Ang Delubyo ni Jojo: Chapter 1.2 What can go wrong?

PAGKATAPOS ko dakutin ang tae ko tinuloy ko na ang aking pagligo. Suot suot ko nnaman ang paborito kong white pants, white longsleeves at white rubber shoes. Hindi ko alam kung bakit pero pag suot ko to ramdam ko poging pogi ako.

San ka makakita paglabas mo pa lang ng bahay pinagtitinginan ka ng tao, makikita mo silang nakangiti at pinag uusapan ka. Iba na talaga pag artistahin…

Paborito kong hairstyle ay brush up sasamahan ko pa ng gel na makintab. Ayaw ko ng Hair Wax parang ang duming tignan at bagong gising. Gusto ko fresh looking, WET LOOK ika nga nila!

Habang nilalagyan ko ng Gel ang aking buhok sa salaminan, nakita ko na naman ang litrato ng nanay at tatay ko nung mga binata at dalaga pa sila. Si Tatay naka uniporme na pang sundalo, Brush up ang buhok tulad ko. May Hawig kay Elvis Presley. Si Nanay naman hanggang ngayon wala paring kupas hawig na hawig parin ni Alice Dixon.

Siguro ngayon, napipintahan niyo na kung ano ang itsura ko…Artistahin, matipuno, matangkad, makinis, gwapo o in short parang isang anghel sa lupa.

Pagkatapos ko tignan ang litrato ng mga magulang ko at ibrush up ang buhok ko. Dinilaan ko na ang daliri ko at sabay hawi sa aking makapal na kilay at isang smile sa salamin!

BOOM!!!

Literal na boom! nagkalamat ang salamin na tila ba nanadiya iparating na sinungaling ako at ubod ako ng kapangitan…

Bumaba na ko para magpaalam kay nanay at ng makapasok na sa opisina.

“Nay aalis na po ako, wish me luck!”

“Aba isputing na isputing ang anak ko ah, kumain ka muna ng almusal bago ka umalis, baka magutom ka sa daan”

“Huwag na po nay at malalate na ko…” Pagmamadali kong sinabi.

“Ay siya, ito baunin mo na lang… Nga pala anak, huwag kang maniniwala sa sasabihan ng mga tao sayo… Para sa akin… Ikaw ang pinakagwapong tao sa buong mundo….” Palambing na sinabi ng aking nanay at sabay abot ng lunch box na mickey mouse sakin…

Ayos sa alright paborito ko pa naman tong lunch box na ito. Ito yung 2 in 1 eh may lalagyan na ng tubig at baunan.

“Alam ko naman yun nay, ako yata ang pinakagwapong lalaki sa mundo!”

“Kung buhay lang ang tatay mo siguradong matutuwa sayo yun! siya pag butihan mo ang unang araw mo sa trabaho! Ingat! love you!”

“Sige una na po ako nay! love you too!”

Excited akong lumabas ng bahay, alam kong poging pogi ako ngayon. Naka all white, nakatuck in pa ko, suot ko ang pang basketball kong sapatos at higit sa lahat dala dala ko ang lucky mickey mouse lunch box ko.

What can go wrong?

Naglalakad na ko papunta sa sakayan ng jeep, tagaktak ang pawis sa sobrang init ng suot ko at pagmamadali. Habang nag lalakad nakita ko nanaman ang tambay kong mga kababata. Mahigit 20 taon na nandito parin sila nakatambay. Propesyon na yata nila ang pagtambay, sa araw araw ng ginawa ng Diyos nandiyan sila parang may prayer meeting parati.

“Kokey! Kokey! kooookkkeeey!!!”

Dali dali akong naglakad at hindi sila pinapansin…

“Hoy Kokey!”

Sinuot ko ang headset ko para magkunwaring nakikinig ako ng sounds at dumiretso sa paglalakad. Sinusundan parin nila ako, bwiset…

“Hoy Jojo! Suplado ka na ah! May paheadset headset ka pang nalalaman ah! Kailan pa nagkaradyo ang 5110? “

“huy Conrad! kamusta brader!? Pasensya ka na nagmamadali kasi ako, malalate kasi ako sa opisina. Props lang tong headset bagay kasi sa outfit ko poging pogi!”

“Ungas ka talaga kahit kailan, Penge namang pang yosi jan kokey! Mag yoyosi lang kami ng tropa”

“Cge walang problema, ito dos!”

“Ginaga#$% mo ba ko? lima kami tapos dos?”

“Biro lang brader, ito dos… tag dodos kayo… may 10 pang sobra pang pandesal niyo na rin… hehehe”

“Yan! magbibigay ka rin pala eh. San ka ba nagtratrabaho?”

“Diyan lang sa makati, medyo late na nga eh”

“Teka…” Nagmamadaling sinabi at umalis si conrad

Punyemas naman 100 lang baon ko nadilehensya pa yung 20… buti na lang pinagbaunan ako ng lunch ng nanay ko…

“JOJO! JOJO! Sakay na!”

Nakita ko sila Conrad na may dalang trycicle, Kahit papaano maasahan din pala ang mga tambay samin.

“Conrad, Salamat, sakto yan iwas trapik, nga pala kaninong tryk to?”

“Sumakay ka na lang Kokey!!! BILIS! ihahatid ka nanamin sa makati!”

“Conrad bawal ang tryk sa edsa!”

[email protected]#$ SAKAAAYY!!!”

Wala na kong no choice at sumakay na lang na parang maamong tupa at mukhang nagmamadali din sila conrad…

“Conrad!!! conrad!! bilisan mo magpatakbo hinahabol na tayo ng mga parak!!!” Sambit ni lucas

[email protected]#$%^ buhay toh… may pawhat what can go wrong pa ko….

Itutuloy….

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!