Ang Dakilang Guro

Maraming uri ng gawain o trabaho’t hanapbuhay na maaaring pasukin; propesyong pinapangarap ng bawat tao. Subalit walang hihigit marahil sa propesyong pagtuturo o ang maging isang guro.

Ang guro ang maituturing na pangalawang magulang na siyang huhubog sa kaisipan, paniniwala, pag-uugali at gagabay sa ating kabataan sa paglalakbay ng murang isipan na maarok at mabigyang halaga at kalayaan, kamalayan at buhayin ang masidhing ‘kyuryusidad’ ng bawat hilaw na isipan ng kabataan.

Hindi pangkaraniwan ang gagampanan ginagampanan ng isang ulirang guro. Isang mala-higanteng responsabilidad ang nakaatang sa balikat nito ang mabigyan ng sapat at angkop na karunungan ang bawat kabataan, ang magbigay ng matayog na inspirasyon, ang maghabi at maging tulay ng mga kabataan sa paghangad ng masidhing mga pangarap sa buhay hindi lamang sa pansarili kundi lalo higit ang maging responsableng mamayang magbibigay halaga sa ating lipunan.

Kung kaya’t maituturing na Bayani, buhay na bayani ang bawat guro sa ating mga paaralan. Sila ang tanglaw o ilaw na magbibigay liwanag at pag-asa sa mga suliranin, mga pag-aalinlangan at minsan kawalan ng pag-asa ng ilan sa ating mga kabataan.

Marahil, isa pang hamon sa ating mga mahal at bayaning guro ay ang lumalalang problema ng ‘salot na droga’ na kinasasangkutan karamihan at kinasasadlakan ng pagkalulong nito ng ilan sa ating mga kabataan. Ay ang maiahon, mabigyang gabay tungo sa tuwid na landas,  mapukaw ang diwa ng mga kabataan na nalilihis sa baluktot madilim na daan na sisira sumisira sa ating lipunan.

Suportahan natin at ipagbunyi ang ating mga guro na sana dumami pa ang mangarap maging guro na siya ring lubos na kailangan sa pag-usad pag-unlad ng ating mahal na bayan. Lalo na ang mga ‘titser o guro na sobra ang sakripisyo kagaya na lamang sa mga nagtuturo sa malalayong lugar sa kanilang pamilya na mas napaglalaanan pa nila ng panahon ang ibang bata kumpara sa sarili nilang anak o kapamilya magampanan lamang ng husto ang tungkulin bilang mangangaral o taga-pagturo.

Kung ang Kabataan ang pag-asa ng ating Bayan ‘sabi pa ni Dr. Jose Rizal, ang ating mga guro naman ang pag-asa ng Kabataan para sa ikauunlad ng Bayan. 

 

About awtomatik

An ordinary OFW struggling to write trying to share the thoughts that keeps boggling the mind seeking freedom from its cage. http://pilosopongpinoy.blogspot.com/ hakaco.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!