Adik ka ba?

Bakit nga ba marami ang nahuhumaling sa mga online games ngayon? Ako rin mismo ay adik sa online game na Farmville pati na rin Candy Crush, at talaga namang pinag-aaksayahan ko ito ng panahon kahit na matulog pa ako ng alas-dos ng madaling araw ay ayos lang, matapos ko lamang ang isang level sa Candy Crush. Wala akong sama ng loob sa mga gumawa ng online game na ito pati na rin sa mga naglalaro nito, samakatuwid ay hanga ako sa kanilang husay sa pagbuo ng mga kakaibang laro at talaga namang kawili-wili itong bigyan ng mahabang oras para lamang matapos ang game na ito.

Minsan sa pagiging addicted natin sa mga larong ito, hindi na natin nabibigyang pansin ang mga mahahalagang bagay na dapat sana ay ating pinahahalagahan.

Alam ko na hindi  ko ngayon ay ang pagiging adik ng mister ko sa larong Clash of clans. Dati na siyang adik sa isa pang online game na Dota na kung maaari ata ay kaya niya kaming ipagpalit sa mga games na ito sa internet. Nakakainis dahil talagang hindi mo ito makausap kapag siya ay busy sa paglalaro nito. Nariyan na kapag may gusto ka sanang pag-usapan ay sasabihan ka pa na huwag daw muna siyang kausapin at siya ay naglalaro.

Minsan din ay ginagawa ka pang parang baliw, kausapin mo ang sarili mo, bruha ka. Blah, blah, blah. Eh, kailan mo kaya siya maaring kausapin? Ni hindi ka nga niya magawang lingunin kapag tinatawag mo ang kaniyang pangalan. Wala na siyang alam gawin kundi ang maglaro nang maglaro. Buong araw siyang nakatutok sa kanyang laptop tuwing walang pasok sa trabaho at halos hindi rin niya magawang humarap sa mesa kapag kakain na. Ewan ko ba kung bakit sadyang nakaka-addict ang mga online games na ito samantalang puro karahasan naman ang tema nila. Minsan pa nga nasabi ko sa kanya na “sana ay kumikita ka diyan sa paglalaro mo niyan. Ang laki na siguro ng suweldo mo sa kaka-overtime mo diyan sa larong iyan.”

Masakit, hindi ba? Akala nila siguro, nakabubuti sa kanila ang paglalaro nila ng mga war related online games na iyan. Pero ang katotohanan halos isa na rin ito sa puwedeng maging dahilan ng hiwalayan. Hindi ko lubos maisip kung bakit sa ngayon ang pagiging adik ni mister sa ganitong uri ng laro ay nakakabahala na rin. Sana ma-realize nila na sa bawat nasasayang na oras nila rito, ay gugulin na lamang nila ang oras na ito sa kanilang mga anak o sa pamilya.

Kung ang misis ay busy sa gawaing bahay, kahit hindi ka na nila tulungan dito basta huwag naman yaong pagdating ng bahay ay nakatutok na agad sa laptop o cellphone at busy na sa paglalaro. Maghapon na nga na wala sa bahay dahil nasa opisina, pagdating sa bahay ay parang wala pa rin siya dahil nasa harap na ng laptop at naglalaro na. Sana naman kahit paano pagdating niya galing sa opisina ay makita mo ang kasabikan niyang makapiling kayong mag-ina. Kahit sana tanungin ka man lamang kung kumusta ang araw ninyo, hindi, diretso na agad sa paglalaro ng online game na iyan.

Hindi ako isang dalubhasa pagdating sa ganitong mga bagay, ang nais ko lamang ay marinig din ng ibang mga misis o kababaihan na hindi lamang sila ang katulad ko na naiirita sa mga online game na ito. Sana mamulat tayong lahat, hindi lamang silang mga kalalakihan na igugol na lamang ng bawat isa ang quality time sa pamilya at hindi na lamang sa paglalaro ng online games na iyan. Maari rin naman silang maglaro ngunit dapat naman sana ay respetuhin o igalang naman nila tayo, kausapin naman nila tayo kapag kinakausap natin sila at hindi na lang iyong parang tanga ka na nagsasalita, wala ka rin naman pala kausap.

Alam ko na sa dami nang kinakaharap nating problema, lalo na sa mga misis na katulad ko ay masasabi ko pang suwerte ako dahil awa ng Diyos ay good provider at wala namang bisyo ang aking mister, may tiwala rin ako na wala naman siyang ibang babae o pamilya maliban sa amin ng anak ko.

Nasa bahay siya tuwing sabado, umuuwi rin naman siya nang maaga tuwing weekdays at kasama naman niya kaming nagsisimba at namamasyal tuwing linggo o kaya ay holiday. Oo, nandoon na ako, wala naman talagang taong perpekto, hindi rin siya santo at aminado ako na hindi rin ako santa at perpektong misis. Marami kaming pagkukulang sa isa’t isa ngunit alam ko na pinipilit pa rin namin itong mapunan sa abot ng aming makakaya.  S

About aryastark

A first time writer, wife and mother who loves to sew and has aspirations of becoming a fashion designer. An avid fan of the HBO adaptation series, Game of Thrones, likes traveling and photography too.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!