Ang aking Huling El Bimbo

Ang paborito kong music video ay ang HULING EL BIMBO.  Wala pang youtube noon, mtv pa lang ang mayroon ay fave ko na siya.

Ano pa ba kasi ang hahanapin mo sa isang music video na ito?

Wala na dahil sa kuwento pa lang ng kanta ay talagang maho-hook ka talaga at ang cinematography na mala 70’s ang tema ay swabeng-swabe talaga. Bukod pa dito ay nanalo ito ng Viewer’s Choice Award sa MTV ASIA. O, ‘di ba, da best. 62821199_640 (1)

Noong ngang pakinggan ko ito at saktong dumungaw ang kapitbahay naming crush na crush ko, naisip ko na ako ‘yung nasa videong batang lalake at siya naman yung batang babae. Hawak-hawak ko raw ang kamay niya at nagsimula kaming sumayaw.

Sumayaw kami nang sumayaw hanggang sa hindi na namin namalayang gabi na pala.

At tulad ng sinasabi sa kanta…

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig nang tunay

In love na inlove talaga ako sa kapitbahay namin na crush na crush ko; kaso ang masaklap na parte nito ay syota siya ng pinsan ko, hindi sa videong ini-imagine ko kundi sa totoong buhay. REALIDAD. Ouch! It hurts!

Sa ngayon, patay na ‘yung syota ng pinsan ko… malas yata sa babae kasi ilang syota na rin niya  ang namamatay. Ewan ko kung nagkataon lang.

Pero hanggang ngayon, fave ko pa rin ang kantang Huling El Bimbo.

About x

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!