Ang Taglay Nating Ugali

 Wala ng halong kiyeme! Ang mga tao ay may mga pagkaka-pareho lalo na pagdating sa pag-uugali mabuti man o hindi. Sabihin na rin nating ang lahat ng tao ay mababait pero, may kasamaan ding taglay. Ginagamit nila ang alin man sa dalawa base sa trip nila o sa mas magandang salita, base sa hinihingi ng pagkakataon. Kumbaga lahat tayo angels at demons at the same time. Astig ‘di ba? Rhodora X lang ang peg. Dual Personality o Multi pa! Kaya naman, nasa sa tao pa rin ang huling say kung anong ugali ang mas pagiigtingin niya. Wala tayong ibang kalaban kung hindi ang mga sarili nating konsensiya, sarili nating multo.

Maaring nahubog ang mga paguugaling ito base sa kinalakhang lugar o kaya naman, wala lang, naimpuwensiyahan lang, trip lang ulit, gano’n. Ilan sa mga babanggitin ko dito ay ang mga kaiga-igayang ugaling mayroon tayo na nasa iyo na lang kung aamin ka o hindi.

Selfish – hindi ito isang uri ng isda pero malansa ito kung tutuusin. Ito ay ang mga pagkakataong ayaw nating magbigay. Gusto natin sa atin lang, tayo lang. Ito ay ang paguugali natin kapag ayaw nating mag-share, kaya nga selfish. It makes sense, oha! HAHAHA. Isang halimbawa sa mga ganitong pagkakataon ay ang pagtatago mo sa kuwarto habang kinakain mo ang paborito mong tsokolate. Ayaw mong may makakita sa iyo dahil ayaw mong magbigay kung may manghingi man. Selfish ka rin kung hindi mo inuunawa at inaalala ang mararamdaman ng ibang tao. Nakatuon lang ang pansin mo sa sarili at sarili mo lang. Nakasasakit ka na ng hindi mo namamalayan. Nakababastos ka na ng hindi mo inaalala kung sino ang kaharap mo. Huwag ganoon! Dahil hindi everyday, birthday mo!

Insensitive  ito iyong paguugali o pagkatao mong pagiging manhid. Uso daw ito sa mga lalaki. “Ang problema kasi sa’yo ang manhid mo!” Sigaw ni gelpren sa boypren niya. Pero bukod dito, ito rin iyong mga pagkakataong nakalilimot tayong pumikit, makinig at makiramdam. Ito ang mga pagkakataong hindi natin iniintindi ang hinaing ng ibang tao at sarili lamang natin ang napapansin natin. Madalas sa mga tao/ paguugaling ganito, walang pakialam sa iisipin at sasabihin ng ibang tao. Ang sama ‘di ba? Ganyan ka rin eh.

Competitive- ang pakikipag kumpitensiya ay okay lang pero dapat nasa lugar. Healthy competition lang kumbaga. Dapat hindi mo rin kinukumpetensiya ang kapatid, pinsan o kaibigan mo dahil sa ano mang anggulo, ang mga taong ito ay minsang nakatulong sa iyo. Ang pakikipagkumpetensiya sa kanila ay katangahan at kalokohan lamang. Wala kang patutunguhan sa buhay kung hindi ka marunong pumili ng taong kalalabanin. Lumugar ka at gamitin ang katalinuhan sa tama, ayos lang ba?

LiarSino ba ang taong hindi pa nakapagsisinungaling? Taong hangal ang magsasabing hindi siya nagsinugaling minsan sa buhay niya. Mayroon lang talagang mga tao ang may talent sa makatotohanang pagsisinugaling pero hindi ito nakapgbibigay sa kanila ng excuse para maging kapanipaniwala. Ilang kasinungalingan na ang nasabi mo ngayong araw?

Pretentious- ito ang mga taong hindi tanggap ang katotohanan. Kulang ka sa acceptance, ‘dre! Subukan mong magpakatoo habang maaga pa at bago ka lamunin ng sarili mong paniniwala. Ang mga taong ganito ay hindi makatatanggap ng tunay at purong pag-ibig. Hirap silang magtiwala dahil sila mismo sa sarili nila, peke! Ang masasabi ko lang, kung hindi ka magiging totoong tao, wala ring tao ang magiging totoo sa iyo kaya kung pinili mong maging peke, huwag kang mag-expect na may magiging totoo at tapat sa iyo. Sarili mo ang nilolko mo hindi ibang tao. Plastik ang mga taong ito, salot sa lipunan. Ikaw, kung hindi mo tatanggapin lahat ng nabanggit sa  artikulong ito, ang plastik mo.

Ang mga ugaling nabanggit ay mga katangiang naipamamalas nating lahat. Hindi man madalas, nagkaroon pa rin ng pagkakataong naging ganito tayo. Ang masasabi ko lang, kahit gaano man kalakas ang bulong ni Satanas sa iyo, laging mabuti pa rin ang pipiliin mo dahil “Villains don’t get happy endings!”

visit me at http://alagadngsining.wix.com/alagadngsining/apps/blog

About Alexa Santos

To read more of my articles, please go to http://magingalagadngsining.wordpress.com I am a blogger, a model and a student.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!