BMO Bank of Montreal® nag-aalok ng Western Union Money Transfer®* Transactions via the Interac e-Transfer™ Platform

western union

western union   bank of montreal

BMO Customers Maaari Nang Magpadala Ng Pera Online Sa Buong Mundo

Ang mga BMO Personal Banking customers ay maaari nang gumawa ng Western Union Money Transfer transactions online diretso mula sa kanilang accounts sa pamamagitan ng Acxsys Corporation’s Interac e-Transfer platform, papunta sa Western Union® Agent locations sa Canada at sa mahigit na 200 bansa at mga teritoryo sa mundo. Ang bagong serbisyo na ito ay isang ligtas na paraan ng paglilipat ng pera sa pagitan ng dalawang tao sa pamamagitan ng BMO Online Banking.

“Ang aming mga customers ay nagtitiwala sa BMO upang tulungan silang manatiling konektado sa kanilang pamilya, kaibigan at mga negosyo sa buong mundo, lalo na sa dumaraming bilang ng mga bagong Canadians na laging nagpapadala ng pera sa kanilang pamilya sa ibang bansa,” sabi ni David Heatherly, Head, North America Payments-Personal and Small Business, BMO Financial Group.  “Ang mga kasunduan ng Western Union at Acxsys Corporation ang magpapadali para sa aming mga customers na magpadala ng remittances kahit saan man sa mundo mula sa kanilang tahanan gamit ang kanilang computer.”

“Ang Western Union ang naging paraan upang magkaroon ng koneksyon ang cash at electronic technologies,” ayon kay Odilon Almeida, President, Americas, Western.  “Pinagsama namin ang aming mga kinagisnang kakayahan- isang tatak na kilala sa buong mundo at may international retail presence- at ang mga account-based money transfers, mobile services at cross-border platforms para sa global businesses, upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga consumers na naghahanap ng iba pang pagpipilian sa iba’t ibang teknolohiya.”

“Kami ay nagagalak na ibahagi ang bilis at ginhawa ng Interac e-Transfer platform sa mga BMO customers, upang makapagpadala sila ng pera sa ibat-ibang panig ng mundo.” Ayon kay Mark O’Connell, President and CEO, Interac Association and Acxsys Corporation.  “Ang Interac e-Transfer, isang pinagkakatiwalaang brand, ay inaalok ng mahigit na 150 financial institutions sa Canada para sa kanilang mga customers.  Ang BMO ay kauna-unahang bangko na nagbibigay ng kakayahan sa kanilang customers para gamitin ang Interc e-Transfer platform upang makapadala ng account-based money transfers sa pamamagitan ng international network ng Western Union Agents.”

 

Enhanced by Zemanta
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!