Aguinaldo Highway, ano ang kasalanan mo?

(Photo Credit: graphitekbillboards.com)
(Photo Credit: graphitekbillboards.com)

Marahil marami sa mga Caviteño at mga biyahero na dumaraan sa Aguinaldo highway ay nakakaranas ng matinding trapiko. Bakit kamo? Sa dami na ng sasakyan ngayon, kabi-kabila pa ang paghukay sa kahabaan ng Aguinaldo Highway na kung susuriin mo ay wala namang malalang sira.

Gaya na lang sa may Longos sa Bacoor. Napakaraming dumaraan dito subalit sinimulan itong hukayin noong Disyembre ng nakaraan taon. Hanggang ngayon, hind pa natatapos ang paghuhukay at pagsesemento sa nasabing lugar. Ang resulta? Napakatinding trapik. Ang matindi pa rito, walang gumagawa kapag gabi. Parang hindi sila nagmamadali. Sa namumuno sa Bacoor, sana po ay mabasa ninyo ito.

Kamakailan lang, sa may boundary ng Imus at Bacoor, sa Aguinaldo Highway pa rin, nagsimula na ring hukayin ang kawawang kalsada. Kung titingnan mo, napakatibay pa ng nasabing kalsada pero bakit kailangang sirain? Ang resulta? Trapik na naman!

Sa lahat ng mga ito, sino ba ang kawawa? Di ba’t mga ordinaryong tao na nagpapakahirap at nagtitiis sa matinding trapik para buhayin ang kanilang pamilya? Maigi pa ‘yung mga politiko na hindi apektado ng trapik kasi meron silang “hawi boys” para makadaan agad sila. Teka, di ba sabi ni PNoy bawal yun mga may wang-wang? Di bale, ibang topic yan na puwede nating talakayin.

Mabalik tayo sa Aguinaldo Highway. Ano nga ba ang kasalanan ng highway na ito? Bakit parang mainit ang dugo ng DPWH sa kanya? Ah, baka dahil malapit na ang eleksyon?

Nagtatanong lang po!

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!