“Agaw EXsena”

Paalam na aking Ex

Kung kailan masaya ka na at saka may umeksena.

Si EX – si Ex na biniyayaan ka ng isang daang kilong sama ng loob, na lalong nagpabigat at nagpahirap sa puso mo nang todo-todo.

si Ex na siyang dahilan ng paghugot mo nang pagkalalim-lalim na buntong hininga dahil kung hindi, hindi ka makakalma sa kung anu-anong pumapasok sa iyong isipan dulot ng hinagpis at pasakit na dala ng kanyang paglayo at paglimot?

Take note. Siya ang umalis nang wala man lang pasabi. Ni-ha, ni-ho, wala kang narinig. Nalaman mo na lang na may iba na siya. Hindi dahil may nag tsismis sa ’yo. Nakita mismo ng dalawang mata mo, “sila”, masayang pinagsasaluhan ang isang cone ng Sundae ice cream sa 7/11. At biglang na-“ampalaya” mode ka sa ka-“sweetan” nila…dahil mismo sa araw na iyon, wala kang nagawa kundi “ampalayain siya..” At sa sobrang pait, wala ka nang naramdaman.

At sa paggising mo isang umaga, hindi ka na umasa. Ipinagpatuloy mo ang buhay. Nakalimutan mo mga bakas ng kahapon. Mas masaya na ang ngayon sa piling ng superhero ng buhay mo – si Batman. Hindi ‘yung “Sibatman”(Ex), na mahilig sumibat nang walang paalam. Lol. Natawa ako dun ah. Akalain mo ‘yun?

Dati minahal mo siya nang sobra-sobra. Ngayon wala nang natira? Sinaid na ng kakaHUGOT? Hangin na lang ang natira kaya para iwas sakit tiyan eh buti pang i-utot mo na lang? (Excuse me po). Nakakatawang magbalik-tanaw sa iyong Ex.

Tapos ngayon, ‘eto biglang nagparamdam. “I’m sorry…”; “I didn’t mean to hurt you..” mga linyang gasgas pa sa tsinelas ni Mang Kulas! Wala na bang bago? Kasi ako, may bago na – Bagong buhay. Bagong pag-ibig. Bagong umaga. Bago, dahil walang isang ikaw. Ibinaon na kita sa limot. Lahat lahat tungkol sa ’yo, maliban sa aral na natutunan ko.

“Higit kaninuman, mahalin ang sarili.

Matutong magpatawad, ngumiting muli.

Kalimutan ang nakaraan, sarili huwag husgahan.

At minsan sa iyong pag-iwan, wala ka nang babalikan.”

‘Cause baby goodbye
Doesn’t mean forever

Let me tell you goodbye 
Doesn’t mean we’ll never be together again…

Pati kanta, wala nang kahulugan.

(Photo credit: Pinterest)

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!