Ang Balagtasan nila Misis At Bihag na Kabit

misis at kabit

Misis :

Buti pa ang Makahiya, natutupi pag siya’y nahihiya,

Ngunit itong isang baluktot na animo’y nakakubot sa isang supot

Upang magkubli sa maling gawi na alam na man niya’y mali.

 

Bihag na Kabit :

Anong mali sa aking nararamdaman kung ito naman ay tunay at wagas?

Kasalanan man o hindi ako’y bulag ngang masasabi, pagka’t puso ko’y walang paningin.

O Misis na nagngingitngit, sa akin ay huwag magalit.

Bakit hindi tanungin….. Mister mong sa aki’y laging sabik.

 

Misis :

Wagas na ika mo’y kasing wagas din ng kapal ng mukha.

Nakapagtataka at saan ika’y nakakuha ng lakas?

Bakas man sa aking mukha ang aking agam-agam

Bakat naman sa iyong mukha ang garapalan.

 

Bihag na Kabit :

Garapalan mang sabihin, sa akin ay huwag nang ipasaring.

Tanggapin na lamang, Mister ang nakakaalam.

Kumbaga sa pagkain, Sardinas ay nakakasawa rin.

Adobo, Menudo, Estofado ganyan ka buo ang kayang kong ipagkaloob.

Sa Mister mong aliw na aliw,  na Akin na ngayo’y Giliw.

 

Misis :

Giliw na ika mo’y iyong inagaw

Pagka’t nauna ako  bago ka pa man naaliw.

Ngayon ay di na nakakapagtaka, pagkat parehas na nga kayong Baliw.

Baliw sa pansamantalang kaligayahan, na akala mo’y ‘di magwawakas.

 

Bihag na Kabit :

Wakasan man ang aming pag-iibigan , ngunit hindi ikaw ang magiging dahilan.

Hangga’t ang puso nami’y pumipintig, hinagpis mo’y di maririnig.

Si Mister mong sa akin ay naakit pagkat ako’y di kagaya mong bungangera.

Di katulad kong mayumi, Fresh sa umaga, Blooming pa  sa tanghali, ano na lang pagdating ng Gabi.

Huwag ko nang banggitin at baka ika’y maglupasay.

Try mo ring maligo baka sakaling siya ay magbago.

At nang sa iyo , siya ay bumaling.

Ngunit huwag na ding ipagpilitan, kung mister ay napipilitan.

Pagka’t dama ko kanyang dusa, sa kanlungan mong mapanghusga.

 

Misis :

Maligo ka man sa pabango, aalingasaw at aalingasaw  pa rin ang baho.

Baho na iyong ikinalat, nawa ay ‘di umalat.

Upang ‘di na dumami, bacteria mo na parang alikage.

Akala ko sa Quiapo lang ang may Magdalena, ‘yun pala’y nagsilipana na rin sa abroad

Sariwa ka man sa kanyang paningin, bibilasa ka rin pagdating ng panahon.

Kumbaga sa tilapia, mata mo’y mamumula sa bugbog.

Hasang mo’y iitim na pilit, kukulimlim na para mong singit.

Pagkat pag si Mister ay nagising! Didilim pangarap mong minimithi.

Kasing dilim ng iyong kili-kili na animo’y wala ng pagsadlakan ng tawas.

Di bale nang hindi sariwa, fresh naman ang lumpia.

Kaya’t huwag mo nang ipagpilitan, pag-ibig mong mapait pa sa papaitan.

Ang Mali ay Mali.

 

^_^

————> itutuloy <—————

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!