“Anak mo ang papatay sa ‘yo”

(Photo Credit www.picturesof.net)
(Photo Credit  www.picturesof.net)
(Photo Credit www.picturesof.net)

I’m sure nung bata ka, narinig mo na ‘yang sinabi sa’yo ng parents mo. Yung tipong puputok na ‘yung ugat nila sa batok dahil sa tigas ng ulo mo, pero ang masasabi na lang nila ay “someday magkakaanak ka rin. At lahat ng ginagawa mo sa amin, gagawin din sa ‘yo ng magiging anak mo.”

Naku! Suki ako sa ganyang mga lintanya ng Lola ko. Well, I grew up not having both of my biological parents. Laki sa lolo’t lola samakatuwid. Hep! Pero bago nyo isipin na sobrang sama ko naman, di naman masyado. Lahat naman tayo dumaan sa phase ng buhay natin na pakiramdam natin, all our theories were right. Alam mo yun, kala natin lahat ng sinasabi ng parents natin nakakainis. Aminin!!! Dumaan ka sa phase na yan ng buhay mo.

Laging banat sa akin ng Lola ko sa tuwing sobra na ang tigas ng ulo ko, “nakkuuu! balang araw pag nagkaanak ka na, anak mo papatay sa’yo.” Believe me, all I did was to just smirk and rolled my eyes. I treated what she said as some kind of joke. Di ko sineryoso!

Fastforward 2011, nagsilang ako ng isang malusog na batang lalaki. Grabe! 24 hours akong nag-labor, para ma-CS lang pala in the end. Ang kyot, nu? Just imagined the pain I’ve been through. Pero nung first time kong mahawakan ang baby ko; lahat ng pagod, lahat ng hirap, lahat ng sakit were all worth it. At first, I was kinda scared to touch him. Nakakatakot eh, he was tiny and looking so fragile. Nang araw din na yun, my life turned around 360 degrees.

Sobrang nagbago ang buhay ko. Iba pala talaga ang pakiramdam na may isang buhay na sa’yo umaasa. Na kailangan ka niya to survive. Na kahit anong gawin mong mali, magbo-bounceback sa anak mo. One time nga, dahil sa sobrang antok ko (the hubby was in Canada, so basically, it was just me and my son), kahit nakapa ko na naman na puno na ang diaper ng baby ko, deadma lang ako kasi sobrang antok pa talaga ako. Only to regret it the next morning dahil sa diaper rashes na nakuha niya. But then after that, I’ve learned. It was and still a learning process.

Ngayon, 3 years old na ang anak ko. He is growing up so fast. At his age, unti-unti ko nang nakikita ang mga characteristic ko na nakuha niya. He can really be so unstoppable, just like me. Sa tuwing papagalitan ko siya, sa tuwing halos pumutok na ang litid ko sa leeg sa kakasaway sa kanya, di ko maiwasang maalala ang laging sinasabi sa akin ng Lola ko noon, “anak mo ang papatay sa’yo!” Natatawa na lang nga ako minsan eh. Sometimes I kiddingly tell the hubby that it must be a curse.

Pero totoo pala yun, nu? Pag naging nanay ka, ikaw na yata ang magiging pinaka-matapang yet in the same time, pinaka-duwag na nilalang sa mundo. Of course, walang pwedeng manakit sa anak ko, over my dead and beautiful body. har har har! Dati nga takot ako sa multo eh, pero dahil sa anak ko, pati mga multo nagawa ko na yatang i-threatend wag lang matakot ang anak ko. At saka pag nanay ka, lahat yata ng role kaya mong gawin eh. Nandiyang nurse ka, teacher, pedia, clown, singer, dancer, handyman, barbero, tubero, at kung anu-ano pa. Alam mo yun, may isang tao na nagtitiwala sa’yo na pwede mong gawin lahat, na kaya mong gawin ang lahat. And, you will feel like you can really do everything, even things na never mong na-imagined na magagawa mo.

But, soon you will realized na ang anak mo din ang magiging kahinaan mo. Like your kryptonite. Personally, nung wala pa akong anak, I was never afraid of death. I was a daredevil, I even challenged death. Pero nung makilala ko na ang anak ko, I’ve learned to fear death once again. Well, siguro tanggap ko pa din na everything/everyone must come to an end, pero juice colored wag naman agad-agad. Ang bata pa ng anak ko! Kung dati, pag nakasakay ako sa mga public vehicle, deadma lang ako sa mga ganap sa paligid ko. Ngayon, ang talas na nang pakiramdam ko, to the point na makaramdam lang ako na parang may panganib sa sinasakyan ko, bababa talaga ako kasehodang nakabayad na ako. I value my life more! Kasi gusto kong makita pa ang anak ko na makapagtapos sa pag-aaral, at kung maaari sana, gusto ko din makita siyang magkaron ng sarili niyang pamilya. But yeah, that’s still a long way to go! Pero alam mo naman tayong mga mudrakels, way ahead mag-isip.

Mas naiintindihan ko na ngayon ang palaging sinasabi sa akin ng lola ko na “anak mo ang papatay sa’yo!” For me, it’s more of telling you that someday, someone will come into your life and will boss you around, will challenge every fiber of your being, yet you are still willing to give your unconditional love. Oo, unconditional love! Makikilala mo ang totoong kahulugan nyan pag naging nanay ka na.  Wala din day off ang pagiging nanay, it will always be your day job. At, pwera OA, mararamdaman mo na kahit buhay mo, kaya mong ibigay para sa anak mo. That you are willing to go beyond boundaries kung kinakailangan just to provide and protect him/her.

About Mrs. Purin

pangarap kong tumira sa bikini bottom at palitan si Patrick bilang BFF ni spongebob. mahilig ako sa kape, magulo ako kausap, minsan may sense, madalas wala. well, u can always send me a message here! kaibigan, usap tayo.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!