Ako, ang SIM card and the dawn of the aliens

May SIM card akong napulot sa loob ng cubicle sa washroom ng Glorietta. Micro-SIM. Globe. Bihira ang mga pagkakataong ganito at hinding-hindi ko ito palalampasin, lalo na at nasa punto ako ng buhay ko ngayon kung saan curious at obsessed ako sa halos lahat ng mga bagay.
Minsan na akong kumonsulta sa bogus na manghuhula na puro shit lang naman ang mga sinabi. “Huwag kang mang-aswang ng asawa ng may asawa,” babala niya bilang sagot sa tanong ko kung kailan tayo sasakupin ng mga aliens.
Ano kaya ang nais iparating ng sinabi niyang iyon? I overthink these things. Ako ay mahilig sa signs—at superstitions; minsan pa nga nasumpungan ko ang imahe ni Hesus sa pagitan ng mga hibla ng Jolly Spaghetti, at mula noon, hinihikayat ko na ang sinumang makasabay ko sa lamesa na magdasal bago kumain.
Sino kaya’ng may-ari? Kung anumang impormasyon ang nakalakip sa SIM card, masasagot kaya nito kung saan nakabaon ang Yamashita treasure? O bakit moron si Trillanes? Masasagot ba nito kung lovers ba talaga si Batman at Robin? Pag-aari kaya ang SIM card ng isa sa mga babae ni Digong, ano kaya ang sexting language ng Pangulo? Gentle? Proppy? Pang-70s gay porn? O ‘di kaya naiwan ito ng isang lone wolf terrorist, at ito, nasa kamay ko ngayon nakasalalay ang kaligtasan ng marami? Nagbanyo lang ako para umihi, naatasan pa ng responsibilidad na iligtas ang mga kapwa.
Isinalpak ko ang plastic na chip at binasa ang isa sa mga mensahe sa inbox:
“kala ko taung dalawa? Kala ko importante ako sau? Kala ko di mo ko iiwan? Kala ko b mahal mo ko?! Kng mhal mo ko bakit mo ko ginagani2??!!!”
Baka ito na ang signos na paparating na ang mga aliens.

About Vernon Velasco

The reason I carry a handkerchief is that I am meant to save a lady's day.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!