Am I ready for a Relationship?

 

Pedro ano ba yang sinasabi mong ready ka na ba? Ready sa ano?

Malamang makikita mo pa lang sa larawan eh malalaman mo na, obvious na obvious naman kasi eh. Don’t worry hindi naman ikaw ang tinatanong ko, tinatanong ko ang sarili ko kung ready na ba ako para pumasok sa isang relasyon .

Again and again, dahil sa mahilig akong mag-basa ng mga blogs lalo na ang mga blogs ng churches, blogs ng mga inspiradong tao at kung sino na lang na maibigay ni Google kapag nag-search ko.

Maraming tanong na maari nating itanong sa sarili natin, hindi ko alam kung ano ang sa inyo pero karamihan sa mga tanong ay ; “anong sign na ready na ako makipagrelasyon”, “puwede ko na ba siyang ligawan?”, “puwede na kaya siyang ligawan”,” karapat dapat ba ako para sa kanya”,” maari na ba ako magpaligaw?” ,”paano ko masasabi na ready na ako”,” liligawan ko na ba siya?”.

Naitanong mo na ba ang mga iyan sa sarili mo?.  Maaring naitanong mo dahil gusto mo ng magka-girlfriend or boyfriend, well natural lang iyan dahil ginawa tayo ni Lord na mga ganyan, naghahanap ng taong puwedeng magmahal at magalaga sa atin.

Pero sa katunayan, iyan ay mga tanong na masasabi kong “wise”, bakit? kasi nagtatanong sila, kailangan nila ng desisyon. May mga tao kasi na after makipag-break up ayun pupunta sa beerhouse, makikipaglandian , maghahanap ng bagong boyfriend at girlfriend sa labas para maibsan ang kalungkutan at pagiisa at meron din naman na naghahanap gamit ang social networks at cellphones which is parang mali kasi pinipilit lang nila ang sarili nila at gusto lang nilang mapunan at maramdaman ulit yung “feelings” na merong nagaalaga sayo (ano yon nanay mo?), merong kaholding hands, merong kayakap, merong ka-date, merong maghahatid sundo o merong ka-sex.

At siyempre unang-una,  financially stable ba ako?

-Kaya ko na bang suportahan ang sarili ko?, Afford ko ba na magkaroon ng partner? siyempre hatid sundo, date doon date dito. Well isang malaking HINDI KO KAYA dahil sa huli , money is all that matters.

Pangalawa, can I pleased God?

-Well hindi ko masasabi dahil minsan may pagkakataon na dumadating ang test of faith ko na kung saan nawawala ako sa focus pero I know I have put my trust in Him, whether bad or good it is still good for me because it came from the Lord.

Pangatlo, kaya ko bang gumawa ng wise decisions?

– Well, I am already seeking for wisdom so I hope I can make wise decisions now. Paano na lang kapag may pangyayari na maaring katulad sa tele nobela na ayaw sa kanya ng magulang mo?, sino pipiliin mo? parents mo o siya?.

Pangapat, kaya ko bang kontrolin ang emotions ko?

-Aray ko, iba talaga ang usapan kapag emotions, paano kapag nagalit ako? magwawala kaya ako?, paano kapag nagselos ako? magtatampo kaya agad ako?. Eh minsan sa isang relationship hindi mawawala ang away at bati.

Marami kasing puwedeng magawa ang emotions satin eh, maari nitong makapagbigay kasiyahan sayo at sa iba, maari itong pagmulan ng away at kaguluhan, at maari rin  itong makapatay kaya dapat marunong kang magdesisyon. Well I have no problem regarding this since Christ already transformed me to be a better man yun nga lang may kaduwagan pa rin specially kapag “like” ko yung girl , natotorpe ako haha!.

Last na to! Physical Health.

-Ayy ayos na ayos to sakin , I’m working out on a gym during weekends saka jogging bago matulog? (bago matulog?) oo, paano night shift ang work ko so dahil matarik ang daan sa amin eh tinatakbo ko minsan kaya ayun pagdating sa bahay ay pagod na pagod. At anyway, I like to be physically fit at siyempre kung physically fit ako dapat physically fit din ang to be “future partner” ko. (ayiie! sino kaya? haha! siya ba yung nakakatakot tumingin sayo?) – hoy manahimik ka diyan dahil hindi ko alam pinagsasabi mo. :) .

So isa lang talaga ang kulang ko “to be financially stable” kaya hindi pa ready si Pedro! yehey! Well I’m enjoying naman being single eh not unless na mapagtripan ako ni kupido.

Saka dapat naman talaga maging ready ka, hindi yung tipong nakikipaglaro ka lang. Dapat bago ka manligaw eh mayroon ka ng mga iyan para “better life”, “less worries”.

Huwag mong gawin  yung “I knew I love you before I met Her” yung tipong nainlove ka na at naging kayo na eh saka ka pa lang nagsisimula idevelop ang mga ganitong bagay.

What I mean is, pinakasalan mo na eh hindi ka pa ready , wala ka pang sariling bahay, wala ka pang trabaho  , paano iyan gagawin mong katulong ang misis mo pag nagkataon tapos mababaon ka pa sa utang :( .

Pero kung mayaman ka naman at kering keri ang lahat ng bagay , and then go! magpakasawa ka sa pera mo! :) .

 

Disclaimer: Kung nagtataka po kayo kung sino si Pedro, ako po yun , pen name ko lang 🙂

About Dhenn

I am an I.T industry worker who loves to read blogs and books. A frustrated singer , blogger and a web developer. I am serving God through my writings and works. A hopeless romantic person wishing that someday I'll find the one who can love me truly in despite of who am I.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!