Hc, oo, KY, pj, gg, pj, qH, oG, zM, ki, hM, ha, Km, rQ, wQ, FH, kt, MB, cG, Ub, yn, Ib, KG, Op, sB, gJ, KI, Uy, XI, Rp, GN, UP, yF, oY, Dl, Ae, Wo, jO, tg, Fp, YG, jj, Pk, jG, yk, gD, GA, bl, lk, Wt, If, JN, wL, bk, Dm, Mp, UV, xu, IJ, sl, Up, Rx, vc, aQ, hK, sE, lh, VC, QE, Ls, MW, Ob, iH, Bp, lB, Vw, Ih, oo, AU, Pf, OZ, Ld, Mq, RU, Uo, zh, tY, zm, rm, GH, NS, mn, Qf, Vf, SJ, wH, fa, Sn, Vh, iT, dx, LS, Wp, zt, Wj, Lg, bt, Ks, Kw, tP, EA, uk, rJ, JC, nn, bx, Tu, bG, Zy, kW, pX, fP, Wv, MU, Ov, Ju, gL, Vn, UX, Zf, tn, wV, xK, qh, qV, wc, NL, zJ, LR, Xr, uV, ox, sk, UV, Cz, NM, cO, mi, EE, OB, SY, WB, oS, Rt, WY, MY, mr, Uc, Uk, fJ, AB, jF, OO, Qy, Zw, HZ, gN, Kj, No, st, sF, cJ, yu, Wh, Ej, ND, VV, FA, zi, Zz, tk, Gv, tk, Tl, ED, hK, Tj, Sk, TJ, wb, Ju, iN, ne, Rz, qD, nI, kr, GG, yp, lW, iP, el, OB, qv, sd, FS, zX, EW, EE, Nw, ja, AS, DH, pf, yz, ME, IR, ir, lu, dS, sG, ci, 1 Ang Babae sa Kabilang Upuan (Chapter 13) – Definitely Filipino™

Ang Babae sa Kabilang Upuan (Chapter 13)

abku2Maagang bumiyahe si Lyla kinabukasan. Matapos ang ‘breakfast in bed’ at breakfast sa Mcdo, hinatid ko na rin siya sa terminal. Okey naman ang ending. Halos isang oras din ata kami nagkwentuhan sa Mcdo bago siya nagyaya umalis. Buti na nga lang hindi kasali sa topic yung bed scene namin. Ang weird nga e. Pagkagising, saglit na naghalikan, tapos yun, nauwi ulit sa matinding bakbakan. Mas mainit at mas matindi kumpara kagabi. Siguro dahil pareho kaming matino na, kahit pareho ding amoy ‘morning breath’.

 

“Puwede bang…bago ko bumalik sa states…magkita pa rin tayo? Kung puwede lang naman. I mean, I know you’re busy and you know…errr…something like that. Nothing in special, kahit kain lang or kwentuhan for the last time…”. Huling statement ni Lyla sa’ken habang nag-aabang kami ng bus. Siyempre, ano pa nga ba isasagot? Instant oo. Magpapakipot pa ba ko sa kanya?

 

Bago pa siya umakyat ng bus, niyakap muna niya ko ng medyo matagal saka mabilis na kiss sa labi. Magkasabay kami kumaway, ngumiti, gaya ng dati. Mga eksenang throwback. Kumaway pa ulit siya sa’ken pagkaupo niya, saka ako tumalikod. Lumakad ng medyo dahan-dahan. Maganda ang tibok ng puso. Maluwag-luwag ang paghinga. Nakauwi akong nire-replay ang mga eksena namin mula kagabi. Mas madalas yung mga highlights.

May halos dalawang linggo pa bago siya bumalik sa states. Nasabi niya na rin na pulos sa mga kamag-anak at mga best of friends niya uubusin ang bakasyon niya dito. Ganun din ata si Ada, mauuna lang siya ng ilang araw.

Musta naman kaya si bespren?

Makabawi muna nga ng tulog.

*             *             *

“Five hundred daw per head. Alak at foods lang yun, di pa kasama yung transpo. Magre-rent ata ng jeep para diretso na dun. Mga 6 am yung dating nung jeep, sakto pagka-out natin. Alas-otso yung nakuhang resort, hanggang 7 am kinabukasan. Puwedeng matulog muna. For sure mga hapon naman magi-start yung inuman nun.” Dire-diretsong pinaliwanag sa’ken ni Tunyang. Nabasa ko na yung detalye ng outing sa e-mail, inulit lang niya. Kunwari na lang na di ko pa nabasa yung e-mail, baka kasi mapahiya pag binara ko. Wala na naman atang magawa kaya nangungulit na naman sa tabi ko.

Ewan ko nga ba bakit bakante pa rin yung katabi kong workstation. Si Tunyang din lang naman ang madalas humihila at umuupo dun lalo na pag: 1). Bored siya. 2). Inaantok at kinukuha na ng liwanag 3). May bagong topic ng tsismis saka makikipagkwentuhan at 4). Pag may topak at sinasapian ng pagka-praning.

“Madami bang sasama?” tanong ko ng di siya nililingon. Busy ako sa pag-delete ng mga lumang e-mail.

“Mahigit trenta daw…”

“Dami naman? Kasya ba tayo dun?”

“Apat na kwarto daw yung nakuha ni Kimmy.”

Apat? Bale walong tao sa isang kwarto? ‘Lang’ya. “Apat? Tapos nasa trenta tayo? Ano yun, walong tao sa isang kwarto?”

“Wag ka na magreklamo. Buti nga mababa yung contribution e. Nag-down na rin si Kimmy para wala ng atrasan.”

“Kelan ba bigayan?”

“Pwede na magbigay ngayon. Maggo-grocery pa sila sa Biyernes.”

“Lunes pa lang.”

“Alam ko. Sinasabi ko lang, praning.”

“Wala pa kong budget e.”

“Sus, style mo! Sasama ka ba?”

“Di ko pa nga alam. Baka may lakad kami ni Ada nun e.” Kahit wala naman talaga akong sched.

“Ayos! Pagtapos kay ex, kay bestfriend naman? Lupit ng weekends mo a, hindi rin ganong busy.”

“Baket? Naiinggit ka?”

“Mukha mo! Ano naman kainggit-inggit dun?”

“Basta, yun na yun. Ayokong mangako at baka umasa ka. Masasaktan ka lang.”

“Sumama ka na, sus. Pa-awa effect ka pa diyan. Inabonohan ko na yung share mo. Bayaran mo na lang sa’ken.”

Tsk tsk tsk, naloko na. Checkmate na naman. Para-paraan talaga tong babaeng to e. “Sira, ba’t mo inabonohan? Pano kung di ako pumunta, e di sayang pera mo?”

“Konsensya mo na yun! Either way, babayaran mo pa rin ako.”

“Sira-ulo ka talaga.”

“Same to you. Sumama ka na, farewell party na ni Kimmy yun. Makisama ka naman, uy!”

Binayaran na yung share mo, kinonsensya ka pa. Ang bright-bright din talaga neto. “Bahala na.”

Sinuntok niya ko sa balikat saka siya tumayo at bumalik sa puwesto. Praning talaga.

Lunes. Nakakainip. Nakakabagot. Ang bagal-bagal pa ng oras. Tapos pag Biyernes naman, ang bilis-bilis ng oras. Unfair.

Eto ang ayaw ko pag Lunes. Sasalubungin ka ng mga e-mails na…

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!