Alaala Ng Cubao

11/2/2013 4:18:02 PM
http://urbanroamer.files.wordpress.com/

Sabihin na natin na medieval akong mag-isip. Pero nakakamiss talaga ang lumang Cubao, no?

Oo, sinasabi ko ‘to dahil malamang, maraming ipinagbago ang lugar na kinalakihan ko. Dati-rati ay nadadaanan at napupuntahan ko ‘to. Hindi na mabilang sa listahan o pahina ng encyclopedia kung ilang beses. Basta, halos bawat araw ay napapadpad ako sa Cubao, estudyante man, tambay, o nagtatrabahong nilalang.

Ang dating gubat (daw), na naging hekta-kektaryang pagmamay-ari ng pamilya Araneta, na na-develop bilang isa sa mga unang pook-pasyalan sa kalakhang Maynila nun, at sa kasalukuya’y nag-eevolve muli para makasabay sa agos ng modernisasyon, na samahan na ng mga opisina ng call-center at nagtataasang mga condominium. Imagine mo na lang kung ilang taon at dekada sa ngayon, napakalaki na ng pinagkaiba ng Cubao noon sa kinabukasan.

Alam ko, hindi pa araw ng throwback nung sinulat ko ‘to. Siguro nakatulong din yung minsang pagmumuni-muni habang kumakain sa isang food fair nun sa tabi ng Big Dome, at ang kumento ni idol No Benta sa Facebook post ko nun, na ito (as in yung unang dalawang pangungusap na sinulat ko sa artikulong ito). Marami siyang binanggit na lugar sa akin eh. Ang iba’y pamilyar, at ang iba… kapanahunan pa ng mga auntie at uncle ko (di ko maaring sabihin na erpat at ermat ko dahil alam ko, probinsyana pa sila sa panahon ng dekada 70 at 80).

Sakto naman ang musika ng dekada nobenta habang nagrarandom picture browsing ako sa mga nostalgic na larawan ng buhay sa Pilipinas nun. Actually, nag-focus ako sa Cuabo tutal yun lang naman ang madalas kong puntahan nun eh.

Those were the days.

Dahil d’yan, kinalap ng inyong lingkod ang ilang mga litrato na naglalarawan ng dating itsura ng Cubao (Lahat ng nakapaskil sa post na ito ay may kanya-kanyang pinangggalingan at kinikilalala ito ng awtor. Tigan nyo na lamang ang caption kung saang website ito galing).

Click here to read the entire article, and also to see the other photographs about the nostalgic side of Cubao.
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

 

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!