Ang Babae sa Kabilang Classroom (Chapter 22)

abkc1Mag-aalas sais na ng magpaalam ako sa kanila. Tumawag kasi si ermat, nag-aalburuto. Kakalabas ko lang daw ng ospital, kung saan-saan na naman daw ako nakarating. Pinilit pa kong maghapunan ng tatay pero tumanggi na ko. Kelangan ko na ring bumyahe habang medyo kumakalma ang ulan. Gaya ng inaasahan, pinahiram ulit ako ng payong.

 

            Naintindihan ko na lahat kung bakit ganun ang kilos ni Lyla. Naipaliwanag na ang lahat ng dapat ipaliwanag. Yung pagkanta niya ng My Immortal, request pala ng kuya niya. Strategy para lalo akong mahulog kay Lyla. So, mutual na pala kami ng hindi ko alam. Pero ba’t di pa rin niya ko sinasagot?

“Sabihin mo sa lalakeng yun, kung sino man yun, mag-antay siya ng chorus. First stanza pa lang kamo…”

 

            Ang haba naman ng kanta niya, nasa first stanza pa lang pala ako ng panliligaw. Sa totoo lang, nakakainip na rin. Pero kung mutual naman na kami, e di sige. Waiting in vain pa rin.

Yung mga pa-absent-absent niya, yun pala yung mga araw na laging nadadala sa ospital ang kuya niya. Maselan at delikado na rin ang sitwasyon kaya halos bantay-sarado na sa erpat si Leonard. Pag naalala ko yung itsura ng kuya niya, naaawa ako lalo. Sayang, ang bata pa niya. Para tuloy akong natakot sa alak, tsk tsk tsk. Naintindihan ko na rin kung bakit laging malungkot si Lyla sa campus. Kung bakit minsan late, at kung bakit hindi na rin siya sumali sa sporsfest. Nasabi na rin niya na dati na rin pala niya akong napapansin, ako lang daw ang hindi nakakapansin sa kanya. Acquaintance party last year daw nagsimula yun. Hindi niya raw alam kung bakit sa dami ng mukhang adik at maangas sa school, sa’ken pa daw siya nagka-interes. Take note daw: nagka-interes, hindi pa nagkagusto. Pero dahil na rin sa pagiging maangas, feeling pogi at sikat-sikatan sa glee club, hindi raw siya nagkaron ng lakas ng loob na ngitian o batiin man lang ako. Mukha daw kasi akong womanizer. Haha, wish ko lang!

Well, hindi ko rin naman pansin ang aura nya noon. Nakikita-kita ko na siya, pero ewan…wala lang. Nito lang first sem ko napansin na maganda pala siya, at ewan kung bakit sa kanya pa ko nagka-interes.

Bago umalis, todo sermon din ako kay Laleng. Binawalan na ko maglaro sa sportsfest. Fine. Iwasan daw ang malasing o makipag-inuman, hanggat maaari. Fine. Iwasan din daw ang mapuyat. Fine. Matuto daw akong kumain ng prutas at gulay. Sige, tingnan ko sabi ko. Ngumuso lang siya. Nakakatuwang pakinggan ang mga bilin niya na akala mo naman, kami na. Nung tinanong ko naman kung kami na ba, ngumiti lang siya. “First stanza pa lang po…”. Yun lang nasabi niya.

Killjoy.

*          *          *

Malayo pa lang, aninag ko na ang mga anino ng mga halimaw. Nakatambay pala sa labas ng bahay sila Andi at Tuds. Absent si Archie, himala. At kung hindi ako nagkakamali, si Rica yung babaeng kasama nila. Parang pupunta ng gig ang mga porma. Anak ng siopao, tsk tsk tsk…ano na namang agenda ng mga to?

“Anong meron?” tanong ko sa kanila pagkalapit ko. Nginitian naman ako ni Rica. Tumango lang ako.

“Wow hanep ang japorms ni Sa-I a? Um-attend ka ng binyag?” tanong ni Tuds na medyo natatawa.

“Wala ka na dun. Anong ginagawa niyo dito? Wag niyo sabihing tuyot na naman bahay-alak nyo?”

“Sus, di naman. Pero medyo, hehe…” si Andi.

“Na-ospital ka daw?” tanong ni Rica.

Tumango ako.

“Ay puta, hanggang kelan ka na lang daw?” si Andi.

“Pakyu! Anong hanggang kelan ka na lang dyan? Mababa lang potassium ko kaya nag-blackout ako kahapon. Naglaro ako, sportsfest kasi…”

“Yan, yan, puro ka kasi tsiks, di ka namimigay…” halos sabay-sabay naman kaming…

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.