Ang Tatay Kong Kalbo

(Photo Credit: cosmicloveaffair.wordpress) ,
(Photo Credit:  cosmicloveaffair.wordpress)  ,
(Photo Credit: cosmicloveaffair.wordpress) ,

Kapag sinabihan kitang naalala ko ang tatay ko sa ‘yo o ‘di kaya’y tingin ko sa ‘yo ay tatay ko… ang ibig sabihin ay malaki ang paggalang ko sa ‘yo. Dahil para sa ‘kin naiiba ang tatay ko at siya na yata ang pinakamabait at responsableng tatay sa mundo.

Tatlo kaming magkakapatid na babae..iniwan kami ng nanay namin isang taong gulang pa lang ako. Ako ang bunso. Namulat ako na bawat hilingin ko o ‘di man hilingin pagmulat ng mata ko ito ay nasa harap ko.

Malayo sa ‘min ang tatay ko noon. Lumaki kami sa paaralan  dahil titser ang lola’t lolo ko..hindi na kasi kayang magbayad ng para sa yaya naming tatlo. ‘Di ko alam kung every anong buwan siya umuuwi, pero pag-uuwi siya nun gusto niya’y tatabi sa kanya lahat ng anak n’ya..

Isa lang ang ayaw ni papa na makita sa amin. Ang makita kaming umiyak. Kapag kami ay pinaiiyak ng mga auntie namin, ‘di n’ya kami sasawayin..siya ay aalis na lang at babalik kung kami ay titigil.

Sabi nila matatalino daw kaming mga anak n’ya.. hindi lang nila alam na bobo kami sa Math. Minsan, umuwi noon si papa at habang nagpapahinga at nakahigasiya, nandun ako sa tabi n’ya at nag-aaral. Dahil sa ako ay nasa elementarya,nagpaturo ako sa kanya.. Math pa..kapag naiisip ko ngayon ang sagot niya ay natatawa na lang ako..pero noon naku, ilang balde kaya ang iniyak ko..sukat ba naman sagutin ako pasensya na anak, absent si papa nang ituro yan…eh noon ‘di ko pa alam isa pala s’yang Atenista, grabe ang iyak ko, wala s’yang nagawa kundi umalis sa tabi ko, eh sa ayaw niya makita na umiyak ako.

Unang pagsubok ang pinagdaanan namin, ten years old ako nun at nagkaron kami ng half sibling. Inisip niya daw kung paano sasabihin sa ‘kin. Takot pa nga kung pano ko tatanggapin. Ngunit sadyang mahilig ako sa bata kahit nun pa. Inuwi nun sa amin ang kapatid ko at ako pa nag-alaga..kasabay din nun ang pagkamatay ng lolo ko..yung dating lolo’s girl nawalan na ng sinasandalang magmamahal.

Pangalawang pagsubok ang dumating samin. Nang minsang ako ay nabagot sa buhay at yun uminum ng lason. Christmas nun.. ‘di ko alam si papa ang una kong nasaktan.

Siguro nga mali ko na yun. Kasi kung titingnan ko ngayon lahat ng bagay binigay ng tatay ko. Ang mag-aral sa private catholic school kaming tatlong ay kulang pa para sa kanya. Pag sinabi ko nun ang gusto kong sapatos, idescribe mo lang, pagdating ng Philtranco, andiyan na. O ang kahong kahong undies na ‘di mo akalaing iisipin ng tatay..pero kahit sanitary napkin pa yan, siya pa ang magbibigay.

Magaling sa diskarte ang aming tatay. Sya ay nag-oopisina at may maliit pang tindahan. Kung kaya’t nung kami ay nasa kolehiyo ..UP,UST,CEU… magkakasabay man kaming tatlo nandyan at nakaalalay ang tatay ko. Marunong siyang maglaba..magtahi..magluto at magplantsa…mamili sa palengke..o kahit ano pa yan..pinagsilbihan niya kami basta lang kami mag-aral.

Pangatlong pagsubok na aming dinaanan. Umalis ako sa amin para makilala ang nanay. Pag-aaral ay aking tinalikuran. Sinayang ang limang taong pinaghirapang kitain ng aking tatay..

Pang-apat dun ay nung ako ay nag-asawa..ngunit nung ako ay nagkaanak .. Naku, ang apo niya ay mahal na mahal niya.. Ni ayaw painitan o kaya’y parumihan. Natutong kumanta ng pampatulog…gustong-gusto karga ang apong natutulog..

Hiniling niya sa akin na ako ay magtapos..mag-aral para makapagtrabaho. ‘ Yun lang ang kaya niyang ipamana..pagkatapos daw nun kahit mamatay na siya.
Sinunod ko siya at ako ay nakapagtapos..nagtrabaho at natutong tumayo nang mag-isa, nakapagpundar ng pag-aari ngunit nandyan lang siya.

Hiniling niya na ako ay mag-Masteral na sinunod ko naman. Siya ang nagpaaral sa akin dahil sa aming magkakapatid ako ang pinakamahirap.  Ngunit nang ako ay magtatapos na biglang inatake siya sa puso.  Kahit alam ko na dapat ‘di ko tinuloy ang title defense ko dahil naalala ko ang sinabi niya makagraduate lang ako puwede na siyang mawala.. Inalagaan ko siya..at kahit mainitin ang ulo niya tiniis ko ‘yun. Mapakita ko lang ang pagmamahal ko sa kanya..

Nakapagtitle defense ako pagkalipas ng isang sem. Ngunit hindi pa nag-final defense dahil sa takot na baka siya atakihin uli. Ayoko siyang mawala dahil siya lang ang aming sandigan.

Nung ako ay iniwan nga aking asawa, mas pinakita niya ang kanyang pagmamahal.. Oo nga, ako ay may bahay..pero ang ilaw at tubig at cable, siya ang nagbabayad..

At nang nakita niya na kapag galing ako sa work at umuulan, ako ay basa dahil sa motorsiklo lang ang aming transportasyon…
Pinag-aral niya akong magdrive..at kahit may owner type jeep siyang nakatambay, minsan, sa pag-uwi ko nandoon ang pinsan ko dala ang silver colored na kotse para sa akin daw ‘to.. hindi siya bonggang sasakyan dahil siya ay pagong lang(volkswagen) ngunit inisip niya na bagay ‘yun sa akin dahil maliit lang..

Sino nga ba ang makahihigit sa kanya..lalo’t ngayong ako ay nag-iisa na sa bahay… ‘di ko kailangang magluto dahil umaga ..tanghali ..gabi ako ay hahatiran niya.  Isa pa ang paglinis sa aking bakuran.

Kung titingnan ng ibang tao ang tatay ko..parang isang yagit..kasi hindi ito mahilig pumorma..simple lang, pero ilang bansa na ba ang napuntahan niya.. Regalo ng ate ko sa kanya..habang ako..wala pang nagagawa..pero para sakin kahit anong mangyari ….aalagaan ko siya.

About jessa maria

Proud to be a BICOLANA..a simple person who writes what's on her heart. Loves to laugh even in times of trouble..hopeless romantic and often times with a wild imagination.....friendly but shy....
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!