Akin Ka Na Lang Muli (The Last Part)

(photocredit:crazyazzwomen.blogspot.com )
(photocredit:crazyazzwomen.blogspot.com )
(photocredit:crazyazzwomen.blogspot.com )

Dumating si Lualhati  sa bahay nila at pilit na ginagawang normal ang lahat.. Masaya niyang hinaharap ang kanyang mga anak. Tinuruan ng mga assignment. Dumating ang asawa galing sa trabaho at ng humalik ito sa kanya, para siyang napaso.

Naisip niya siguro dahil sa ginawa sa kanya sa harap ng mga anak kaya nakapag-isip ito ng maayos at parang nag-iba ang trato sa kanya. Ngunit naiisip niya huli na yata ang lahat dahil sa nahulog na siya sa kumunoy nang pagkakasala.

Sinikap niya pa ring maging normal sa harap ng kanyang pamilya. Sa tuwing kasama ang pamilya, buo ang atensyon niya na binibigay, ni hindi niya iniisip ang isang taong naghihintay na pansinin niya. Si Alain.

Masama man ang loob nito dahil sa halos wala siyang natatanggap na mensahe sa babaeng kanyang nakasama, pinilit niya itong iniintindi. Hindi nga pala niya ito pag-aari, nakikihati lang siya sa oras at panahon nito.

Ngunit totoo ang nararamdaman niya para dito. Hindi niya maiintindihan ang kanyang sarili kung bakit nahulog ang loob niya sa babaeng may asawa. Ito ang naging mundo niya.

Sa bawat araw na lumipas naging malalim ang relasyon nila ni Lualhati.Masyadong malambing si Alain sa kanya. Sinasabi nito halos lahat sa kanya ang bawat galaw. Kung may lakad na importante sa labas gawa ng trabaho o di kaya kahit ito ay umiinom kasama ng barkada. Kahit ito ay lasing na, magtetext pa rin ito sa kanya, na kinakaaliw niya. Pakiramdam ni Lualhati  iba nga pala pag minamahal ka.

Madalas silang lumabas ngunit kasama ang matalik na kaibigan. Nakita nito kung paano alagaan ni Alain si Lualhati. Hindi ito kinakahiya.

Naranasan ni Lualhati ang tratuhin na parang prinsesa. Tamang pagtrato sa isang babae na hindi niya naramdaman sa kanyang asawa.

Kahit kelan hindi siya pinapaghintay ni Alain sa kanilang tagpuan. Pagbaba niya pa lang ng sasakyan nakangiti na itong sasalubong sa kanya.

Nakaakbay ito sa kanya sa tuwing lalabas sila. Parang siya ang tunay na nagmamay ari sa kanya.

Masaya ang mundo nilang dalawa, At kahit na patuloy rin si Lualhati  sa pagiging mabait na ina at asawa ang masalimuot na mundo nila ay parang hindi na yata magbabago.

Minsang nauwi uli sa pagtatalo ang minsang pagtatanong niya sa asawa. minura mura siya nito.

“Puta ka, puta ka:….sigaw nito kahit sa harap ng mga anak nila.

“Puta na kung puta, eh di hiwalayan mo ako”, sigaw nang hindi na nakatiis na si Lualhati.

Nabigla ang asawa dahil sa tagal tagal nang panahon, ngayon lang sumigaw ng ganun si Lualhati.

Para itong binuhusan ng tubig at nagsorry sa asawa. Magmula noon ay naging mabait ito sa kanya. Hindi man ganap ngunit tama lang para maging maayos uli ang buhay nila.

Tamang tama naman at na grant ang isang scholarship kay Lualhati para mag-aral sa state university. Nagbigay iyon nang isang rason para hindi na sila muli pang magkita ni Alain.

Ngunit hindi ang kanilang pagtitext. Naging mas masugid si Alain sa panunuyo sa kanya.

Sa mga panahong busy ito, nandoon pa rin ang mga paalala sa kanya. Pakiramdam ni Lualhati wala man sa tabi niya si Alain, nandoon pa rin ang presensya nito.

Isang araw parang sinubukan ang kanilang pagsasama, Text ng text si Lualhati ngunit wala namang natatanggap na reply mula kay Alain.

Sumama ang loob ng babae, ngunit hindi niya alam, mas masama pala ang loob ni Alain na nagpupuyos na sa selos dahil sa wala mang lang natatanggap na mensahe galing sa kanya.

Text siya ng text sa binata at ito naman ay miscol ng miscol sa kanya ngunit walang text.

Hindi talaga siya mapakali kung bakit nagkaganun. Isang taon na ang kanilang relasyon at noon lang niya naramdamang nagpabaya ang binata sa kanya.

Tumawag siya rito. Naramdaman niya ang kalungkutan mula sa boses nito at nahalata niya rin na nakainum ito.

Pinagsabihan niya ang binata tungkol dito.

“Ito ang kaligayahan ko, kung ayaw mo na sa akin, hiwalayan mo na ako”, sagot ng lalaki sa kanya.

Nabigla siya sa narinig, kasabay nito ang impit na parang pinipigil na damdamin ng pagluha.

Sa kabilang linya, si Alain, lumuluha. Hindi niya mapigil ang kalungkutang nadarama dahil sa hindi nila pagkikita ng babaeng mahal niya.

Sa kanilang pag-uusap naramdaman nila ang kahalagahan nang bawat isa.

Minsan sa pag-iisa ni Lualhati, tinanong niya si Alain?

“Bakit ka ba umiinon?”

“Kasi nalulungkot ako, gusto ko makatulog agad. gusto ko katabi ko ang babaeng pinakamamahal ko at sa aking paggising nakayakap siya sa akin” sagot nito sa kanya.

Naramdaman ni Lualhati ang pangungulila ni Alain. Alam niyang dapat gumawa siya nang paraan para maging maligaya ito.

Minsan habang nasa paaralan. Nakipagkuwentuhan ito sa isang kaklase at napag-alaman niyang ito ay dalaga pa. Nakagaanan niya ito nang loob. Nakita niya ang kagandahan ng ugali nito. At nakita niya ang sarili na kinukwento si Alain dito.

Isang araw sinorpresa niya si Alain, umuwi siya mula paaralang kanyang pinapasukan.

Pinaramdam niya rito ang pagmamahal na kaya niyang ibigay sa gitna ng kanilang pagtatalik. Sinigaw nito ang kanyang pangalan ng maabot nito ang rurok ng kaligayahan. Lumuha siya, hindi niya alam kung bakit. Ngunit ang alam niya lang gusto niya maging maligaya ang taong natutunan niyang mahalin.

Naghiwalay silang dalawa. Si Lualhati para bisitahin ang kanyang pamilya….si Alain, gawin uli ang nakasanayan niya.

Naging masaya ang panahon ni Lualhati sa kanyang pamilya. Iniisip niya ang bawat hakbang na maaring magpapatahimik sa kanila. Alam niyang dapat na siyang magdesisyon kung saan ang tama at dapat para sa kanya.

Tinext niya ang dalagang kaklase at binigay ang number ni Alain dito. Sinabi niyang kung sakali na mabaling ang pansin ni Alain dito, alagaan niya ito at pakamamahalin, dahil anb binata  ang taong minamahal niya ngunit kailangang tapusin dahil may pamilyang higit na nangangailangan sa kanya.

Ilang araw wala siyang natanggap na text mula kay Alain. Alam niyang gumagana na ang kanyang plano.

Parang kinukurot ang kanyang puso ngunit kailangan niyang tiisin. Minsan hindi siya nakatiis, sinumbatan niya ito. Sinabi niyang alam niya na naikikipagtext ito sa iba.

Hindi ito nagreply. Ngunit hindi alam ni Lualhati  masama ang loob ni Alain  sa kanya. Pakiramdam nito pinamigay siya.

Kahit ayaw man ng lalaki sa taong pilit na pumapasok sa buhay niya, pinakisamahan niya ito ng magiliw.

Si Lualhati, binubuo uli ang buhay na nawasak dahil sa maling pagmamahal. Ngunit sa hindi sinasadyang panahon ang asawa’y binawian ng buhay.

Isang taong walang komunikasyon pagkat ang kaugalian ay ginalang. Babang luksa daw ay importante pagkat iyon ay nararapat at paggalang. Tinaguyod mag-isa ang buhay ng pamilya. Tahimik nga ngunit may kulang na nararamdaman at ang puso ay may hinahanap.

Alain……………..Alain………Alain……….

Isang taon ang nakalipas, sa pagkakalikot sa celphone nasumpungan ang sariling tinetext ang dating minamahal.

“Akin ka na lang muli, pagkat ako ay malaya na”

Walang sagot…..matagal…..

Sinubukan niya itong tawagan, nag ring naman….hindi naman nagpalit ng numero ang lalaking minsa’y minahal ng lubos.

“Malaya na ako, kung hindi man ako nakipagkomunikasyon saiyo iyon ay sa dahilang ginalang ko ang pagkawala ng asawa ko, Patay na siya”

Muli wala siyang sagot na nakuha………

Isang araw ang lumipas isang text ang natanggap niya.

“Paano ko maibibigay ang gusto mo, gayong pinamigay mo ako sa iba, ngayon ako naman ang hindi na malaya”.

Tumawag ito sa kanya, wala siyang nasagot kundi hagulgul nang pagsisisi…..hindi nga siguro sila para sa isa’t-isa.

Parang tinutusok nang karayom ang dibdib ni Alain ang galit na naramdaman niya noon ay napawi ngunit ano pa ba ang kanyang magagawa.

“Akin ka na lang muli, akin ka na lang muli” paulit ulit na bigkas ni Lualhati.

Pinatay ni Alain ang celphone, huminga nang malalim.

“Sana ikaw nga ang katabi ko ngayon kung alam mo lang”, sabay tingin sa natutulog na katabi………ang babaeng minsa’y naging kaklase ni Lualhati  sa isang state university….

(Wakas)

About jessa maria

Proud to be a BICOLANA..a simple person who writes what's on her heart. Loves to laugh even in times of trouble..hopeless romantic and often times with a wild imagination.....friendly but shy....
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!