Ang Long Distance Relationship

(Photo Credit: Elephant Journal)
(Photo Credit: Elephant Journal)
(Photo Credit: Elephant Journal)

Mahirap pasukin. Madaming tinik na dadaanan. Ikaw na nasa abroad, malungkot ka at walang kaibigan sa umpisa, at ikaw na nasa Pinas, malungkot din kaya labas ka ng labas kasama ang barkada dahil hindi mo alam kung ano ang gagawain mo para hindi mo maalala ang sakit, ang hirap, ang hapdi ng maiwan ng taong mahal na mahal mo.

Isa sa pinaka malaking challenge sa buhay ng isang relasyon, mag-asawa man o mag-nobyo, ang mapahiwalay sa isa’t isa matapos ang mahabang panahon na pagsasama sa hirap at ginhawa, sa lungkot man o saya.
Sobrang daming pag-dadaanan, ang ilan, hindi makayanan kaya yung mga limang taong relasyon ay nauuwi na din sa wala.

Bakit nauuwi sa hiwalayan, ano ang kulang? O anong meron?

Unahin natin sa mga kakulangan:

1. Kulang sa oras. Oo lalo na yung mga 6-12hrs ang difference ng timezone. Umaga sa Pinas, gabi na sa abroad. Kahit gustong gusto pang magkausap ng bawat isa, hindi na kaya ng oras dahil inaantok na yung isa at ang isa naman buhay na buhay pa ang dugo. Ano ba naman ang laban ng pagod sa trabaho sa bagong gising pa lang. And vice versa.
Solusyon:
Mag-set kayo ng araw na parehas kayong libre. Kahit ang 30mins na paguusap ay napakalaking bagay na. Pwede yan. At hindi yan malaking problema.
2. Kulang sa komunikasyon. Magkaiba yan sa kulang ang oras. Dahil mayroong may oras naman para mag-usap, pero hindi naman nagka-kausap dahil sa kanya-kanyang pinagkaka abalahan. Oh baka dahil ayaw lang talaga.
Solusyon:
Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. At kung may dahilan ka man, siguraduhin mong katanggap tanggap at mas mahalaga pa sa taong mahal mo yan. (Hehe)

3. Kulang sa resources. May oras at may means ng komunikasyon pero walang pang-data plan ang isa, o walang internet. Brownout ng isang linggo sa isang baryo sa Pinas kaya hindi na magkaintindihan ang nasa abroad, ang ending, alam nyo na World War 2.
Solusyon:
Mahirap ang nasa abroad, minsan hindi ka makagamit ng internet s trabaho dahil ayaw ng amo o ng boss; magkaintindihan kayo. Hindi laging may pera para sa internet (sa abroad madalas ang mga naka plan), hindi laging siksik ang bulsa. Kaya nag abroad para sa kinabukasan hindi para malubog sa kautangan.

4. Kulang sa lambingan. Yan ang isang malaking Factor. Kahit lage kayo magkausap, kung hindi kayo naglalambingan o hindi nyo pinaparamdam sa taong malayo sa inyo ang pagmamahal na parang magkasama lang din kayo, mag-aaway lang kayo palage. Totoo. Kailangan nyong maglambingan, dahil kahit sa salita lang, ang simpleng “I Love You” na may halong lambing ay mabisang pantanggal ng pagod.
Solusyon:
Lambingin mo na, wag na unahin ang pride. Wag na mag dalwang isip. Nalalambing mo nga ang kaibigan mo eh ang mahal mo pa kaya? Isip.

5. Kulang sa pang-unawa. Malungkot sa abroad at hindi talaga kasing saya kagaya ng nasa pictures. Hindi kagaya ng nasa Pinas na pag malungkot ka eh yayain mo lang kaibigan mo magiging masaya ka na. Magka-unawaan kayo at wag nyo sakalin ang isa’t isa. Kung nasa abroad ka man, alam mo din sana ang feeling ng naiwanan kaya wag sobrang magpa-selos sa nasa pinas and vice versa. Mahirap mapraning, lalo na sating mga babae.
Solusyon:
Paguusap ng maayos at seryoso. Heart to heart ika nga.

6. Kulang sa tiwala. Mahal mo di ba? Bakit ka hindi magtitiwala sa kanya? Pinagkakatiwalaan ka ng boss mo sa trabaho kahit hindi mo sya kakilala. Ano ba namang pagtiwalaan mo din ang taong mahal mo at nagmamahal sayo ng totoo.
Solusyon:
Kagaya ng nasa #5.
Pangalawa, anong meron?:

1. Merong Tukso. Hindi maiwasan yan ng iba. Yung mga mag asawa na nagkakahiwalay dahil sa tukso…tao lang din kayo at nagkakamali, pero mag-isip kayo. May anak kayo, wag nyo hayaan na bumalik sa mga taong mahal nyo ang kamalian na nagawa nyo na panandaluan lang. Wag nyo hayaan masira ang sampung taong pagsasama ng sayang pang 30 minutes lang.

2. Merong sagabal. Oo, kagaya na lang ng kung ayaw ng magulang mo sa karelasyon mo at dahil magkahiwalay na kayo, patuloy kang pinakikilala ng magulang mo sa iba’t ibang tao hanggang sa may makilala ka nga, at bumigay ka. Aba hijo/hija, tibay-tibayan ang kapit. Bibihira ang magmamahal da taong kaunting dikit laang sa iba ay bigay na. At, wag mo bibitawan ang taong mahal mo ng dahil ayaw ng karamihan sa kanya.

3. Merong pinag-seselosan. Ito ang mahirap. Kahit panget suspect. Wag mo na lang dikitan kung sino man ang pinagseselosan nya. Ano ba namang mawawala sayo kung iiwasan mo? Mahal mo eh, may karelasyon ka, kahit naman sayo gawin yun ayaw mo din. Oo kailangan ng paguunawaan, pero iba na yung naiwas at hindi gumagawa ng pag-Aawayan. Parehas man kayong may point, eh pano? Lage na lang kayong ganyan? Mag adjust kaya ang isa sa inyo. Magbigay daan sa pagmamahalan, wag sa kaguluhan at iwanan.

Patunayan n’yong may FOREVER.

Tandaan: True love conquers all. Wag susuko. Distansya lang yan versus pagmamahalan. Pasasaan ba at ang lahat lahat ng hirap, lahat lahat ng sakripisyo ay magbubunga din.

Long distance relationship para lang yan sa taong matatapang. Ikaw, matapang ka ba?

About Vheykai18

Born in the beautiful municipality of Agoncillo, Batangas and continuing the journey here in Spain. Batang OFW. Isa sa mga college graduates na wala sa field ang trabaho. Batang 90's.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!