6 things you must try or visit in Sta.Cruz, Laguna

Nakarating ka na ba sa Sta.Cruz,Laguna? Alam mo  ba na ang Sta.Cruz ang Kapital ng Laguna at hindi Calamba?

Naalala ko lang kasi iyong isa kong kamag-aaral sa kolehiyo; akala niya kasi Calamba ang kapital ng Laguna dahil mas popular ito kumpara sa unang nabanggit.

Sa Laguna Travel guide series kong ito, hayaan ninyong ipakita  ko ang mga maipagmamalaki sa bayan ng Sta.Cruz, Laguna – the Original home of Kesong Puti!

Sa totoo lang, wala masyadong lugar na mapupuntahan o mapapasyalan dito; hindi kagaya ng mga karatig na bayan tulad ng Pagsanjan at Los Baños ngunit ang bayan ng Sta.Cruz ay maraming mga maipagmamalaking produkto at kainan!

  1. Bugok o Bibingkang Itlog

Nakatikim ka na ba ng bugok? Ang bugok o ang bibingkang itlog ay ang isa sa mga pinipilahang pagkain dito sa Sta.Cruz. Ang bugok ay maituturing na isang Exotic Food, ito ay pinagsama-samang itlog ng itik na may kasamang abnoy o bulok na itlog. Oo, ito ay gawa sa bulok na itlog kaya mabaho rin ang amoy nito.

WP_20150829_11_17_28_Pro

WP_20150829_11_17_35_Pro

WP_20150829_11_55_51_Pro

Ang sabi ng ilan, “Mas mabaho ang bugok, mas lalo itong masarap.”

Hindi ko rin alam kung bakit nasasarapan ako sa bugok na itlog tila kasi may mahika itong taglay na talaga namang kapag natikman ay uulitin-ulitin dahil masarap! Well, masarap ang bugok kahit na mabaho at mas masarap ang bugok kapag may kasamang sawsawang suka na may siling pula.

Ang bugok ay karaniwang mabibili sa palengke ng Sta.Cruz. Maaari kang bumili ng bibingkang itlog sa halagang limang piso hanggang  PhP100 (isang buo). Try mo rin ang bugok.

 

  1. Tio Casio’s Makapuno Bibingka

Mula sa bulok na Bibingkang itlog, isa pang bibingka na tunay ngang napakasarap ay ang Makapuno Bibingka ni Tio Casio! Ang Tio Casio’s Bibingka de Makapuno ay ang First and the original Makapuno de Bibingka na matatagpuan sa Brgy.Bubukal, Sambat, Sta.Cruz, Laguna.  Tuwing may okasyon, hindi ko makakalimutang bumili nito, iba kasi ang lasa ng bibingka de makapuno nila, hindi masyadong matamis pero malinamnam, tama lang ang timpla at  swak sa panlasa ng Pinoy.

Kung mapapadaan ka sa Sta.Cruz, huwag mong kalimutang bumili nito sa Tio Casio, hindi ka magsisisi dahil 100% itong masarap,proven and tested ko na ito dahil ipinatikim ko ito sa aking mga kaibigan from Palawan,Butuan and Manila.

Ang isang kahon na Makapuno de bibingka ay nagkakahalaga ng PhP170.00.

Photo grabbed from Tio Casio's Makapuno de Bibingka FB Account on August 29, 2015
Photo grabbed from Tio Casio’s Makapuno de Bibingka FB Account on August 29, 2015
  1. Kesong Puti

Kung naghahanap ka ng original kesong puti or cottage cheese, sa bayan ng Sta.Cruz mo ito matatagpuan. Sa katunayan mayroong Kesong Puti Festival na ginaganap tuwing buwan ng Marso na kung saan makikita mo ang iba’t ibang kesong puti. Ang Kesong Puti ay karaniwang masarap na palaman sa mainit na pandesal, ito rin ay minsang inilalagay sa mga pasta o hamburger. Maraming nagtitinda ng kesong puti sa may Bagumbayan, Sta.Cruz, Laguna, madali mo lang itong makikita dahil along the highway lang ang mga ito.

Photo grabbed from lagunatravelguide.com on August 29, 2015
Photo grabbed from lagunatravelguide.com on August 29, 2015
Photo grabbed from lagunatravelguide.com on August 29, 2015
Photo grabbed from lagunatravelguide.com on August 29, 2015

FYI: “Kesong Puti is a fresh, soft, white cheese made from unskimmed carabao milk. It is normally eaten with bread while some consider it as a special ingredient in pastas and burgers. Kesong Puti stands can easily be found in the ‘Home of Kesong Puti’, Sta. Cruz.”

(From http://www.biyahenglaguna.com/adventures/pasalubong-adventure/white-cheese-kesong-puti)

Price Range: PhP60-150

  1. Laguna Pesto with Kesong Puti @Teds

Isa sa mga paborito kong puntahan na kainan ay ang Ted’s at ang isa sa mga paborito  kong kainin dito ay ang Laguna Pesto match with Apple Basil (my comfort food). Sa hindi ko mawaring pakiramdam, nakakarelax ang mga food na ito at hindi lang ang pagkain sa Ted’s pati na rin ang cozy ambience nito.

Laguna Pesto and Apple Basil
Laguna Pesto and Apple Basil

 

teds 1

teds 4

If you will visit Sta.Cruz, don’t forget to visit Ted’s! Country Style Resto with reasonable prices.

Photo grabbed from Ted's Facebook account on August 29, 2015
Photo grabbed from Ted’s Facebook account on August 29, 2015

Location: Ted’s by MonDay Chefs

KM 83 National Hway Brgy Duhat, Santa Cruz, Laguna

Telephone Number: (049)501-6858

  1. Rizal Monument (Laguna Sports Complex)

Kung mahilig kang magjog or simpleng mahilig magpawis, try mo ring bisitahin ang Laguna Sports Complex na kung saan ang Palarong Pambansa ay ginanap noong 2014. Dito rin makikita ang isa sa pinakamalaking statue (The Tallest Rizal Statue that is 26-foot) ng ating pambansang bayani Dr.Jose Rizal.

WP_20150717_07_51_37_ProWP_20150717_07_53_15_Pro

WP_20150717_07_47_31_Pro

 

Location: RECS Village, Barangay Bubukal, Santa Cruz, 4009 Laguna

  1. Bella’s Patis Labo

Alam n’yo ba na ang masarap na patis labo na Bella ay produkto rin ng Sta.Cruz? Ang patis labo na masarap na sawsawan (lalo na kapag pipigaan ng kalamansi) kapag ang ulam ay sinigang, nilaga o kahit ang mga steamed talbos ng kamote.

Photo grabbed from triploqal.com on August 29, 2015
Photo grabbed from triploqal.com on August 29, 2015

Location: Brgy. Calios Monserat Subd Sta. Cruz Laguna.

Available in Goodwill Supermarket, Sta.Cruz,Laguna

 

 

Rediscover Sta.Cruz in Laguna

It’s more fun in Laguna!

 

Originally posted in biyahenisanty03.blogspot.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

About santy03

Santy: Agriculturist by profession but now a full time scholar student; sometimes loner, adventure lover, frustrated photographer and writer but continuously seeking her passion in writing. Writing helps her to express emotions. She loves to travel and explore new things in different places. She loves nature and everything under the sun. She loves to be connected in the indigenous people and reach the marginalized countrymen. Follow my blogs and wait for my exciting adventures. It's more fun in the Philippines! follow me on twitter #isanggatang03 or my Facebook page: https://www.facebook.com/biyahenisanty03 You can also visit my blogs at: duantheexplorer.blogspot.com biyahenisanty03.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!