Ang Putak ng Anak ng Puta

"Minsan may Isang Puta" has been privileged to be a part of the indie film "Garden of Eve". The film was awarded with the ANI NG DANGAL (Harvest of Honor) at the Malacañang Palace, won the Silver Woman trophy in New York, made a mother cry at Utah and graced the silver screen in San Francisco, California. (Behind the scenes photo courtesy of Hubo Productions. 2010)
"Minsan may Isang Puta" has been privileged to be a part of the indie film "Garden of Eve".The film was awarded with the ANI NG DANGAL (Harvest of Honor) at the Malacañang Palace, won the Silver Woman trophy in New York, made a mother cry at Utah and graced the silver screen in San Francisco, California. (Behind the scenes photo courtesy of Hubo Productions. 2010)
“Minsan may Isang Puta” has been privileged to be a part of the indie film “Garden of Eve”.
The film was awarded with the ANI NG DANGAL (Harvest of Honor) at the Malacañang Palace, won the Silver Woman trophy in New York, made a mother cry at Utah and graced the silver screen in San Francisco, California. (Behind the scenes photo courtesy of Hubo Productions. 2010)

Napapanahon na naman sigurong ipaalala ang madalas makalimutan.

Ang inyong mababasa ay isang komento at tugon sa artikulong  “Minsan May Isang Puta” . 

 ********

Isang komento noong 2004, mula sa isang gumagamit ng username na “buzzman”:

********

Sino bang kuya’t ate ang sisihin ko? Mumurahin ko na ba’ng sarili ko kung nagkakaganito tayo? Nay, kaunting preno, delikado ang drama mo.  Sa anong takilya kaya kikita ang senti-kulangot na birada mo?   ‘Di bale, minsan ang FAMAS ay nagkakahalaga ng piso.   ‘Di ba naibibigay na lang ito sa beso-beso?   ‘Asan na ba si ate Ruffa ko?

 Mahal?   Sino o anong ama ang nagsilang sa amin?   ‘Di ko alam ang apelyido ko.   Namulat akong watak ang kanlungan ko. Ang away-kapatid ay may bugso ng paglaya, kundi man ito proseso ng paghubog at pagmulat.   Anong tahanan ang sadyang pinalad mabuo sa langit?   Sa totoo lang,  ‘di ko alam kung ginusto o nagustuhan mo rin ang kainitan ng sidhi. Samut-sari ang ipinunla ng pagtatalik na dinaan sa dahas.   May kwentong namuo, yun ang yamang nagbibigay kulay sa nakaraan ko.   Tila mali, utak namin ang ginagahasa mo.

Punyetang mood ‘to, nakalilito.   Sa pitong taon ko sa asylum na ‘to, p’wede nang maging kumbento!   Hindi drama ang gamot sa panibugho, at lalong hindi ang karnibal sa Mayo.   Pati ang Panday ay may agimat ng pagka-Pangulo.   Jusko, iisipin ko pa ba ang puti’t sakang na gumahasa sa iyo, gayong kuwarenta milyones na katutubong hintuturo ang nakabaon sa pagitan ng hita mo?   Nay, ilahad mo nang wasto ang tunay na nakaraan mo’t babalik ang mga kaanak mo.   Punyetang ina ka, nay, puro drama na lang ba ng kahayukan ang hirit mo.  Pati tuloy si Diana Booba ay sumisikat sa Hongkong, Thailand, at Timbuktu. Kababae mong tao, pagkababae mo mismo ang pinalalabas mong kahinaan mo. Ano ka ba, nay, gasgas na yang script mo.   Halaw na naman ba sa pitak ni Ricky ang punchline mo para magbiro?   Sikat na po ang eminem show.

Mismong anak mo ang sisira sa iyong lelang mo. Nung ipinadpad ka sa pusod ng Pasipiko para bira-birahin ng walang sinasantong bagyo, tinatanggap mong tadhana ito.   Kung karupukan ng tao ang itinatangis mong kalagayan mo, ba’t tayo tinawag na indiyo?    Nay, sa isang sindi ng yosi, p’wede pong magliyab ang mundo.  Ang punto ko, magbasa ka ng libro. Masyado ka nang nawiwili sa kakafinger ng numinipis mong ego. Kung gusto mo, puno ng porno ang www. ito ba’y pansin mo?

Ina ka namin sa ngalan, anak mo ba kami sa laman?   karugtong ng Luzon ang Ryuku. tsino po si Lucio.  ang Cojuangco, ba’t may J at C na nakaipit sa OO?   ah JC, hesukristong sugo, ‘di ko mabilang ang Iglesiang sinaniban ng multo-deliryo. kailan lang ba tayo nagpalit ng alpabeto?  Ang dating daan po ay sinasambang emporyo.   Anong tumbok ko?   Nawawala kami sa sariling mga anak mo? at bakit? dahil sa kakadrama mo ng ganito. Ang lupang sinilangan ko po, ay jigsaw puzzle na paborito ko.  Dine-deadma n’yo, alaskado tuloy tayo ng mga siyentipiko.

‘Wag n’yo pong tanawin na ang nakaraan n’yo e k’wento ng ginutay-gutay na baro.  ‘Di kayo nagkauri na winantutri ng kalaguyo, o ibinenta ng sariling supling n’yo.  Tulad po ng bagyo, natural po ang takbo ng kapalaran n’yo. Parang isang sumpa, na kung ‘di n’yo hampasin ng maso, olats kayo.   Oo, kulelats kayo sa karera ng kabayo kung panay lang ang sundot n’yo ng puso.   Ang pagmamahal po e ‘di ipinupunla sa puso, kundi’y sa utak pinalalago.   Ba’t ho ba nadedo ang anak ni Miriam Santiago, at tila clubhouse ang College of Law?  Isulat mo po sa noo ni Oble na bago na ang banyo n’yo.   Ni hindi ako makapagshabu sa mga tambayang tatak Greko. Daig mo pa ang gecko kung kumapit sa kano, pero panay ang reklamo mo.   Sila ba’y kapuso o kapamilya ko?   Punyetang drama to, nay, naman, namannn. hah, makakain na nga lang taho.

Taho, tahoooo kayooo jannn!

 

*******

Ang tugon bilang ang inang “Puta”

*******

 Anak kong buzzman…isali mo na ako d’yan sa taho mo.

 Tara, upo muna tayo.  Kung magulo ang utak ko noon eh mas magulo ang utak ko ngayon. Lintek kasing piyesta ito, yung ibang mga kapatid mo, binugaw na naman ako.   Akala yata sa akin eh laman ng pinyata na pinaaagawan sa party.   Haay, buhay…siguro daanin na nga lang muna natin sa taho.

 ‘Lam mo, buzzman, ‘di ko matatanggap na “utak mo ay ginagahasa ko”.  Marahil dahil sa ating mga nakaraan kaya ‘di mo maramdaman at makuha ang ibig sabihin ng pagmamahal.   Napakalaki yata ng aking pagkukulang kaya may mga anak ako na gaya mo na kasing kapal ng kalyo ang puso.

Maniwala ka’t sa hindi, mahal kita. Oo, tama ka, walang humiling na isilang ka at ‘di ko alam kung kaninong malibog na ama ka nanggaling, kung anak man kita sa laman o anak kita dahil ninais kitang kupkupin. Isa lang ang katotohanan, pinasuso kita. naging pagkain mo ang katas ng aking dibidib. Inaruga kita hanggang nagkaroon ka ng lakas at pag-iisip. Marahil, tama ka na ang aking pinagdaanan ay “ang kulay na magbibigay yaman sa ating nakaraan”. Dapat sana! Kaya lang, ‘di ko maituturing na yaman ang isang pinagdaanan na halata namang walang natutunan.

 Ilan sa iyong mga kapatid ang makapagsasabi na may nalalasahan silang talim sa kanilang mga dila tuwing makatitikim sila ng tempura, french fries at ostiya? Totoo bang mas masarap ito sa kanilang panlasa kaysa sa cebuanong mangga?

 May kurot ba silang nararamdaman sa kanilang mga puso kapag nababasa nila sa diyaryo ang tungkol sa mga kapatid nilang naabuso ng amo sa Singapore at Middle East? Mga bunsong babae na ang tanging ambisyon eh mag-japayuki? Mga sundalong mala-piyesa ng chess na hinahain sa Jolo? Mga kuya at ate mong edukado, bulag at bingi naman sa baho ng mga taga-riles at ingay ng mga sanggol na ibinabasura?

 At kung mayroon man kayong nararamdaman, ANO ang ginagawa o gagawin n’yo?

Sapat ba na ibalik ninyo sa akin ang sisi? Basta “AKO” at “KAMI” ay okey, bahala na “SILA” sa buhay nila.   Pasalamat nga kayo na dinadaan ko na lang sa ek-ek ang sama ng loob ko, kung ‘di lang siguro ako ina, nagtampo at ginutom ko na lahat kayo nang malaman n’yo kung sino ang sinasalaula n’yo.   Ngunit ako’y ina.

 Ako’y isang ina, anak kong buzzman. Ina na walang ibang maibibigay sa inyo kundi ang aking ganda.  Ang ganda na sana’y nakapagbigay sa inyo ng dangal at yaman maski marumi ang nakaraan. Inang pilit na umaahon sa bawat bagyong dumaraan. Ang ‘di ko maintindihan, sa dami ng mga anak ko na sa tingin ko ay kasinggaling at kasingtalino mo ay ‘di na tayo nakaangat sa paghihirap. Parang supot ng basurang itinapon sa ilog Pasig na lulutang-lutang, ‘di alam ang patutunguhan.

Sabagay, sabi nga nila, ang basurang tinapon mo ay basurang babalik sa iyo. Kaya siguro ganito pa rin tayo.

 Teka, buzzman anak, ano ba itong pinagsasabi mong indiyo? ‘Di ba’t itong mga inampon kong mga instik eh mas masahol pa sa inyo nung nandito yung coño?   Eh sila pa ngayon ang may kakayanan na pangitiin ako.   ‘Di ba, basurero lang dati si manong Sy?   Aba’y nagugulat ako sa mga raket n’ya. ‘Di lang siya ang umaansenso kundi pati na rin mga kapatid mong nawili sa piling ko. Malay mo bang si ate Kikay mo sa Bulacan ay magkatrabaho maski contractual lang!   At ang mga indiyo kong anak sa pagkasilang, marami na sa kanila ang nakatulong sa mga kapatid mong naiwan.   Ang mga berdeng pera na naipapasok nila ang tangi kong kinakapitan.

Ang nakaiiling diyan ay ‘yung kung sino pa ang nakararaming wala sa tabi ko at mga tsinoy na anak-anakan ko ay sila pa ang kolektibo.

 Naku anak, kung alam mo lang, ayaw ko nang maging puta at pinuputa, wala si tito Sam mo sa puso ko at lalo namang ‘di mo siya kapamilya at kapuso.  Pero itong ibang mga manoy at manay mo, ewan ko ba, na-adik na sa Hershey’s at Expedition, pati nanay nila ay walang muhing binubugaw .   Ay!   May mas malala pa d’yan, dinuduraan pa ang pangalan ko gayong gumagamit naman ng tabo sa banyo at ang ilong at kulay, maski si ate Belo mo ang rumetoke ay ‘di maipagkakailang galing sa pusod ko!

 Anak kong buzzman, ‘wag mo sanang masamain. Tatlong round ng beer lang yan, bosing.  Ang nanay mong ito ay ‘di nagdadrama para magka-trophy.   Ang pakiramdaman ko ba ay parang sobra na ang nainom o masama ang tiyan at gustong may lumabas.  Kaya  ‘wag mo nang tawagin si ate Lolit mo at baka ang papa ni ate Gretchen mo ay ‘di makaya ang ilalabas ko.

 Siguro nga ako ay naninibugho, sabihin mo nang masama ang loob kasi dati sina Aleng Saigon at Aleng Hiroshima, mas malala pa ang inaabot.  Biruin mo, ‘di lang ginahasa kundi binugbog pa!  Mas maraming mga anak nila ang naghirap at namatay. Akala ko nga ‘di na sila makaka-recover, pero ano ka!   Sobrang sikat na sila ngayon!   Sa napakaikling panahon, sila’y nakaahon.   Ang kanilang mga anak ay taas noo sa pagkilala sa kanilang ina sa buong mundo.   Nakahihinayang ang kasaganahan nating natikman, ni hindi nga tayo makasabay.

 Palaisipan sa akin ito, sa iyo rin, ‘di ba?   Nais ko lang naman na muling kilalanin ang sarili ko.   Sa tulong n’yo, alam kong magagawa ko ito.

Walang santong kabayo ang makagagawa ng milagro kung mismong mga anak ko, ‘di mag-uugaling tao…

“Ang away-kapatid ay may bugso ng paglaya, kundi man ito proseso ng paghubog at pagmulat” na sinasabi mo ay dapat may aral na kinapupulutan at ‘di lang laman ng pahayagan.

Ang “kuwarenta milyones na katutubong hintuturo ang nakabaon sa pagitan ng hita” ko ang magtatakda ng ating kapalaran at tingin ng ating karatig bayan.

 Kulang ang “magbasa ka ng libro” kung ang utak at puso ay pulo-pulo sa layo. Hindi sapat ang kaalaman kung ang tingin natin sa www. porno ay bagay na dapat kaaliwan lalo pa’t ang starring dito ay iyong kababayan.

 Wala kang ate o kuyang dapat sisihin at ‘wag mong murahin ang sarili mo. Walang delikado sa pagiging totoo sa sarili, ‘di ba? Ang pinaka-mahalaga ay may natutunan tayo sa ating pinanggalingan, dilat tayong titingin sa ating dinaraanan at kapit-kamay tayong susulong sa kinabukasan.

 Salamat sa taho, anak kong buzzman, masarap siya at lalo pang sumarap dahil kahit alam kong may duda ka sa mga sinabi ko ay nakinig ka.   Darating ang panahon na maiintindihan mo ang pagmamahal ng isang magulang lalo pa ng isang ina, dahil kahit saan ka man mapunta o kahit ano pa ang inyong marating ay magkabahagi ang dibdib natin.

 

(Ang “Minsan May Isang Puta” ay mababasa sa http://definitelyfilipino.com/blog/2011/04/10/minsan-may-isang-puta-2007/.

Kung gusto mapanood ang trailer ng “Garden of Eve”, i-click po ang link na ito: TRAILER. Ang opisyal na Facebook page ay nasa www.facebook.com/minsan.may.isang.puta)

 

 

 

 

About Ms. Mike Portes

Mike is the author of "Minsan may Isang Puta", one of her articles that has taken a life of its own. It has been almost eight years since she wrote the article and, it is still finding it's way to classrooms, blog sites, fora, search engines and on an Indie film (Garden of Eve/Ganap na Babae). The film was honored as the opening movie at Cinemalaya 2010 and and has won international and local awards and recognition. The teaser, reviews and commentaries are at : https://www.facebook.com/minsan.may.isang.puta/app_4949752878 Mike's first sole authored book "The Dove Files", available at amazon.com (http://www.amazon.com/The-Dove-Files-Mike-Portes/dp/1477431853) is a collection of popular and new writings in Filipino, Taglish and English which includes the movie stills and screenplay of the viral "Minsan may Isang Puta", that was first printed in Writings 8. As Writings 8 on paperback has given back to Filipinos through the Piglets Unlimited Program of her publisher, the royalties of Mike's first solo book, on the other hand will go to one of the most intelligent scholars of Project Malasakit (http://karapatria.com/jeza.html) and Definitely Filipino's Baby Mark who badly needs a liver transplant at the soonest possible time. "Minsan may Isang Puta" has been published in magazines and has also been studied in high schools, universities and colleges for PolSci, Filipino and Theater 12 subjects.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!