Ang Paboritong Kong Animé Noon (part 2)

annime-1Nauna ko nang nai-blog ang tatlo (part 1) sa mga pinakasikat na Anime  naging paborito ng halos lahat ng mga bata noon. Heto ang ilan pa sa mga walang kamatayang Anime na tumatak at patuloy ng nakataktak sa ating isipan hanggang pagtanda.

 

GHOST FIGHTER

yu-yu-hakusho-ova-version-for-blog-1Eugene, Dennis, Vincent at Alfred… for sure tanda niyo ang mga mga pangalan na yan. Ilang beses ba naman pinaulet ulet ng ipalabas ng GMA7 yan. Saulado ko pa nga ang opening theme song niyan (sample sample sample) …ah basta ang dulo niya ??ARIGA TOYO MANSI WAH!?? Pero mabalik tayo sa kwento ng Ghost Fighter, maganda ang istorya nito na siyang kinahumalingan ng kuya ko habang kumakain ng paborito niyang beans at Haw Flakes habang nakatapat sa tv. Wala kayo sa kuya ko, meron pa talaga siyang notebook na listahan ng mga pamagat ng kada episode. Mabalik tayo sa kwento ng Ghost Fighter, talaga naman kapanapanabik ang bawat eksena at talagang tutukan mo ang bawat sandali (teka medyo OA ba ang line na yun?). Dahil sa Ghost Fighter na yan, hindi na mautusan ang kuya ko, ako na lagi, pati mga pagkakamali niya sakin sinisisi….ako ako parati na lang ako, ako na lahat, wala na kong ginawang tama hanggang kelan ako magtitiis sa paghihirap na ‘to. Pero mabalik tayo sa kwento ng Ghost Fighter, buti na lang at dalawa ang tv namin noon dahil kung hindi nagkaroon na ng digmaan pandaigdigan sapagitan ng kuya at ate ko dahil sa teleserye nila Claudine, Jolina at Thalia sa dos noong mga panahon na yun. Mabalik tayo sa kwento ng Ghost Fighter, ano bang istorya ng Ghost Fighter? Sino pa bang hindi nakakaalam sa kuwento ng Ghost Fighter!? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin alam ang istorya ng Ghost Fighter!!!? Kung binabasa mo ito para malaman mo ang kuwento ng Ghost Fighter puwes sinasayang mo lang ang oras mo.

 

POKEMON

serebii-net-s-official-advent-wallpapers-pokemon-17922352-1024-768-1Ang Pokemon na ‘yan, ang walang kamatayang Pokemon na yan Grade 5 pa ko may Pokemon na, naka-gradute na ko ng elementary may Pokemon pa rin, Grumaduate na ko ng highschool may Pokemon pa rin. Lintek na Pokemon na yan, college na ko may Pokemon pa rin hanggan sa nagkatrabaho hindi pa rin nag-eevolve si Pikachu, ‘maryosep! Nung bata ako super fan ako ng Pokemon, tuwing Biyernes ng gabi ‘to pinapalabas noon. So kung meron na ‘tong 542 episodes at isang beses lang ipapalabas sa isang linggo aba’y aabutin mahigit sampung taon. Ang totoo niyan ay saulado ko rin ang opening themesong neto at maging ang rap ending song neto,

 Bulbasaur, Jiglyuff, Charmander, Kabuto… Raticate, Snorlax, Magicarf, Squirtle… Ponyta, Rapidash, Pigey, Pigeotto! Gonna Catch’em all (2x)??…

Suki rin ako sa tindahan ng kapitbahay namin noon dahil ako yata ang nakakaubos ng paninda nilang Pokemon pogs, text, coloring mini booklet at marami pang ka-ek-ekan collectibles.  Dumating ang mga araw na hindi ko na nasubaybayan ang episode nito hanggang isang araw binuksan ko ang tv at sumakto sa Pokemon. Hindi ko na makita sila Bulbasaur, Charmander at Togepi… mukhang hindi na ko updated at nagkaroon na pala ng labindalawang series ‘to. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ng ending ang Pokemon animated series o kung aabutin pa ng salinlahi bago pa maging Pokemon Master si Ash.

 Continue Reading >>

 

About Juan Malaya

Ako po'y isang blogger na may malikot na pag-iisip at hindi makontrol ang sarili na sumulat ng mga bagay makakatulong sa kapakanan ng sanlibutan. - @damostjuanted | akosijuanmalaya.wordpress.com.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!