An Open Letter to NAIA “LAglag Bala Na Gang”

laglag bala

bullet

Nakalulungkot lamang isipin, na ang mga kapwa natin Pilipino ang gumagawa ng kahihiyan para sa ating Bansa.

Hindi ba dapat na magtulungan tayo upang umunlad ang bansang Pilipinas? Lalong lalo na ang turismo natin na siyang nagbibigay ng napakalaking ambag para sa ating ekonomiya?

Paano natin ito maiaahon sa panahon ngayon na puro kahihiyan ang ating inaabot dahil sa kawalang-kaluluwa ng iba nating kababayan na nagtatrabaho sa NAIA?

Sobra naman po yata ang pagpapahalata ninyo na ganun kayo kagahaman sa karampot na perang matatanggap ninyo, kapalit ng inyong dignidad at mga sinumpaang tungkulin.

Naatim ninyong ipakain sa inyong pamilya ang perang nakukuha ninyo sa pang-aabuso ng kapwa? Nasaan naman po ang mga “hiya” sa inyong katawan? Pati ang mga kababayan natin na kumakayod sa ibang bansa nang marangal ay gagawan ninyo ng karumal-dumal na gawaing paglaglag ng bala sa kanilang mga bagahe.

Ang mga turista na inyong nabiktima na gusto lamang masilayan ang ganda ng Pilipinas, na hindi lamang bala ang inyong itinanim, kundi takot at galit nang dahil sa inyong makasariling gawain. Ako ang nanliliit sa kahihiyan para sa inyo.

Oo nga at nagtatagumpay ang bawat “balang” itinatanim ninyo, ngunit ang lahat ay may katapusan. May kasabihan nga tayo “Sa bala nabubuhay, Sa bala rin mamamatay”. Nawa’y mabuksan ang mga puso at isipan ninyo na ang masamang gawain kailanman ay hindi magtatagumpay.

About Haniah

I am just a concern Filipino Citizen.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!