Ang Galing ni Juan Kahit Saan!

Pinoy Pride (Photo Credit: Orchestroscopy.blogspot)
Pinoy Pride (Photo Credit: Orchestroscopy.blogspot)
Pinoy Pride   (Photo Credit:    Orchestroscopy.blogspot)
Pinoy Pride (Photo Credit: Orchestroscopy.blogspot)

Noong nakaraang buwan ay binaha tayo ng Jessica Sanchez pride sa ibat-ibang social networking sites. Sa lahat ng TV station ang mga headlines ay patungkol sa pamilya at mga kamag-anakan ni Jessica dito sa Bataan at pati na rin sa mga ordinaryong Pinoy na nasa Amerika na nanood at sumuporta kay Jessica.

Pero ang hindi natin nalalaman ay may isa pa tayong Pinoy Pride, sa larangan naman ng racing. Sa paggagalugad ko sa ibat-ibang  websites ay nakapukaw ng aking pansin ang headline ng  artikulo niMarv Dumon sa examiner.com Agad ko itong binasa at ayon sa artikulong itong may pamagat na 21-year-old becomes first Filipino to win Gran Prix. Ayon sa artikulo,noong nakaraang Linggo ay isang 21 taon na may dugong Filipino-Swiss ang nagtamo ng karangalan sa prestihiyosong MONACO GP3 sa French Riviera.

Si Marlon ang isa sa pinakabatang formula race winners sa kasaysayan ng nasabing sport. Pinatunayan ni Marlon Stockinger sa kasaysayan ang kauna-unahan niyang pagkapanalo matapos ang kanyang 14 laps sa loob ng 21:37.673 oras (second race).Hindi ako nakuntento at agad kong hinanap sa youtube kung mayroon siyang mga interbyu. Sakto ang daming lumabas. Pero ang pinili kong panoorin ay yung Pinoy Pride: Marlon Stockinger.

Ang interbyu na ito ay naganap bago pa siya sumabak sa Monaco Gran Prix noong linggo. Kinuwento na maaga siyang nagsimulang sa propesyon ng racing. Kung paano niya nakahiligan ang sport at kung anu-ano ang mga karanasan niya sa kanyang karera bilang racer.  Nabanggit din niya na hindi siya mag-aartista gaya ng kanyang kaibigan na kapwa racer din na si Matteo Guidicelli. Mas importante daw sakanya ang sport kaysa pagiging artista.Sa puntong ito, dito na ako humanga ng husto kay Marlon.

Napakagandang lalaki niya at talagang may potensiyal siyang maging “heartthrob” sa telebisyon pero mas pinili niya ang racing. Nais niyang iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa ibang bansa. Sa katunayansinabi pa niya na talagang mas gusto niyang maging representasyon ng Pinoy kaysa sa Swiss. Humanga na talaga ako sakanya.

Masasabi ko ang galing ni Juan ay hindi lamang nakakahon sa iilang larangan gaya ng American Idol at Football, Sayaw, Chorale dahil ang galing ni Juan ay kahit saan!

PAHABOL SABI; Kaya nga ang tangi kong kahilingan ay sana mabigyang pagpupugay at pagpapahalaga ang Kart Racing sa Pilipinas gaya ng ibinibigay na pagpapahalaga kay Jessica Sanchez, Manny Paquiao at Team AZKALS.

author:   maningning

p.e./kf

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!