Agony of A Seaman’s Wife

Wala sa pangarap ko ang magkaasawa ng isang seaman. Bakit ko nasabi ito? Kasi nung college days, halos Marinong estudyante ang mga nanliligaw at nagpapahaging sa akin. Pero hindi ko sila  pinapansin kasi nga ang paniniwala ko noon eh  ang mga seaman,” every port report“.

Lumipas ang napakahabang panahon, di ko akalain na sa isang seaman din pala ako bibigay at magmamahal… Swerte kung tutuusin lalo na sa usaping pinansyal. Pero ano naman ang kapalit nito? Sa loob ng isang taon, tatlong buwan lang namin ng mga anak ko siya nakakasama. Buti na lang sa murang edad ng mga anak ko ay naiintindihan nila ang propesyon na mayroon ang kanilang ama. Subalit ano pa ba ang mga mga bagay na nagpapahirap sa kalooban ng isang asawa ng seaman? Isa-isahin natin at tingnan natin kung tama ako o pareho rin ng nararanasan ng mga ibang babae na ang asawa ay isang ding mandaragat:
1. Mas malamang hindi kasundo ang byenan sa kadahilanang inagawan mo sila ng kayamanan.
2. Kinaiinggitan ka sa lugar ninyo kasi basta na lang daw dumadating ang pera sa iyo.
3. Ang mga anak mo ay hindi makatanggap ng kahit mumurahing regalo kasi ang katwiran nila ay kayang bumili ng kahit ano kasi nga anak ng seaman.
4. Hinding hindi ka paniniwalaan na sa palengke ka namimili ng damit ng mga anak kundi sa SM daw kasi nga asawa ng seaman.
5. Ang akala nila naglulustay ka lang ng pera pag nagpunta ka sa parlor gayong kailangan mo naman talagang magpatanggal ng ingrown sa paa.

Naku, ilan pa lang yan, sa dami nga tila nakakasama na ng loob minsan. Hindi ko naman kasalanan kung sa ganoong tao ako nagmahal. Hindi dahil sa ganong propesyon ang gusto kong mapangasawa, nagkataon lang. Swerte ko na nga lang talaga na ang mga maling akala ko sa mga mandaragat ay binura ng aking asawa sa aking isipan. Isa siyang marangal na mandaragat at responsableng ama at asawa. Subalit maraming tao pa rin na nakapaligid sa kanya ang walang awa kung siya ay husgahan. Alam ko sa sarili ko na siya ay isang matinong tao, anuman ang sabihin nila paniguradong inggit lang sila sa kagandahan ng aming pamilya, punong-puno ng pagmamahalan at respeto sa isa’t-isa.

Anumang sakit ng loob ang aking nararanasan sa tuwing siya ay maglalayag, napapawi namin iyon sa araw ng kanyang bakasyon, bawat minuto at oras na kasama namin siya ay puro kasiyahan at pagmamahalan. Malayo man siya sa amin, alam ko na kasama nya kami palagi sa kanyang puso at isipan….

Photo credit: ofwngayon.com

About ate lai

expected mother for the third child, happily married, simple, loving, low profile and god fearring person, presently employed working for marginalized people.

Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.


Send a private message to author ate lai

  • Mj29

    Seaman po aswa ko pro mabait at responsble nmn sya. Ang gusto ko lng po mlaman kng s pgppdala b ng alote ehh dpt my srli po akong account registered by my name? Pnpdla nya kc ung alote s mismong account nya although ako nmn ang humahwak. Give me some ideas po. Thank u!

  • Uiane Acicham Gniragnam

    ..depende po yan sa seaman maam..ako kc asawa din ako ng seaman and i dont have those privileges n dapat sana mkuha bilang asawa..if he is honest to you good for you ..e pano nlng kong pati opisina nia at pati contract n pinipirmahan nia ayaw nia ipaalam sayo..sa madaling salita parang tau tauhan k lng at d asawa turing nia sayo db? matagal ako ngtiwala sa asawa ko almost 5 years pero wala pa ring pg babago kwentohan k lng n mas malaki sayod nia kesa sa pgtititser ko pero ang tanong ko saan b yang sinasabi nia? unfair tlga db? lahat lahat n nga lng ng responsabilidad sa anak niu ikaw ang taya tapos wala mn lng siya kaayusan sa sustinto nia pati bahay ayaw p ayos kasi tinitipid k….

  • pinoymariner

    Naniniwala po ako na mali ang husga ng ibang tao sa mga seaman. Isa po akong seaman. Akala po ng iba babaero ako dahil seaman. Pero hindi yun totoo. Hinahayaan ko nalang sila sa pag husga nila. Ang importante tapat ako sa magiging asawa ko. Nasa tao lang po yun kung magpapadala ka sa mga temptations. Please check nyo rin po itong sinulat ko sa blog ko, point of view naman po ng mga lalaki.

    http://www.pinoymariner.com/2011/10/are-seafarers-ultimate-womanizers.html

  • Joela Joven

    wla kang magawa kasi ang husband mo ang nagtrabaho