Ang Hinaing ng Isang “Teen-ager”

(Photo Credit: sarahealy)
(Photo Credit:  sarahealy)
(Photo Credit: sarahealy)

May goodness!  Ngayon ay napaiisip ako kung bakit napunta kami sa sitwasyong ito.. broken family, magkakalayong magkakapatid at nagiging iba na ang tingin ko sakanya.. hindi  ba niya pansin iyon?  Hindi pa kasama diyan ang kalagayan niya bilang isang indibidwal sa lipunang ito at ang kalagayan ng kayang pamilya (family side).. hindi man ganoon kasaklap, pero masaklap pa ring isipin na wala pa siyang naaabot na kaginhawahan.

 Ang buhay na trabaho nang trabaho at walang nakikitang kaginhawahan.. .kaya ba pati ang baon ko na responsibilidad niya ay dapat niyang bitawan?!   Hindi ko alam mga plano niya sa buhay.. pero sana sa mga plano niya ay may maayos kahiti isa sa mga nasabi kong problema.

Hindi niya naman dapat malaman kung ano ba talaga ang tama sa mundong ito, pero sana inaakay niya ang buhay niya (o kami) sa tamang landas..

Kung siya nahihirapan sa settings namin na hindi nagpapansinan.. sa tingin niya ba ako’ynatutuwa?  ‘Yung feelings na walang sumusuporta sa mga ginagawa ko… walang makausap tungkol sa mga achievements ko.. at walang magulang na makakuwentuhan tungkol sa mga bagay- bagay ..

I’m still a kid! pero tinitiis ko dahil doon niya ako inaakay ..  Hin di ko alam kung siya ang may diperensya o ako lang talaga .. na dapat ko ba siyang intindihin dahil bata pa ako at wala pang gaanong alam o siya ang dapat umintindi sa akin dahil hindi ko pa nga alam ang lahat ?

I’m trying to understand things .. on my own .. so, how could I rightfully understand things the way they understand it ??   Kung siyang natatanging magulang ko, hindi pinaiintindi sa akin ang problema bagkus ay ang sarili niya ang gusto niyang intindihin ko ..

 Hindi niya ako masisisi kung bakit ko nasasabi ang mga bagay na ito, ang mga ginagawa ko at mga sinasabi ko.. hindi po ako nagmamalaki .. I’m not the rebel here, siya yun!

 Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari, but from what I see and how I understand things … gusto niyang ipamukha sa akin na wala pa akong mararating, na ako ang mali at hindi ko pa kaya ang mag-isa.. na wala akong mapupuntahan pag-ako ay nangailangan .. na sila at sila ng family side niyang wala nang pag-asa pang umunlad ..

Instead of leading me to my way out of their baggages, gusto niyang sumampa pa ako sa kanya dahil ang tingin niya sa sarili niya, siya lang ang may karapatang magmanipula ng mga buhay ng mga taong nakasandal sa kanya.. .kulang na siya sa pagmamahal .. nakain na siya ng pride niya .. na gusto niya siya lang makalalamang nang sa gayon ay sa kanya kumapit ang lahat para kapag nawala siya … dama ng lahat ang kawalan pag nawala siya .. para mapatunayan niya sa sarili niya na may nagawa siya ..

Kakaiba siya sa mga magulang na nakilala ko .. instead of helping their children to know what’s right and what’s wrong, they tend to manipulate our minds on what should be right and what’s wrong based on their manipulation..

 Anak lang ako .. not well-experienced .. but they’re provoking me to speak this way .. ayaw ko siyang kausapin .. at ayaw ko siyang makausap .. dahil alam kong iiinsist niya na hindi siya nagkulang .. na ako ang may kasalanan .. dahil sa mga luho ko .. (may goodness, ako pa ang maluho..) nakasasawang intindihin at nakasasawang ipaintindi ..

Last week ay namatay ang lola ko .. so nangutang siya para makauwi ng province .. e paano kung isa sa kanila ay bigla na lang ma-ospital??  Uutang na naman ba??   Tapos, sino na naman ang may kasalanan??   Ako na naman dahil sa mga luho ko raw?   Ako na hindi niya binibigyan ng pera para sa extra-curricular activities  at mga school projects ko at kumukuha na lang sa baong ibinibigay niya na 100 php .. na ang 40 php ay pamasahe ko papunta-pauwi .. partida, whole day ko na ‘yang 100 na yan .. na may 500 php siyang ibinibigay sa akin for 6 days of schooling ko .. saan ako makapag-luluho diyan??

 Mabuti nga siyang anak, mabuti nga siyang kapatid, tita o kamag-anak, pero kung sirang-sira na siya sa anak niya .. wala rin .. sana ma-realize niya yun .. dahil hindi yun ang makatutulong sa kanya para maging isang mabuting tao ..

 I’m not telling this things para bigyan niya ulit ako ng baon .. what I want is to tell them .. kung may gusto siyang maayos .. sana maayos .. paulit-ulit, pero hindi niya gets .. or should I say, gets niya nga, pero ayaw niyang gawan ng paraan kasi hindi yon makatutulong para sa image niya sa nakararami .. wala siyang pinagkaiba sa kapatid niyang iniwan ang responsibilidad at inuna ang sarili .. or again .. should I say .. inuna ang sarili para daw” sa kapakanan ng nakararami ..

Dear God,

        Kailan kaya niya marerealize ang Sense of Priority?

Sincerely, Me.

 

PS: sana po maayos presentation namin ng term paper sa mga panelist bukas..

 

Enhanced by Zemanta
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!