Ang Talambuhay ni Cleo: Pira-pirasong Pangarap (Part 21)

best friendFourth year High School.

Ito siguro ang taon na masasabi kong pinagbuti ko ang pag-aaral ko. Nagsikap ako kaya ang section na kinabibilangan ko ay nakapunta sa St. Bernard Southern Leyte upang magtanghal ng isang sabayang pagbigkas. Nasa 30 ang mga kasapi kasama na doon si Abby, Julie, Ella at Anton. Sabi ng teacher namin na kapag naka first place kami sa patimpalak na iyon ay next destination namin ang Cebu upang doon naman makipagtunggali sa national level.

Mahigit sampu ang mga school na kalahok sa sabayang pagbigkas. Sama sama ang grupo namin na naghihintay sa backstage. Puno kami ng alinlangan at kaba noong mga panahong yon. Panay ang kabog ng dibdib ko na sinasabayan ko naman ng pagmemorya sa aming script. Nakita ko si Abby sa gilid habang nagme memorize din ng aming mga piyesa. Lumapit si Anton sa kanya kaya nagbaling ako ng tingin.

Maaga nag-umpisa ang patimpalak ngunit hapon na iyon natapos dahil sa dami ng mga estudyanteng nagsisipagtunggali. Hindi kami nakapasok sa first place ngunit kino congratulate parin kami ng teacher-coach namin dahil pumasok kami sa third place.

Alam ko na away bati si Abby at Anton. Bukod sa pupolar si Abby sa campus ay marami din itong kaibigan maliban sa amin ni Julie at Ella. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit taken for granted lang yung mga efforts ni Anton para sa kanilang relasyon ni Abby ngunit sa kalaunan ay nakuha ko rin. Actually, madali lang namang maintindihan eh.

Second choice lang ni Abby si Anton. Ang gusto nya talaga ay si Jevon-yung crush nya. Ngunit hindi naman nanligaw sa kanya si Jevon, at ngayong fourth year na kami ay hindi na namin nakikita sa campus si Jevon. Nasa kolehiyo na ito nag-aaral. Kapag nag-aaway sila ay hindi pinapansin ni Abby si Anton, at malimit nya itong pinagtataguan. Madalas kong marinig ang “bahala siya” sa bibig ni Abby. Kapag ganoon din ay ako ang kinakausap ni Anton, nagtatanong siya sakin kung bakit ganoon ang best friend ko, at kung ano ang maitutulong ko sa kanila.

Minsan ay may pinapabigay na sulat si Anton para kay Abby, at kadalasan ay ako ang nagiging tulay ng kanilang pagkakasundo ulit. Lagi kong inaaya si Anton sa mga lakaran namin ni Abby, at game na game naman si Anton na sumama. Mayroong minsang pinasama ko sya para umakyat sa bundok at kumuha ng buko para gawing “nilamaw” o (fresh buko with milk). Marami rami din kami noon at ang saya saya ni Abby, alam ko. Kase ang lakarang yon ay nagiging daan ng pagkakasundo nila ulit, at yun ay nauwi sa date.

Hapon na noon. Hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw at ang mabining pagdampi ng hanging hapon sa aming mga balat ay nagpaparamdaman sa amin  ng  kaginhawaan. Tapos na kami noong kumain at kasalukuyang nagpapahinga sa lilim ng punongkahoy, sa tuktok ng malawak na bukirin na pinapalibutan ng mga palayan at maalikabok na kalsada.

Katabi kong naupo si Julie sa ugat ng punongkahoy habang tanaw namin  ang  mangilan-ngilang sasakyang dumaraan sa kalsada, sa parteng baba ng bundok. Si Ella ay nakikipagkwentuhan sa iba pa naming kasama na nasa di kalayuan.

Nagpahiwatig ng pagkainis si Julie sa kasalukuyang tanawin sa gawing harapan namin. Si Anton at Abby, magkatabing naupo sa damuhan. Nakahilig si Abby sa balikat ni Anton. Ayoko sanang tingnan ang pagpi PDA nila. Nakakaasiwa kase.

“Ano ba yan si Anton,tingnan mo naman ang  korni nila. Kahit kelan talaga hindi ko  magugustuhan ang style ng mga to.” sabi ni Julie sabay irap. Tinatanong ko siya kung bakit at ito ang sagot ni Julie.

“Kasi naman, tingnan mo. Kahapon hindi sila ok. Kaya itong si Anton, habol ng habol kay Abby. Kaya ngayon, bati na sila. Ayan sweet switan na naman ang drama nila. Pero mamaya nyan, pupusta ako, mag-aaway na naman ang mga yan. “

At nagkatotoo nga ang sinabi ni Julie.

Kinabukasan ay Linggo.  Napadaan ako sa bahay nila ni Abby at nakita ko siyang nakatambay sa bahay kubo nila at nanonood ng Pokemon. Nagkakwentuhan kami ng mga bagay bagay. Mula sa pinaka simple hanggang sa mapadako ang usapang namin kay Anton.

“Nakakainis kase siya eh, gusto nyang pumunta sa bahay at bisitahin ako. Ipinaliwanag ko naman sa kanya na bawal siyang pumunta dahil siguradong magagalit ang Papa at tiyuhin ko. Ayoko na may masabi sila sa akin. Baka makarinig pa ako ng mga masasakit na salita.”

Naramdaman ko si Abby sa punto nya. 15 pa lang kami nun, at alam ko na mahigpit na ipinagbabawal ng mga tao sa bahay nila na magkakaroon si Abby ng boyfriend dahil sagabal lang ito sa pag-aaral. Bata pa raw siya para pumasok sa ganoong bagay, sabi ng lola nya. Masyado itong protective sa kanya dahil ito na ang nagsisilbing magulang nya buhat ng pumanaw mula sa panganganak ang nanay Lilian nya.

“Bes, hindi nyo naman kailangang mag-away. Dapat intindihin ka nya sa sitwasyon mo, at sana ma realize mo din na seryoso talaga siya sayo dahil hindi naman yan maghangad na makilala niya ang family mo kung wala lang eh.”

Para sa isang taong nakikinig sa aking saloobin at mga kadramahan sa buhay na hindi ako hinuhusgahan. Para sa isang taong kasama ko sa tawanan at iyakan. Para sa isang piling taong ang pangalan ay Abby, gagawin ko ang lahat at sasabihin ko ang nararapat.

Nabawasan ang dinadala sa dibdib ni Abby ng hapong iyon na magkausap kami. Nakapagtaka lang dahil inaamin ko naman na hindi ako madaldal. Passive ako at nagsasalita lang kapag tinatanong. Ngunit kapag kausap ko si Abby ay nagiging madaldal ako. Pinaparamdam niya sakin na pwede kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin. Sa kanya ay malaya ako.

Naalala ko ang isang quotes na nabasa ko sa magazine, na ginupit ko at ibinigay kay Abby.

“I wake up today smilling as I remember, I have a good dear friend and I hope many years from now, I would still wake up smilling for the same reason.”

(Itutuloy)

About Mary Ann Palmes

Mary Ann Palmes is an Admin assistant by profession and a friend psychologist by heart who loves books, language, and photography. Add me up in facebook https://www.facebook.com/maryann.palmes and let's talk!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!