sb, KX, ns, PV, bV, EH, Pb, le, dQ, JR, JZ, lh, NY, Yy, Nk, HL, AG, Uy, tn, TE, za, av, Yp, xg, pH, Yd, Tl, qI, KK, JJ, HD, pq, nO, OV, Xh, dA, Fl, Eg, qY, as, FS, ZH, sk, kD, LE, QW, Ux, zU, OY, QO, Ry, ZG, Ii, Ll, jl, Pm, Cc, Ky, tk, WY, FV, nH, Ph, qH, BN, Ea, IB, dh, Sc, yG, Be, Fb, QI, vJ, hb, NX, HY, oJ, Oq, Od, pA, Zd, dk, ox, fb, vH, gU, tK, WH, ok, Om, Zx, se, qD, sB, MW, UG, dU, mn, Ry, OD, zf, Gv, CX, JS, cQ, Jg, FQ, mA, lH, Mk, Jc, Zv, aU, px, cB, Zw, fj, xu, aj, pr, uk, lI, UR, VZ, uV, nD, ph, Ow, Pr, Hb, AC, MN, QO, HH, DJ, Jz, su, UZ, aG, Yc, wn, Rr, wa, jh, VP, mO, yl, Xu, kZ, Ro, mW, ko, KE, VQ, Xw, KR, pD, sE, cH, dk, GR, AM, EU, YG, bx, aa, iR, Fu, vY, He, Om, cs, Yq, Sx, Tf, ON, wK, Wm, YU, uc, Dn, dU, ZY, zu, Dl, OD, Vg, kD, cF, Ac, Bu, xm, CB, zm, HY, Dk, eP, Go, kL, qU, PJ, uv, At, Dl, EZ, yX, jA, wA, gc, Nf, Ww, rb, Zb, yG, RP, hu, EZ, SI, Oc, Gx, iF, 1 A Tribute to My Greatest Mentor, My Grandfather – Definitely Filipino™

A Tribute to My Greatest Mentor, My Grandfather

My Lolo, My Mentor (Photo Credit Thewednesdaychef)
My Lolo, My Mentor (Photo Credit Thewednesdaychef)
My Lolo, My Mentor     (Photo Credit      Thewednesdaychef)
My Lolo, My Mentor (Photo Credit Thewednesdaychef)

Di tulad ng karamihan, galing ako sa isang broken family. Nabuntis ng tatay ko ang nanay ko noong magsing-irog pa lang sila. Nag-aaral sa Lyceum of the Philippines University ang nanay ko noon. She was taking up Political Science. Di planado ang lahat. Nahinto sa pag-aaral ang nanay ko, at nagsama na lang sila ni tatay noon. Di maiiwasang magalit si lolo, dahil pangarap ni lolo na maging abogado si mama, dahil nung bata pa si lolo, yun ang naging pangarap niya, na hindi natupad.

Di rin naman nagtagal ang pag sasama nila ni nanay at tatay. Actually, hindi ko na nga nakita ang tatay ko mula noong pinanganak ako, at hanggang ngayon na 23 year old na ako. Ang masaklap pa nito, 6 months lang kami nagkasama ng nanay ko mula noong ako’y ipinanganak. Nag-abroad si nanay. Nagpunta sa Japan, at iniwan ako kay lolo. Gawain ng karamihang Pilipino noong sa Japan na magTNT. Nanatili si mama doon, hanggang sa nakapag-asawa siya ng hapon, at legal nang nanirahan doon.

Naiwan ako kay lolo. Sa kanya na ako nagkaisip. Nga pala, ang tawag ko sa lolo ko mula nang ako’y magkaisip ay papa. Si lolo ang nagpalaki sa akin. Malaki ang sakripisyo niya sa akin. Bilang isang senior citizen, di na dapat siya nag-aalaga ng isang bata. Dapat, nagpapahinga na lang siya at nagpapakasaya. Mula nang napasakanya ako, syia na lahat gumagawa ng gawain ng isang ina. Nagpapakain sa akin, naglalaba ng mga lampin ko, inaaruga ako, inaalagaan pag may sakit. Di mapakali pag nagkakasakit ako.

Sa gabi, kinakailangan pa niyang umalis para tumugtog, iniiwan niya ako sa pinagkakatiwalaan niyang kapitbahay. Siya rin ang tumayong tatay, siya ang nagdidisiplina sa akin. Napakarami na niyang isinaalang-alang, para sa asawa niya, mga anak niya, at para sa akin. Isa syang CPA sa Cebu. Umalis siya sa kumpanyang pinapasukan niya para sa lola ko at mga anak niya. Iniwan niya ang pagiging accountant. Sayang isa pa naman siyang Top Notcher.

Isa rin siyang musician, at mula pa sa kanununuan namin ang pagiging musicians. Labas-pasok sa bansa si lolo dahil sa trabaho niyang ito. And at the time that I was turned over to his custody, he refrained from accepting projects abroad. He only accepted local calls from his contacts. He was a drummer, a trumpeter, and a trombonist. At early age I was engaged in music. Naalala ko, sa maliit na kuwartong inuupahan namin, ang sikip, dahil nandoon ang drum set niya.

Tuwing hapon, nag-eensayo siya, trumpet, trombone, ayun. Kung ang mga kapit bahay, ay medyo naiingayan, ako naman, dahil bata pa lang, at nasa formative years pa lang, naeenjoy ko naman. Pero kahit tuwing hapon siya nag- iingay, (I say nag-iingay, kasi, isipin mo kung drums lang ang tumutugtog. Although hindi naman ganoon kaingay kasi jazz naman ang mga iniensayo ni lolo), wala akong maalala na may nakaaway siya. Magaling kasi makisama si lolo sa mga kapit bahay.

Bilang musician, hindi naman sapat ang kinikita niya para sa aming dalawa. Dahil di naman araw-araw may tugtog si lolo sa mga 5 star hotels. Kaya, humingi siya ng tulong sa mama ko. Kaya si mama, buwan buwan na magpadala. Maliban dito, si lolo, kung kailan tumanda, saka naging maluho. Sa damit, sapatos, at pabango, kaya ang kapatid naman ni mama ang may sagot dito, (si mama at ang mga kapatid nya ay nasa Japan lahay, pati si lola. Mag-isa na lang namumuhay si lolo, noong magdalaga sila mama.).

Kinailangan naming pumunta sa Cebu, dahil wala lang. Gusto lang ni lolo. Dun ako nag grade 2. Sa edad na 9, nagsimula akong humawak ng trumpet. Natututo ako ng mga jazz song, at minsan, pinapasama ako ng kapatid ni papa sa mga procession at tumutogtog kasama ng banda. Tuwang tuwa ang mga kasamahan ni tiyo Erinng (tiyo ang tawag ko sa mga kapatid ni lolo). Napaka bata ko pa daw pero, maayos na daw ako tumogtog ng trumpet. Nung matuto ako magtrumpet, nagustuhan ko namang pag-aralan ang trombone. Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ni papa sa akin na mga musician din.

Lumipat na kami sa katabing isla ng Cebu, sa Lapu-Lapu City. Doon na ako nag grade 3-1st year higschool. Si papa, palibhasa ay isang aspiring lawyer noong kabataan niya, napakalawak ng point of view niya sa politics. Sa totoo lang, ang perspective ko pag dating sa politica, ay nagmula sa kanya. Nakukumpara niya ang bansa natin sa mga karatig bansa natin, dahil nakapunta na siya roon.

Sa kanya ko naintindihan ang Communism. Ang estado ng pagiging pantay pantay ng mga tao sa isang bansa. At ang pamamalakad ni dating Pangulong Marcos. Sabi niya, ang pamamalakad daw ni Marcos, ang pinakamainam para sa bansa natin. Ang martial law ang dapat pairalin. Disiplina higit sa lahat. Sa kanya ko ito natutunan.  Sa kanya ko unang natutunan ang functions ng tatlong sangay ng ating gobyerno. Dahil matanda na siya, mahilig na siya magkwento.

Sa mura kong edad na 13, namulat ako sa pamamalakad ng pamahalaan, sa pamamagitan ng mga kuwento niya. Pinapanood ko nga ang impeachment trial ni Erap noon, kaya lang dahil formal English ang gamit, at hindi pa naman ako ganoong nakakaintindi ng English, hindi ko masyadong naintindihan ang mga pinag-uusapan doon. Magkagayon man, pinapaliwanag naman ni lolo sa akin ang mga nangyayari. Naaliw nama ako at namamangha sa mga kwento niya noong World War II. Kung paanong pinasok ang bahay nila, tapos nung Makita daw siya ng tenyente ng mga Hapon na pumasok, ay ngumiti at natuwa daw sa kanya, dahil mukha syang hapon, at umalis sa bahay nila ang mga hapon.

Nakwento niya rin ang iba’t ibang karanasan niya sa buhay. Mula sa napalaban siya sa mga holdaper, nacorner, at nakaligtas dahil may pulis. At kung paanong pinagtaksilan siya ni lola, mga karanasan niya sa ibang bansa, at iba pa. may mga natutunan naman ako sa mga naikwento niya. Tunay nga nga wisdom comes with experiences.

Syempre, dahil bata ako, mapusok, madalas akong madisiplina ni lolo. Nagmilitar si lolo dati kaya ang pamamaraan ng pag disiplina niya ay may pagkamilitar. Sa tingin ko ngayon, ok ang ginawa niya. Masasabi ko naman sa sarili ko na disiplinadong tao ako, dahil sa disipling ginawa ni lolo sa akin. Kung pumalo si lolo, talagang palo, pero never niya akong pinagbuhatan ng kamay. Sabi niya kasi, ang pagdisiplina sa bata ay ginagamitan ng pamalo, dahil nakakatrauma daw pag kamay ang ginagamit. Ang dami niyang naituro sa akin. Mula sa kung paanong makisama, paano ang tamang asal, ang delikadesa, at ang pagpapagalaga sa prinsipyo.

Noong mag grade six ako, napasali ako sa Folk dance group ng school namin. Iba’t ibang school ang mga nakalaban namin. Di naman ako magaling sumayaw, talo pa nga at patpat sa tigas ng katawan ko pagdating sa sayaw, pero ako ang naging leading man sa folk dance drama competition.sa mga laban namin, kasama ko lagi si papa. Suportado niya ako. Kapag performance na, pagpasok ko ng stage, kabadong-kabado ako, pero hinahanap ko kung saan siya nakaupo at doon tumitingin ako, at nawawala na ang kaba ko. Nakita ko sa mga mata niya na proud siya sa akin.

Noong manalo na kami sa division level, kami ang napiling lumaban para sa regional level, sa Manila. Sa Folk Arts Theater. Sa pagkakataong iyon, di na nakasama si lolo. Naalala ko pa, noong hinatid niya ako. Noong paalis na ang jeep papunta sa port. Nakita ko ang mata niyang lumuha. Parang kinurot ang puso ko noon, at tuwing naaalala ko ang mga matang iyon ni lolo, at tuwing naaalala ko ang pagkakataong iyon ay napapaluha ako. Isang linggo kami noon. Si papa ang naghanda ng mga dadalhin kong gamit. Ang dami niyang nilagay na pagkain, ayaw niya akong magutom. Lumipas ang isang lingo, at excited na akong umuwi. Ngunit pag-uwi ko, wala si lolo sa bahay. Tinawagan ko siya, pinsan ni mama ang nakasagot, nasa Cebu siya, dahil naospital. Inatake ng pagtaas ng sugar. Pinuntahan ko siya sa Cebu.

Huling pagkakataon na pala ni lolo na makapaglakad nang mag- isa; noong hinatid niya ako sa jeep. Nanghina na si lolo. Di niya na kaya mag-isa. Nangayayat nang sobra at naging iritalbe na. Bumalik ako sa Lapu-Lapu, dahil nag-aaral pa ako. Mag-isa lang ako doon sa bahay na inuupahan namin. At 14 natututo na akong mag-isang nag-aasikaso sa sarili.

Bakasyon na noon, at nagpunta ako sa Cebu. Ako na muna ang nagbantay ka papa sa ancestral house nila. May kapatid pa siyang isa, babae, di na nagasawa, yun ang pansamantalang nag-alaga sa kanya. At noong nandoon na ako, tinulungan niya ako. Ano ba naman ang alam ng isang 14 anyos. Nandoon din ang pamangkin niya. Ang hirap palang mag-alaga ng matanda. May tumutulong pa sa akin noon, pero, parang nakakapagod. Lagi akong puyat, kasi gumigising nang madaling araw si papa para mag C.R. kailangang alalayan. Maya’t maya ang gising niya. May iniinda na siya. Only to find out na may Kidney Failure na pala siya. He underwent dialysis treatment 3x every week. Buti lahat ng mga anak niya nasa Japan at nakapag-asawa ng hapon. Sila ang gumastos sa mga gastusin sa gamot at treatment ni lolo. Pero ang kapalit naman nito, mag-isa lang ako nag-aalaga dahil wala siyang anak dito.

Magpapasukan na. 1st year highschool na ako. Hindi na nakapunta si papa sa graduation ko noong Elementary, dahil hindi na niya kaya. Napilitan akong umuwi sa Lapu-Lapu para mag-aral. Mag-isa na naman ako. Buti may mga kaibigan ako, kahit papaano, hindi ako nalulungkot. Kalagitnaan na ng June, nagulat ako, dumating si lolo. Akala ko mag-isa lang siya, kasama niya ang kaibigan niya, hinatid siya. Ayaw na daw niyang mag padoktor. Ayaw na niya magpa treat. Kinuwento niya, ang sakit daw ng dialysis. At sumusuko na siya. Sinubukan kong pilitin siya, na magpadoktor ulit, at magpatreatment, sinigawan niya ako. Napaiyak ako, dahil alam ko na ang pasuko niya, ay paghihintay na lang ng kamatayan niya. Pumapasok ako. No choice, kundi iwan siya sa maghapon. Bago ako umalis, binibilhan ko muna ng pandesal si papa. Sinasaingan, ang ulam niya para sa kinabukasan, kinagabihan pa lang niluluto ko.

Nagprovide din ako ng madudumihan niya. Kahit papaano naman, maliit lang ang bahay, at katabi lang namin ang may-ari ng bahay. Noong una kaya pa niya, naiiwan ko siya pansamantala. Pero isang araw, biglang hindi na siya makatayo. Natutumba na siya. Hindi na ako pumasok, at hindi ko na natapos ang 1st year. Mag-isa ko siyang inalagaan, mag-isa kong pinupunasan ang dumi niya  sa puwet nya. Pinapaliguan ko siya, ako ang nagluluto ng pagkain niya. At ako na ang naglalaba. Sa edad kong 14, yun ang mga gawain ko.

Hindi ko nanunumbat, pero ang mga anak niya dapat ang gumagawa nito, dahil, di na kailangan ni lolo ng pera; kalinga na ang kailangan niya, at sa mura kong edad, mahirap yun para sa akin. Magkagayon man, tiniis ko lahat ng hirap. Nagpapadala naman sila tita ng pera, kaya kahit papaano ay nabawasan ang hirap ko. Ako ang pansamantalang humahawak ng mga pera na pinapadala ng mga anak niya. Hinang-hina na si papa noon, nang umuwi ang anak niya na galing sa Japan. Ilang linggo pa, ang kapatid naman niya ang dumating. Pero huli na, hindi na ako puwedeng humabol sa klase. Magkagayon man, kahit papaano ay nakapagpahinga na ako. pero, dahil ako ang nakasanayan ni lolo na magpaligo at umakay sa kanya, ako ang lagi niyang hinahanap.

Sa huling pagkakataon ay napilit si papa na magpaospital. Naconfine sya nang isang buwan. Base sa advice ng doctor, para mamonitor ang kalagayan niya at ang mga kinakain niya. Mamahaling hospital ang pinagdalhan ko kay lolo. Ako ang nagdesisyon sa bagay na iyon, dahil malaki naman ang pinapadala nila tita, at isa pa, natatakot ako sa mga pampublikong hospital. He again underwent dialysis treatment, but he keep on refraining from taking his medicine, at supplements given by the doctor. Kaya, lumala ang kondisyon niya. Nagrequest siya sa akin, na ayaw na niya talaga. Gusto niya nang umuwi ng Lapu Lapu. Hapong hapo ang boses niya, hinang-hina, at hirap na hirap. Mabigat man sa kalooban, at nangangamba na mabagsakan ng sisi kung ano man ang mangyari kay lolo, I decided to withdraw him from the hospital, I paid all the bills. We went back to Lapu-Lapu. He doesn’t eat anymore. Maybe 1 or 2 spoons of rice, with variant, that’s only what he eats.

Few days later, he asked for a haircut. I contacted a barber to come to our house. Military cut ang napili niyang gupit. After 2 weeks, he talked to me. He said “I saw my mother, calling me, she pulled my blanket last night.” After telling me, my tears went down, knowing that it could have been delirium.

“I want go home, to the house of my parents, I want to wait there”. This time, I stood, and changed the topic. He insisted. So on the afternoon of that day, I decided to pack up our things, and moved to Cebu. There I requested my aunt, to have some repairs for the room. Binantayan ko siya, buong maghapon. Sa umaga, dahil kahit papaano bata ako, at naiisip ding maglaro, umaga lang ako wala at naglalaro ng basketball. Bata pa ako noon, medyo wala pa sa isp ko ang mga nangyayari, kung gaano kabigat ang dinadala ko. Ang nararamdaman ko lang, dapat ko tong gawin.

Dumating ang dalawa sa mga anak niya galing sa Japan. Ang panganay at ang pangalawa parehong babae, dumating din ang dalawang anak niyang lalaking mga adik. Dumeretso sila sa maliit bahay na ipinaayos ko para kay lolo. Pilit man nilang itago sa akin, pero nakikita ko sa kanilang mga mata ang lungkot. Kinaausap nila si papa, binabalik nila ang mga masasayang alala nila, maging ang mga nakakatawa. Para mapasaya si lolo, si lolo, mahinang mahina na, wala na nga yata siyang maalala sa mga sinasabi nila.

Matapos noon ay hindi pa rin sumuko sila tita at tito, pinilit pa rin nila si papa na magpadialysis. Pero wala na silang nagawa noong sinabi ni papa na ”ayoko na, hirap na hirap na ako”. Nabalot ng katahimikan ang lugar kung saan nandoon ang mag-aama. Nakita kong gumulong ang mga luha sa mata ng kanyang mga anak. Ilang sandali pa ay oras na para sa tanghalian. Tinanong nila si lolo kung ano ang gusto niyang kainin at agad nilang bibilhin. Sinabi ni lolo, “gusto ko ng letchon”. Akala nila na maaaring yun na ang huling sandali na makita nila si papa, kaya’t, binili na nila lahat ng gusto nito. Kahit bawal at mahal. Matapos noon ay nagkantahan sila. Kinanta nila ang mga paboritong kanta ni lolo.

Makaraan ang ilang araw matapos bumalik sa Japan nila tita, hapon noon, bumangon si lolo. Nauhaw, hiningi niya ang coke, iniabot ko ito sa kanya. Dalawa lang kaming nandoon, ako at ang isa niyang anak na adik. Nalagot ang hininga niya matapos uminom. Matutumba na siya, sinalo ko siya ng aking mga braso. Literally, namatay siya sa aking mga braso. Nabigla ako sa mga pangyayari. Inihiga ko siya sa kama. At tumawag ng ambulance. Dumating agad ang ambulansya at mga doctor. Pilit nilang nirevive si lolo. Wala na talaga. Tinakpan na ng kumot si lolo.

Shocked pa ako sa mga pangyayari at nilapitan si papa. Di ko alam ang nararamdaman ko. Wala na ang taong kinikilala kong nagturo sa akin ng mga perspektibo sa iba’t ibang bagay. Wala na ang mentor ko. Tumulo ang luha nang hindi ko namamalayan, at niyakap ko siya at hinalikan.

Halos gabi gabi akong naglalamay sa kanya. Tulala na nakaupo, nakatulala sa kabaong niya. Maya’t maya ang silip sa kabaong. Sa araw ng libing niya, dinagsa siya ng mga kasamahan niya sa military, banda ng military in particular. Isang 6×6 ang banda na sumama, iba pa ang mga nakasama ni lolo dati sa mga tutugang fiesta. Napakaraming mga tumutugtog, nandoon din ang mga kabarkada niya.

Totoo ang sabi nila, hindi mo agad mararamdaman ang sakit pag namatayan ka. Mararamdaman mo ito pagkatapos ng libing. Kung saan babalik ka sa bahay, at mapapansin mong wala na ang taong namayapa. Matapos ang libing, mas lalong dumalas ang mga sleepless nights ko. At nagkasakit ako dahil sa pagod at pagpupuyat.

Hanggang ngayon na 8 years na ang nakakaraan, naiisip ko pa rin siya palagi. May mga gabi na napapanaginipan ko siya. Naalala ko ang mga pag-aalaga niya sa akin, ang mga pagsaway niya, at yung mga time na naglalambing ako sa kanya. Mga time na nag-uusap kami tungkol sa mga pamamahala ng gobyerno.

Minsan nga, it may sound absurd, pero naiisip ko, kung mayroon lang prototype na time machine, ako na magvovolunteer na test pilot, at babalikan ko ang mga time na magkasama kami. Pangarap ko ang malagpasan siya, o mapantayan. Siya ang nag-iisang mentor ko.

About hiromi-paclipan

A married filipino citizen, hoping soon to have my deegree in Applied Physics a year from now. i prefer to be silent most of the time, because i am afraid that i might say something wrong.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!