit ang tingin nito sa amin, pero nilihis ko lang ang tingin ko.

Wala kaming imikan ni Cio sa daan, hindi ko alam kung saan nga kami papunta. Pero nagustuhan ko ang pag dadrive ni Cio swabe lang hindi katulad ni Jeremy. Naisip ko na naman ang mokong na ‘yun. grrrr! Badtrip!

Nakarating kami sa isang dagat, hapon na kaya hindi na mainit. Bumaba na ako at naglakad, naramdaman ko ang pagsunod niya sa kin. Nakakita ako ng isang bato at naupo ako doon, naupo na rin siya.

“Galit na naman ‘yung lover mo” narinig kong sabi niya.

Napatingin ako bigla sa kanya “Hindi ko lover ‘yun no!” at napasimangot pa ako.

“Nag-away kayo?” tumawa ito ng mahina. Bumuntong-hininga naman ako, ilang ulit ko na bang ginawa ito?

Umayos ako ng upo “Forget him!”, at napatingin ako sa dagat. “Tell me about her” hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko o curious lang ako sa Micang iyon.

Tumingin ako sa kanya ng wala akong marinig na sagot dito. Nakatingin lang din siya sa dagat malamlam ang mga mata. Pareho lang ang built ng katawan nila ni Jeremy pero ang facial expression nila ay magkaiba. Si Jeremy kung makikita mo ay matatakot ka dahil napakasuplado ng mukha nito animo mananakmal ng tao dahil sa kabitteran na dinadala nito. Pero si Cio parang napaka-calm ng mukha nito, palagi itong nakangiti kahit alam at nakikita kong malungkot ang mga mata niya.

Bumuntong-hininga rin ito, naghintay ako ng sasabihin niya.

“She’s so lovely, kind and funny. Siya ang nagpapatawa sa akin lagi, hinahanap ko siya pag nalulungkot ako kasi alam niya pa’no ako patatawanin. She always listened to my sentiments about my family, hindi ako nito iniiwan pag hindi ako naging okay” nagpause ito at pagak na tumawa. “Hindi ko alam kung na fall-out ba talaga siya sa akin o ginago lang talaga ako” tumigin ako dito and he clenched his fist. Alam ko kung sino ang tinutukoy nito na nanggago sa kanya, si Jeremy!

“Pero hindi mo ba siya kayang patawarin?” napalitan ng galit ang kaninang masayang mukha nito.

“Kahit kailan hindi ko siya mapapatawad, dalawa nang babae sa buhay ko ang inagaw niya” hindi ko maintidihan kung sino pa ang isang babaeng tinutukoy nito pero wala na siguro akong karapatang usisain iyon.

Hinayaan ko lang muna siyang manahimik baka ako pa ang pag buntunan nito ng galit. Pero akala ko ba ako ang may problema dito, bakit siya ngayon ang mas problemado? Gusto kong siyang batukan at sabihan ng ‘emo lang?’

Pero bago ko pa magawa iyon sa kanya ay narinig kong nag-ring ang cellphone ko.

Unknown number calling..

Sino kaya ito? Anyway, sinagot ko nalang.

“Hello?”

“Yur, si Gico ‘to

Napaisip muna ako kung sinong Gico iyon at ng maprocess ng brain cells ko kung sinong Gico na ‘yun ay “Oh Gico?” napatingin bigla sa gawi ko si Cio parang nagtataka.

“Punta ka naman dito, si Jeremy kasi napaaway…. Ano ba? Gusto kong malaman ni Yuri eh” narinig kong may kinausap ito.

Pagkatapos niyang sabihin kung saan iyon ay agad na kaming umalis ni Cio. Kahit hindi ko sabihan alam kong sasama rin siya sa akin.

Alam nga niya ang daan papunta sa sinabing lugar ni Gico eh. Nakarating kami sa sang old buiding malayo sa mga gusali. Nakita kong nakatayo sa labas ang mga kaibigan ni Jeremy habang nakatingin sa loob. May nakaharang na mga wire sa gusaling iyon. Lumapit kami at lumingon sila. Bumaba ako ng mabilis at nakita ko ang mga lalaki sa loob ng wire habang sinusuntok si Jeremy. Ang huli naman ay nakadapa na at kitang-kita ko ang maraming dugo sa mukha nito. Naalarma ako at kinabahan.

“Bakit hindi n’yo siya tinulungan?” sigaw ko.

“Ayaw niya eh” sabat ng isang naka orange ang buhok.

Napatingin ulit ako kay Jeremy mukhang mahina na ito dahil sa mga sugat na tinamo.

“Sino bang mga ‘yan?” tanong ko ulit habang nagpapanic na.

Sumagot si Gico “Sila ang mga black mafia, kilalang mga malalakas na grupo ng mga gangster dito sa Japan at Korea.” ah wala akong pakialam kung sino man silang mga grupo na ‘yan. “Kasalanan naman kasi nila, kanina nasagi ng motor bike nila ang sasakyan ni Jeremy. Ayun nakatikim sila kay Jeremy mainit kasi ang ulo nun, kaya naghamon pa ‘yan kaya nandiyan ‘yan. Eh ang gago hindi naman pala kaya. Tingnan mo nga mag-isa lang siya sampu sila, ayaw pa magpatulong sa amin” dagdag nito. Tiningnan ko ang mga kaibigan ni Jeremy isa-isa, bakit parang kalmado lang sila habang si Jeremy nandun at nagbabasag ng bungo. Aisshhh!

Kumulo pa ang dugo ko, bigla ang paglingon ko kay Cio nakita ko lang siyang nakaupo sa bike niya at walang pakialam. Ah bahala na! Umalis na ako sa harapan nila.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Gico.

“Tutulungan siya, kung ayaw n’yo siyang tulungan ako nalang” paangil kong sagot. Badtrip na ako. Gago talagang Jeremy na ‘yun anong gusto niyang patunayan at gawin sa sarili niya? Gusto niya sigurong lasog-lasog na ang katawan bago siya pakawalan. Ngitngit na ngitngit ako. At bakit ka concern, Yuri? tanong ng isang bahagi ng isip ko. Aissshhh! pati ba naman ang isip ko nag-aaway din? Packing tape naman!

Bumuwelo ako at inisang-hakbang ko lang ang mga wire na nakapalibot sa building nga ‘yun.

“Whoah..” narinig ko pang may nagsabi sa grupo nila Gico.

Nakatayo pa rin ako pagdating sa kabila, oo kaya ko ‘yan, ako pa. Masyado yatang nasarapan sa kasasapak ang mga hinayupak at hindi ako napansin.

“Heyyyyyyy………!” sigaw ko. Tumingin sila bigla sa akin.

Ngumiti ako sa kanila, at nagsimulang mag-unat ng mga kamay ko. Magiging magandang sagupaan ito, ilang buwan na ba mula nung huling napalaban ako na kasama si Jeremy noon. Kailangan ko na yatang mag warm-up.

Tumingin sa akin si Jeremy na hindi makapaniwala. At agad nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito, patay na naman ako nito mamaya.

‘Pero kailangan ko munang gawin ‘to Jeremy baby’ sabi ng isip ko.

Pweeee! baby? kapal mo Yuri!

At tumakbo na patungo sa mga lalaking iyon….

(Itutuloy..)

harley-davidson-v-rod-06

Ang Harley Davidson V-Rod ni Cio

About WHITEANGEL

Isulat ang nagliliparang ideya sa loob ng munting utak ko. At gawing inspirasyon sa bawat taong nakakabasa nito. Isang Narsesa na nalihis ng landas at nagsulat dahil sa kaibigan niya ang lapis at papel. Nagsayaw sa loob ng isang titik at umindayog sa saliw ng isang tula. Isang magandang anghel na bumaba sa lupa upang ibahagi ang magandang balita(inshort BALIW lang po ako :)Beri much SINGLE pala at magiging old maid dahil babantayan ko pa ang mga baby angel na nagliliparan din sa loob ng sinusulat ko. 😀 http://wytniangel.blogspot.sg/
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!