Ang tanga ko

(Photo Credit: wattpad)
(Photo Credit:  wattpad)
(Photo Credit: wattpad)

‘Yung pakiramdam na trap ka sa isang lugar at hindi mo alam kung paano makabalik dahil walang sinoman ang makapagtuturo sa iyo ng tamang daan?

Kahit anong pilit mo sa sarili mo na hanapin kung paano makaalis sa lugar na ‘yun, babalik at babalik ka pa rin na para kang namaligno na kahit baligtarin mo ‘yung suot mong damit ay hindi eepek. ‘Yun na ‘yun ang pakiramdam ko ngayon; kahit anong gawin ko ay hindi ko kayang iwan ang isang tao na minahal ko nang higit pa sa buhay ko.

Aminin ko man sa sarili ko o hindi, alam ko pangalawa lang ako sa kanya. Oo, maraming huhusga sa akin na sakim ako at makasalanan, pero wala kahit sinoman ang makararamdam ng nararamdaman ko kaya khit husgahan ako, ok lang kasi sarili ko ito at pinili ko lahat ito.

Pinilit at sinubukan kong iwan na siya dahil alam ko mali at nasasaktan na rin ako, pero bumabalik-balik pa rin ako sa kanya. Kung sa tingin ninyo ay pera ang habol ko sa kanya o ano pa man, mali, dahil lahat ay ibinibigay ko sa kanya. Ako ang gumagastos; ganoon ko siya kamahal para hindi niya ako iwan.

Bago ko pala ituloy ito story ko ng kasalukuyan nangyayari sa akin ngayon, gusto kong sabihin na hindi ko ito ginawa para husgahan ninyo ako. Gusto ko lang ilabas ‘yung sama ng loob ko at sakit.

Sampung taon ‘yung age gap naming dalawa at noong una ay masaya naman, to the fact na kahit saan ako lumingon at pumunta ay nariyan lang siya sa tabi ko. Hindi ko na kailangan ng salita para makita siya kaya minahal ko siya nang sobra kasi sa kanya ko nakita yung pagmamahal na akala ko hindi ako iiwan at hinahanap ko.

Lumipas ang isang taon, ang daming nangyari, ang daming nabago. Aaminin ko naman sa sarili ko na nagbago rin ako, pero mas lalo ko siyang minahal. Gusto kong araw-araw siyang kasama na alam kong hindi naman puwede dahil marami siyang bagay na mas dapat unahin kaysa sa akin.

Dumating na nga sa point ngayon na nabaligtad lahat. Ako ‘yung naghahabol sa lahat. Sinubukan ko namang layuan siya at umiwas, sinubukan kong makipaghiwalay, pero sa huli ay talo pa rin ako.

Ang masakit kasi dun kaya niya biglang itinapon ang lahat at kalimutan ako nang ganun kabilis, kaya niyang burahin lahat ng nangyari sa amin, sa buhay niya alam ko naman ang reason kasi pangalawa lang ako at mayroon talagang may karapatan sa kanya.

Nasasaktan lang ako kasi hindi ko magawang makalimutan siya; nahihirapan ako kahit madalas niya akong sabihan na sawa, pagod at wala na siyang gana sa akin ay isinisiksik ko pa rin ‘yung sarili ko sa kanya kahit alam ko sobra mali na lahat. Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi mahal na mahal ko siya kahit alam kong bawal at mali , kahit alam kong sa huli ay maiiwan akong mag-isa.

About stupidgirl

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!