Alin ang mas masaya maging estudyante o isang ina?

First time ko gumawa ng isang article para sa isang blog.. hindi dahil sa uso ito or in wala lang gusto ko lang..nkaka-addict mgbasa ng mga article na di mo alam kung inspired b ang author nito or tamang trip lng din…

minsan sa pagbabasa ko nakakagawa na pala ako ng sariling kwento para sa sarili ko. isa akong ina at isa ring estudyante, iisipin nyo may asawa ba ako? oo nman meron ako asawa, hindi ako yung tipong nagpabuntis lang at nakipaghiwalay o iniwan ng nakabuntis. isa akong estudyante na naghahangad na minsan ay makaakyat sa stage at suot ang aking “cup and gown” tatanggap ng animoy diploma pero isa lang itong kapirasong papel na props lang..isa-isahin natin ang buhay ng isang estudyante:

1. estudyante ka kapag isang linggo ka busy sa harap ng computer para lang matapos ang project mo na one month pa sinabi syo ng professor mo, pero natripan mo lng gawin kung kelan submission na

2. estudyante ka kapag ikaw yung tipo ng tao na mag-iiyak pag walang pasok kasi wala kang allowance

3. minsan sa isang linggo kung magdala ng gamit dahil yung ibang araw mo naman ay bf/gf mo naman ang kasama mo

4. araw-araw na nagpapaalam sa parents na may project pero sa totoo lang sa mall ka lang pupunta kasama ang barkada

5. yung tipong di maipinta ang mukha mo pag nalalapit na ang bayaran para makakuha ka ng exam

6. habang nakasakay sa jeep ay may hawak hawak na mga papel, oo nagrereview kuno (naisip ko lang natry ko na “to gawin sa jeep pero nakakahilo tlaga magbasa habang nakasakay ka sa jeep at minsan pa ay pasaway ang driver at bigla na lang pepreno)

7. at eto ang pinakamalala sa lahat, estudyante ka kapag sinabi mo sa parents mo na may group study kayo ng mga classmates mo para sa isang napakahirap na test, pero ang totoo ay may project kayo ng bf/gf mo..oo alam ko iniisip mo, pero tanga ka nalang pag di mo naisip ang iniisip ko, ganyan ngayon ang mga palusot ng mga estudyante.

8. kapag may bagyo ay updated ka sa balita, na dati naman ay wala kang pakilam kung may ibinalita mang pinatay na naholdap. updated ka kasi gusto mo malaman kung may pasok ba o wala

9. ikaw yung tipo ng estudyante na matutuwa pag suspended ang klase kasi may bagyo o kung hindi man ay mayayamot kasi di mo makikita at makasama ang jowa mo

10. nagpapakapuyat gumawa ng assignment o requirements para lang makapasa

11. at ang pinakahuli sa lahat, galit na galit ka sa numbers kaya halaos ibagsak na ang algebra at calculus kung meron ka man neto

 

sa haba ng article na ‘to iisipin mo na wala pa ako nababanggit sa pagiging ina. ok eto sya, medyo mahaba pero sana basahin mo kung gusto malaman kung ano ba meron sa pagiging ina:

1. una sa lahat bago ka maging ina, kelangan mo ng partner (oo alam ko di ka mangmang sa bagay na ‘to)

2. after one month malalaman mo na lang buntis ka na pala at dadaan sa matinding paglilihi (morning sickness ika nga)

3. excited ka pumunta sa OB mo para lang malaman kung ano na lagay ni baby, laging nakikinig sa mga nursery rhymes kasi yun ang the best para ka baby

umiinom ka na ng gatas (Anmum syempre) na di mo naman ginagawa dati kasi alak ang nilalaklak mo dati, kung dati ay 12:00 ang pinakamaaga mong pagtulog ngayon ay 8:00 palang ay tulog ka na

4. pagdating ng 5 months eto na pinakamasaya (syempre mas excited ang mokong na tatay na malaman ang sex ni baby) pag nalaman na sex ni baby excited ka na bumili ng mga gamit para sa kanya… nadiyan na rin ang pagpili ng napakagandang pangalan, syempre ang naisip mo ay yung pangalan na napakahaba, na tipong hirap na hirap ang anak mo pag nag Grade I sya sa haba ng pangalan nya..alam ko ‘to dahil ganun din ginawa sakin ng parents ko mahaba ang pangalan ko kaya pag my test, madami na nasagutan ang mga kaklase ko, ako naman ay di pa tapos sa pagsusulat ng pangalan

5.  after nine months, heto na iiri ka na kundi man ay CS…. heto na si baby at syempre ang iyong asawa na tuwang tuwa na mahawakan at mabuhat si baby ay walang kaalam alam sa sakit at hirap na dinanas mo sa panganganak

6. gabi-gabi kang mapupuyat lalo na pag ang anak mo ay yung tipo na gising sa gabi at sa umaga tulog (lahing aswang ika nga), yung sarap na sarap ka sa pagtulog at bigla ka na lang magigising sa iyak nya dahil gusto nyang dumede

7. di ka pedeng umalis ng bahay lalo na pag may sakit si baby, dahil di mo rin gugustuhin na iwan na lang sya sa yaya o ibang tao.. di na tulad dati kung anong oras mo gustuhin umalis ay pwede

8. and lastly, bago ka gumawa ng decision nandyan lagi nakakabit ang kapakanan ng anak mo, yan ang ina…lahat ay gagawin para sa anak

 

ikaw na nagbabasa neto, mag-isip-isip ka sa mga ginagawa mo habang nag-aaral ka at may jowa na pasaway, masarap gumawa pero naisip mo ba handa ka na ba talaga?

masarap maging estudyante, oo… pero pinakamasarap sa lahat ang maging ina ka sa tamang panahon at hindi dahil sa naging ina ka dahil nabuntis ka sa di tamang panahon…

 

 

 

 

About ako ito

simpleng may bahay, isang estudyante, ina at asawa 🙂
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!