Ang 13 Survival Tips Kapag Nakasalubong Mo Si Ex

Ang pag momove-on ang isa sa pinakamahirap na gawin sa buhay ng isang normal na tao. Kasing hirap ng pagpasok natin tuwing araw ng Lunes at kasing hirap ng signal ng Globe. Mahirap din naman kasi talagang kalimutan ‘yung taong nakasanayan mo nang kausapin araw-araw, ‘di ba? Lalo na pag naaalala mo ‘yung mga selosan moments n’yo at ‘yung mga gabing naghahampasan kayo ng underwear sa mukha (kadiri ka). Kaya para mabilis tayong maka-recover, it’s either iba-block natin sila sa Facebook or hindi na lang papansinin at all.

Pero paano pag nakasalubong mo ang ex mo somewhere? Handa ka ba?

Kung iisipin mo, may higit 12.8 million ang populasyon ng tao ngayon sa Metro Manila. At by chance, puwede mo ‘yang makasalubong sa LRT or makasabay sa jeep o sa entrance ng Sogo.(wink)

In fact, mas mataas pa ang probability na makasalubong mo ang ex mo kesa manalo ka sa Lotto. Bad trip, ‘di ba?

Minsan mapaglaro talaga ang tadhana eh. Sa dinami-rami ng pupuwede mong makasalubong, eh ‘yung taong ayaw na ayaw mo pang makita. Puwede naman makasalubong si Kim Domingo na nakatapis lang sa hallway  o si Coco Martin na naka-brip lang habang bumibili ng Slurpee sa seven eleven, bakit ‘yung ex mo pa?!

Fortunately, napadpad ka sa walang kuwentang blog na ito. Dahil naisip ko lang din; kung gumagawa nga tayo ng survival tips para sa zombie apocalypse at alien invasion, bakit wala tayo masyadong survival tips para sa mga ex natin? Eh wala naman silang pinagkaiba sa zombie, dahil pareho na silang patay sa buhay natin at wala nang feelings; charot.

So dahil wala din naman akong masyadong ginagawa sa buhay, naisip ko na lang din na ilista ang ilang paraan para hindi ka magmukhang talunan pag nakasalubong mo ang ex mo. And you’re welcome.

Ang 13 Survival Tips Kapag Nakasalubong Mo Si Ex:

1.) Steady ka lang. Tumingin nang diretso sa dinaraanan at huwag huminga ng mga 5 seconds para makontrol ang namumuong emosyon sa pagitan ng dalawang hita mo. Malandi ka pa naman.

2.) Pag nakaramdam ka ng kaunting kilig, humanap agad ng pinakamalapit na poste ng MERALCO at iuntog ang ulo hanggang sa maalala mo ‘yung mga panlolokong ginawa niya sa iyo dati.

3.) Mortal sin ang lumingon. By default, kung sino ‘yung unang lumingon, siya ‘yung hindi pa nakaka move-on. Dapat may six degrees of separation na kayo sa isa’t-isa.

4.) Pag naramdaman mong hinihila ng gravity ang luha mo, alalahanin mo ‘yung mga pelikula ni Bruce Lee at lahat ng mga machong bagay tulad ng manok na panabong, steroids, suso ni Kim at mukha ng pinakapangit mong kaibigan. Para sa mga babae, gawin mo lang ‘yung huli kong nabanggit.

5.) Hindi ikaw ang dapat na mag-first move sa inyong dalawa. Besides, hindi din naman ikalalaki ng suso mo kung papansinin mo pa siya. Deadmahin mo.Magmaganda ka.

6.) Kapag nag-hi siya, dapat mag-hi ka din confidently beautiful with a heart. Tapos banatan mo ng “Musta? Sabi mo you need space, ba’t mukha kang dehydrated na Alien?”.

7.) ‘Wag kang papaapekto kapag bigla ka niyang nilapitan at hiningi ang number mo, baka gusto ka lang tikman for the last time.

8.) Kapag mga 10 meters approaching siya sa iyo, sampalin mo agad pisngi mo para pumula, maglagay ng kaunting lipstick at magkilay on the spot. Sabay harap sa kanya  “pangit ba ako?! kapalit-palit ba ako?!!!” ‘Yan naman ay kung kamukha mo si Liza Soberano. Pero kung ‘di naman, chill-chill lang, bes.

9.) Pag niyaya ka niyang magkape, ‘wag agad bigyan ng malisya. Sa mga movie lang nangyayari ang second chance. Malamang niyayaya ka lang niyan para tanungin kong open minded ka ba.Tapos bebentahan ka ng napkin na may force field. Power!

10.) Kapag biglang nagtanong kung saan ka pupunta, sagutin mo ng “eto naghahanap….naghahanap ng paki ko sa ‘yo ” sabay cartwheel.

11.) Kahit gaano siya ka-yummy, wag mong susundan or hahabulin besh. Kahit ‘yung mga bakla, hindi ginagawa ‘yan.

12.) Pag tipong you can’t live without him ang drama mo tapos bigla mong nakasalubong, magbaliw-baliwan ka na lang ” Sinu ka?Sinu ako? Bakit ako nandito? Krillin tumabi ka! Itong sau..kaaaa-meeeeee-haaaaa-meeeee-waveeeeee!!!”

13.) ‘Wag kang mataranta kung kasama niya ‘yung bago niyang dyowa at bigla niyang ipakilala sa ‘yo…

You: Hi, ako nga pala ‘yung dating sinayang ng bf mo (flip your hair sabay walk-out)

Ex:

New GF:

Gary V: Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa ‘kin…

Love is an inevitable feeling daw. It’s either you deny it or you embrace it. Sadyang may mga bagay talaga na hindi natin kontrolado katulad ng tadhana at pagkakataon. But regardless, dapat lagi tayong handa. Dapat kaya nating harapin ‘yung mga takot natin.

Ano ang moral lesson?

Sa lagay na ‘yan maghahanap ka pa ng moral lesson? Pero sige. Siguro para sa kin, ‘wag na tayong maging bitter sa mga past natin, useless lang eh. Nagsasayang lang tayo ng energy at oras. Learn to forgive & forget agad, ‘ika nga. At dapat lagi tayong naliligo para magkita man kayo ng ex mo somewhere else, hindi niya iisipin na siya ang dahilan kung bakit mukha ka nang natokhang ngayon…

 

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!