Aking napagtanto, hindi pa rin pala ganun kasama ang araw ko

keep-calm-and-feel-the-good-vibes-i-am-sending-you-1

Parang tambol ang lakas ng patak ng ulan sa aming bubong.

Nagsilbing alarm clock sa tulog kong mahimbing.

Alas 7:00 na pala,

Tarantang taranta kong ginawa ang lahat sa loob lamang nang 30 minuto – Ligo, plantsa at ibapa.

Pababa na ako ng hagdan para kumain.

Binuksan ang takip na nasa hapag kainan.

Isang malagim na pangyayari ang aking nasaksihan,

WALANG PAGKAIN.

“Tagal mo kasing gumising, anak”, hiwatig ng aking ina.

“Kumain ka na lang sa labas, nagbaon kasi mga kapatid mo kaya di kana natirhan”. Dagdag nang aking ina.

Papasok na naman tayo nito nang gutom.

Pumara na ako ng sidecar, nag-iisang sidecar kahabaan ng kalye.

Batang paslit pa yung nag da drive.

5KPH, NEED FOR SPEED.

Umabot ako pagkatapos ng 20 minuto.

Akalain mo yun.

Malapit na mag 8.

Late na talaga ako nito, baka mag-agahan ako ng sermon nito.

Umupo na ako sa bus, naghihintay kung kelan aalis.

Tinabihan ako ng isang Mamang mabigote,

Parang taong grasa,

Parang walang gagawing tama sa buhay.

Binuksan ko muna yun bag ko at tsinek lahat ng mga gamit na aking dadalhin.

Tapos biglang tumakbo ang mamang katabi ko.

Nawala yung cellphone ko.

Cellphone na kakabili ko palang kahapon.

Dali dali kong hinabol ang Mama,

Nasabit pa ako sa bakal ng bus,

Napunit tuloy yung long-sleeve kong gagamitin ko sa presentation.

“magnanakaw, magnanakaw, Magnanakaw”, sigaw ko habang hinahabol ang mama.

“magnana…”,

Napatigil ako sa lakas ng pagsabog,

Pagsabog na hindi ko inakalang manggagaling sa bus na aking binabaan.

Di makagalaw at nanginginig.

Pinapawisan at nanlalamig.

Paano kaya kung di ako nakababa,

Para bang nagpapasalamat pa ako at ninakaw ang cellphone ko.

May tumunog,

Galling sa bulsa ko.

Cellphone na inakala kong ninakaw ay nasa bulsa ko lang pala.

Yun, aking napagtanto, hindi pa rin pala ganun kasama ang araw ko.

Napaiyak na lang ako at napasandal sa tabi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

About animelover_manga

just a nobody, wanted to be somebody. through my writing and imagination. visit my poem site.. http://levikarl.blogspot.com/
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!