Anak, ano nga ba ‘yung MEMA? ^_^

Image credit to Mema PostPH via Facebook

Gaano ba ka-open ang communication sa pagitan ng mga magulang at anak? Lalo na sa panahon ngayon?

Paano nga ba ang mas tamang parenting sa henerasyon ngayon?

Paano ba mas mari-reach ang mga teenager na anak?

Ano ba ang puwede kong gawin para lumaki ang anak ko na close kami at parang magkaibigan?

Ilan lamang ‘yan sa mga tanong ng mga magulang na uma-attend ng parenting forums. At hindi ‘yan madaling sagutin…lalo na kung mga teenager na ang iyong mga anak at hindi pa rin kayo close.

Mas mainam kasi na maliliit pa lang ang mga anak mo ay nasimulan na ninyo ang magkaroon ng bonding. ‘Ika nga, ang kawayan pag gumulang ay mas mahirap nang tuwirin. Tama ba ‘yun?  ^_^

Pero huwag mawalan ng pag-asa. May pag-asa pa. KOMUNIKASYON. ORAS. PAGMAMAHAL.

Pagsikapang mas mapabuti pa ang inyong KOMUNIKASYON.

Maglaan ng ORAS para sa mga anak. Makipagkuwentuhan, makipaglaro, makipag-date sa kanila.  (‘wag puro sermunan sessions!)

Lakipan ng PAGMAMAHAL, samahan ng paglalambing. Huwag kang magsasawang mag-reach out sa iyong anak.

For the meantime, subukan mo ring maging up-to-date siguro sa mga uso sa kabataan….lalo na sa kanilang lingo ngayon. hahaha

At eto ang bago kong natutunan mula sa aking mga anak at mga not-so-bagets nang anak-anakan  (oo, marami ako niyan, global na junakis.)

Word for the day ….   MEMA!

MEMA — ME MAi-post lang!  ^_^   Pero siyempre, mas maganda na ‘yung medyo may aral o mensahe ang iyong gagawing MEMA sa iyong Facebook wall.

Tandaan!  The family who laughs together, loves forever!  [‘Yan naman ang aking MEMA for the day!]

 

Image credit to Mema PostPH via Facebook
Image credit to Mema PostPH via Facebook

 

Parenting Blog

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!