365 Hu-Goat Learned From Life-April

APRIL

  1. Sabi nila, love is just a matter of choice. Pero choice ba nating mahalin yung mga taong dahilan kung bakit tayo nasasaktan?   Kasalanan ba natin na minsan bumilis ang tibok ng puso natin sa isang  tao sa maling sitwasyon?

2. Kung ang pagiging tanga ay isang sakit.  Walang ibang lunas kundi  ang pagkukusa kong lumayo sayo.  Sa pag-gising ko sa realidad na hindi kelan man matutupad ang pantasya kong                          mamahalin mo din ako. Pero mas gugustuhin ko bang gumaling kung sa pag-galing ko ay wala ka naman sa tabi ko o hahayaan ko nalang maging sakit ang pagmamahal ko sayo?

3. Kung maaari ko lang malaman kung may pag-asa bang maging tayo, ano ang rason ko para sukuan kita ngayon?  At kung malaman ko man na sa huli, talagang walang tayo, sa palagay mo ba           susukuan pa rin kita? Hindi, kasi kahit na masakit, makakaya ko naman labanan ang tadhana diba?

4. Habang tumatagal  lalo akong nahuhulog sayo, lalo ako napapamahal sayo, lalo akong nasasanay sa piling mo. Pero, habang tumatagal, ay siya naman ang panlalamig mo. Senyales na ba ito            na kelangan ko ng makaramdam? Na kelangan ko ng lumayo? Na kelangan na kitang kalimutan kasi nararamdaman kong wala ng pupuntahan pa itong pangarap kong makasama ka habang           buhay.

5. Ang sakit lang sa pakiramdam yung tipong pag-open mo sa messenger mo makikita mong online siya at seenzone ang message mo sa kanya. Samantalang ikaw, hindi pa siya nakakareply                  may message ka na ulit kaagad. Hindi ka nya priority! At kailanman hindi magiging priority!

6. Ayoko na. Pagod na ako, hindi dahil sa hindi kita mahal, kundi dahil sa napagod na lang  ako, na parang ako nalang ang may gusto. Exhausted na ang utak ko sa kakaisip. Pagod na ang puso             kong masaktan. Siguro nga wala talaga akong halaga sayo.

  1.  Siguro nga ok na kayo. Siguro nga panahon na para lumayo ako. Kasi siguro, pampalipas oras mo lang ako, nung mga panahong hindi kayo magkasundo. Pero ngayong ok na kayo., tama nalang siguro ang lumayo ako?
  2. Ayokong tanungin ka kung ano ang lagay natin. Ayokong marinig mismo sayong mga bibig ang sabihin mong “wala” . Ayokong magising sa katotohanan na wala na akong papel sa buhay mo. Kahit mula’t umpisa pa naman alam kong wala na talaga. Titiisin ko nalang ang sakit hanggang siguro  kusa akong magising sa ilusyong ginawa ko, sa mundong pinangarap ko na di naman mabubuo.
  3. Ako lang siguro ang nag-iisip na hindi ka nya mahal. Para mabigyan ko ang sarili ko ng kapani-paniwalang rason na darating ang araw na pwedeng maging tayo.
  4. Pangarap ko yung sa pag-gising mo sa umaga eh, message ko agad ang bubungad at babati sayo. Sa tanghali, ay ipaalala na wag mong kalimutan kumaen at sa gabi bago ka matulog eh ang huling mensaheng mababasa mo at kakamustahin ang buong araw mo… subalit, pag iniisip kong gawin eh, iniisip ko din ang sasabihin mo… Na isa akong ambisyosong tao, di naman tayo pero papansin ng papansin sayo.
  5. Hindi mo kailangang magsinungaling sa akin. Hindi mo kailangan maglihim. Hindi mo kailangang gumawa ng alibi sa bawat tanong ko. Simple lang ang dahilan, wala namang tayo diba?
  6. Hindi ko alam kung anong meron? Hindi ko alam kung anong nagawa ko o  nasabi ko. Pagmulat nalang ng mata, ay syang bigla mong hindi pagpaparamdam. Wala akong karapatang magtanong hindi ba? Ang hirap ng ganito. Minsan okay kayo, minsan kahit isang TULDOK walang paramdam.
  7. Akala ko manhid ka…  pero sa huli, nalaman kong ako pala. Manhid ako dahil di ko nararamdamang ayaw mo na pala. Manhid ako dahil di ko maramdamang lumalayo ka na pala… Manhid ako sa damdamin mong hindi mo lang masabi, pero ang totoo nagbubulagbulagan lang ako. Kasi ayaw kong magising sa realidad na walang tayo.
  8.  Sometimes those who are of distance can make us happier than those who are within our reach.
  9. I do believe in fantasy, in fairytale, in happily ever, but  I forgot about the reality. That YOU and ME are only adjectives in this universe that I’ve created and lived for so long.
  10. I’ll steal her from you for I know I can love her more than you do

          I’ll steal her because you couldn’t give her the worth she deserves

          I’ll steal  her because you didn’t deserve even one drop of her tears

          I’ll steal  her from you because I do love her.

          I’ll steal  her heart and yes I’m proud of it.

  1. Tigilan na natin ang pagpapanggap. Ang pagpapanggap na okay ang lahat. Na kayang maging matatag. Na kaya natin maging bulag sa ngalan ng pag-ibig na wala naman patutunguhan. Pag-ibig na tayo lang ang nagmamahal. Pag-ibig na likha lang natin sa utak.
  2. Salamat at naaalala mo ako, sa panahong hindi kayo magkasama at malaya tayo. Salamat nga ba? O, sorry sa puso ko?
  3. Marami sana akong gustong ikwento sayo. Kaso nakalimutan ko na lahat, antagal mo kasing di nagparamdam. Ewan ko nga ba kung bakit yun yung nakalimutan ko at hindi yung nararamdaman ko sayo.

    20 Learn to love those people who loves you, not those people who doesn’t care for you and are taking you for granted.

  1. Psst. Paalala mo nga sa akin na walang tayo. Masyado na kasi akong nagiging demanding eh at bulag sa pagpapantasyang merong ikaw at ako. Pakibatukan na rin para magising ako sa katotohanan.
  2. Kahit gaano pa ako magpaka-IronMan, kung ikaw naman si Lana Lang ni Superman. Malabong ako talaga ang makikita mo..  dahil magkaibang universe ang ginagalawan natin… Sa Justice League ka at sa Avengers naman ako.

   23.  Kaya hindi natin nakikita ang mga taong nakalaan para sa atin ay dahil pinipilit nating patigilin sa ating mundo ang mga taong dapat sana ay dumadaan lang.

   24. Masakit yung ganitong set-up. yung nakiki-hati ka sa lahat. Pero mas masakit pa rin ung maramdaman mong di ka naman importante sa kanya.

    25. Alam mo para tayong solar system. Ikaw ang earth na umiikot sa araw at ako ang buwan na umiikot sayo.

   26. Bakit hindi naging abilidad ng tao yung kapag may karelasyon ka na ay di ka na magiging kaakit-akit sa mata ng ibang tao, yung tipong may barrier ka na, na hindi ma-iinlove sayo ang iba at           di ka na rin ma-iinlove sa iba. Edi sana wala ng issue ng 3rd party. Wala ng usapang kabit at wala ng nangangaliwa.

   27. Makaka-move on din ako. Itaga mo sa asteroids.

   28.  Ang pinakamagandang gamot sa taong tanga sa pag-ibig ay ang masaktan ng paulit-ulit. Siguradong magigising yan sa katinuan. At malalaman nyang hindi worth it ang kanyang                                   ipinaglalaban.

    29. Papipiliin mo ako kung gusto kong maging friends tayo sa Facebook o hindi na? Alam mo bang kung meron lang dun na “more than friends” na choice eh yun ang pipiliin ko?

  1. Sabi mo dadaan ka ng simbahan at magsisimba ka. Pwede ko bang tanungin sayo… Kasama ba ako sa mga dasal mo?  Malamang hindi, sino ba naman ako para maisama mo sa mga dasal mo. Pero gusto ko lang malaman mo. Lagi kang kasama sa mga dasal ko.

About malaya06

a deo et rege; humanus crede.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!