$50 From Every OFW Making Us the “Milking Cows”

Milking cow (Photo Credit: Sermonmonger.blogspot)
Milking cow (Photo Credit: Sermonmonger.blogspot)

Nakakayanig-mundo naman ang ipinasang bill ng isang Congresswoman ngayon para sa ating mga OFW. Nirerequire niyang magbigay ng contribution sa OWWA ang bawat OFW na papaalis ng bansa ng halagang $50. Alam ba niya  kung gaano kalaki at gaano kahirap kitain yang $50 dollar na yan para sa isang average earning na OFW?  haha Patawa ka naman, ma’am. Gusto mong tumulong sa mga OFW, pero mali yang paraan mo dahil mas mahihirapan kami dahil diyan sa bill na pinasa mo.

Hindi ko alam kung napag-aralan bang mabuti ang bill naito bago niya pinasa. Para lang naman po alam n’yo na malaki na ang contribution naming mga OFW sa ekonomiya ng bansa, tapos ngayon gusto n’yo pa kaming gatasan? Aba! Sobra naman na yata po yan, ma’am! Imbes na yung perang pinaghirapan naming mga OFW ang pinagdidiskitahan n’yo eh bakit kaya hindi n’yo na lang bawasan yang mga sandamakmak n’yong PORK BARREL at iyan ang icontribute n’yo sa OWWA.

Mas gugustuhin ko pang personal na iabot ang $50 ko sa mga distressed OFW natin kaysa padaanin ko sa mga kamay n’yo dahil sigurado naman ako, higit sa kalahati niyan mapupunta lang sa bulsa n’yo. Napakayaman ng bansa natin pero nghihirap dahil sa mga ganitong eksena sa gobyerno. Gagawin talaga kahit anong paraan madagdagan lang ang kukupitan nila kahit tayong mga OFW na nagsasakripisyo ang mas lalong mahirapan.

Tama po ang tumulong, pero huwag naman po sanang puwersahan yan kasi malaking halaga po ung $50 sa amin. At huwag po kayong mag-alala dahil kami mismong mga OFW eh may mga organisasyon para makatulong sa ating mga hindi pinalad na kababayan, doon, sigurado kaming makararating ang tulong kaysa sa batas na gusto n’yong ipatupad.

Sana po bago n’yo ginawa ang batas na yan nilagay n’yo muna ang sarili n’yo sa lugar namin. 50-70% ng mga kababayan po natin abroad ay kumikita lang ng P15,000 – P20,000 na pinaghihirapan nilang ibudget para sa pamilya na halos wala nang matira para sa sarili.  Napakahirap po mag-ipon. Hindi po kami pumupulot ng pera dito. Hirap, pagod, puyat, gutom at pananabik ang katumbas ng bawat sentimong kinikita po namin, huwag n’yo na po sanang pagdiskitahan pa.

Tama po ang intensyon ng bill nyo, para makatulong, para sa pagpapauwi ng mga hindi pinalad nating mga kababayan, pero mali po kasi yang paraan ninyo. Huwag n’yo namang ipasa ang responsibilidad ng gobyerno sa aming mga OFW. Bakit po kaya hindi kayong mga nasa posisyon ang magpulong-pulong at yang pork barrel n’yo ang itulong n’yo para sa mga kababayan natin, kapag ganyan, asahan n’yo po ang boto namin sa susunod na eleksyon, ma’am.

Hindi po kasi patas para sa lahat yang bill ninyo. Unfair po para sa mas nakararami.  Huwag n’yo naman po sanang ibigay ang pasanin sa aming mga OFW.  Hindi po namin pinagkakait ang tulong para sa kapwa nating kababayan, pero sana po ‘yung hindi naman kami mahihirapan. Sa lagay na yan po kasi ginawa n’yo na kaming mga OFW na parang mga bakang gatasan.

“Tayong mga OFW na ang kanilang Modern Heroes, papayag ba tayo na maging Modern Milking Cows nila?”

author:  iamfrozenfire

p.e./mj

Enhanced by Zemanta

About iamfrozenfire

hindi naman talaga ako mahilig magsulat, magbasa pwede pa! pero naisip ko hindi kaya ng memory ko ang pagiisip at pag alala sa lahat ng pangyayari sa buhay ko, buhay mo at buhay natin kaya bakit hindi ko na lang isulat kung ano sa tingin ko ang angkop sa buhay mo, buhay ko at buhay natin... palibhasa babae kaya madalas masaktan, ewan ko b sa mga yan!! bait ko naman 😀
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!