Ang Bestfrend Ko

(photocredit:www.visualphotos.com)
(photocredit:www.visualphotos.com)
(photocredit:www.visualphotos.com)

Nandito na naman ako at magsusumbong sa ‘yo. Buti ka pa, kapag kinukulit ko ay hindi ka naiinis; nakikinig ka lang at hindi nagrereklamo. Hinahayaan mo na ilabas ko lahat ang saloobin ko hangga’t maubos ito at ako ay manahimik.

Nakatutuwa ka, kasama kita kung ako ay masaya, kung ako ay nalulungkot, mas lalo na kung ako ay naghihimutok.  Sa ‘yo lang yata lumalabas ang mga salitang hindi ko kayang sabihin sa iba.  Ang suwerte ko nga kapag kasama kita.

Naalala mo minsan nang sinabi ko na inl ove ako? Ilan kayang kuwento ang nagawa ko noon? Tapos bigla, na broken hearted ako, hindi pa nga ako lumalapit sa ‘yo, alam mo na agad ang nararamdaman ko, ang bilis ko kayang mag-isip pag ganun.

Ikaw yata ang magpapatunay kung ano ang pagkatao ko at sino talaga ako. Kasi kilalang-kilala mo ako kung masama ang loob ko.

Ingrata nga raw ako, kasi palaging ako na lang at ako, ni hindi ka man lang kasi umiimik, ni hindi nagrereklamo.  Minsan nga ni  hindi ka pa dumaing sa akin.  Ang tatag mo.

May panahong nakaliligtaan kita, pag busy ako nun, tapos bigla na lang akong lilitaw kung mayroong magandang balita o kaya’y malungkot man.

Ikaw ang maiiwan kong alaala kapag wala na ako. Kasi ikaw ang magpapatunay kung ano ang nararamdaman ko.

Sa harap mo, hindi ako nagsisinungaling. Bakit pa? Hindi mo naman ako huhusgahan eh.

Ang pangarap ko ay naging pangarap mo.  Ang mahal ko, minahal mo.  Ikaw lang yata ang karibal na hindi ko pagseselosan, bagkus ay pasasalamatan pa. ang kalungkutan ko, nagagawa mong alisin sapagkat sa ‘yo lang ako palagay sa pagsasabi ng saloobin.

Sa harap mo, nagiging makatotohanan ang lahat ng pangarap ko.

Sana tao ka na lang…….sana may gaya mo kaperpekto….siguro mamahalin kita nang lubos……mas pa sa pagmamahal ko sa ‘yo sa tuwing kasama kita…

Pasensiya ka na kung ang malinis mong pahina ay dinudumihan ko…

aking diary.

About jessa maria

Proud to be a BICOLANA..a simple person who writes what's on her heart. Loves to laugh even in times of trouble..hopeless romantic and often times with a wild imagination.....friendly but shy....
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!