Ang Kontrobersyal Mo

getitfromboy.net
7/24/2013 3:33:03 PM

Suspendido sa loob ng limang buwan si Mohan Gumatay, mas kilala bilang si DJ Mo Twister. Ipinataw ito ng istasyon ng kanyang pinaglilungkuran sa kanya.

Naku, ano na naman ang kinasangkutan ng mamang ito? E ikaw ba naman ang magtalakay ng sex sa palabas mo sa umaga e.

Yun lang? Hoy, anong “yun lang?” Sino ba namang nasa katinuan ang magbabato ng sex bilang topic sa radyo sa pagitan ng alas-sais hanggang alas-diyes ng umaga? Pampagising nga ng dugo, pero wala naman sa hulog ang datingan niyan. Lalo na’t hindi naman masa ang target audience mo; at kahit nga masa station e hindi basta-basta pinag-uusapan ang alin mang bagay na may kinalaman sa sex e.

Nadamay pa tuloy sa suspensyong ito si Tin Gamboa, o mas kilala bilang si Suzy, bagamat nasa ibang time slot na siya nagpoprograma. Pumalit sa timeslot ng Good Times sila Sam Oh at Gibb ng 99.5 Play FM (kapitbahay lang nila).

Kung tutuusin, hindi na bago ang maharap si Mo pagdating sa mga kontrobersiya at suspension. Maalala ko nga noong 2007 e. Minsan siya nasuspinde dahil sa kung anuman ‘yun, doon nga ulit nagsimulang mabuhay ang programang Boys Night Out na noo’y kinabibilangan ni King DJ Logan. At hindi pa BNO ang pamagat nila nun, dahil 6-9 am ang slot nila.

Pero speaking of BNO, minsan na rin sila na kamuntikang masuspinde sa pagpoprograma sa ere. Dahil ito sa minsang pagwika ni Sam YG sa acronym ng Benigno Aquino Youth Action Group noong 2008. In short… ops, kayo na lang magbasa nun. ayaw kong madamay d’yan. Haha!

Three months dapat silang mawawala sa ere. Buti naman hindi nangyari dahil ang mga host na mismo ang nagseself-censure sa mga sinasabi nila.

E ayun naman pala e. Dapat maging bukas na lang ang kaisipan ng mga tao pagdating dito. Hindi yun ang punto, p’re. Kung walang habas ka naman kung magsalita tulad ng nasuspindeng DJ na yun, good luck talaga.

Click here to read more of the article “Ang Kontrobersyal Mo.”
 
For comments and suggestions, feel free to drop a line on any of slickmaster‘s social networking sites.  Follow him on Twitter at https://twitter.com/slickmasterph; on Tumblr at http://theslickmaster28.tumblr.com; and like his Facebook page at http://www.facebook.com/theslickmaster28.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!