35 First Time Experiences

Naalala mo pa ba ang lahat ng iyong first or first time?

First love, first kiss, first heartbreak, first girlfriend/boyfriend, first Ferris wheel ride, first swimming, first diving, first airplane ride, first STARBUCKS coffee at kung ano-ano pang first time experience.

Kung tatanongin kita ngayon ano ba ang mga naramdamam mo noon? Maaaring pinagsama-samang emosyon hindi ba? Maaaring nakadama ka ng matinding pananabik, takot, lungkot o saya? Hindi mo ito nakakalimutan kahit sino pa man ang kasama mo noon o ano pa man ang nangyari ng mga oras na iyon. Sa aking buhay masasabi kong hindi talaga mabilis kalimutan ang lahat ng first time dahil ito ay isa sa mga naging kapana-panabik na sitwasyon na tumatak na sa aking puso at isipan. Naalala mo pa ba ang lahat ng first time na may kinalaman sa iyong travel experience? Heto ang mga first time travel and food experiences na pwede mong alalahanin, balik-balikan sa isipan.  Sa oras nga na naalala ko ang lahat ng first time experiences, napapangiti na lang ako at thankful na hindi ko pinalampas ang oras na maranasan ang mga ito. Subukan mong libutin ang sarili mong bansa bago mo libutin at tuklasin ang iba. Sa aking list, subukan mong puntahan ang mga lugar na ito na matatagpuan sa ating bansa-Pilipinas!

“Twenty years from now you will be more disappointed by the things you didn’t do than by the ones you did do.” – Mark Twain

  1. First longest slide

Iyong hindi mo mapigilan ang takot at para bang pakiramdam mo ay titigil ang mundo. Pero sulit naman ang slide na diretso sa napakalamig na tubig sa Nagcarlan, Laguna.

 

Location: Villa Sylvia, Nagcarlan, Laguna

 

  1. First Zipline Ride

Inisip mo kung kakayanin ka ba ng safety harness, pero pinilit mong maging matapang, worth it naman!

“Kasabay ng napakasayang zipline ride ang masaksihan ang bundok Makiling dito sa Laguna.”

 

Location: La Resio Lakeside Resort and Spa, Brgy. Tadlac, Los Baños, Laguna

 

  1. First diving experience

Iyong feeling na nagdadalawang isip ka kung tatalon ka pa ba dahil naiisip mo kung lulutang ka pa rin o hindi na.

Actually hindi ako ang nasa video, pero dahil hanga ako sa aking churchmate na tumalon habang nakasuot ng life vest sa 20ft deep na tubig, isinama ko ito. FYI: Hindi siya marunong lumangoy.

Location: La Resio Lakeside Resort and Spa, Brgy. Tadlac, Los Baños, Laguna

  1. First wall climbing experience

Ang pakiramdam na naglalaban ang dalawa mong paa sa paghahanap ng maaapakan at dalawang kamay sa paghahanap ng makakapitan.

Actually, hindi ulit ako ang nasa video, churchmate ko lang din dahil noong ako ang nakasalang sa wall climbing, nakalimutan nilang i-video ako dahil ako ang unang matapang na sumubok sa GREAT WALL. Ang masasabi ko lang ay para rin itong Wall ng Pagsubok na kapag nalampasan mo ay mas magiging matatag at malakas ka.

wall climbing 101
Our first time wall climbing experiences with MCBC Youth Group

Location: La Resio Lakeside Resort and Spa, Brgy. Tadlac, Los Baños, Laguna

 

  1. First rafting Experience

Nangarap ka bang maranasan ang ginawa nila Tom at Huckleberry Finn sa Tom Sawyer?

Ang rafting experience sa Tadlac Lake Nature Park pagkatapos ng wall climbing experience. Ang nakaka-excite dito ay ang mismong mga kasama ko sa raft. Masaya kapag masaya rin ang mga kasama mo.

Location: La Resio Lakeside Resort and Spa, Brgy. Tadlac, Los Baños, Laguna

 

  1. First airplane ride

Isa ka rin ba sa mga taong nangarap makasakay sa eroplano? Iyong pakiramdam na gusto mong makita ang himpapawid at makita ang mga nasa ibabang view mula sa langit. Iyong tipong masusuka ka sa umpisa at sumakit ang tainga dahil sa pressure sa loob ng higanteng ibon.

Ang first airpline ride ko ay papuntang Puerto Princesa City sa Palawan. Ang hindi ko makakalimutan sa ride na ito ay ang pakiramdam na para bang babagsak ang eroplano dahil sa air turbulence.

first airplane ride

first airplane

airplane

Location: NAIA Terminal, Pasay City going to Palawan

  1. First horse riding experience

Iyong hindi ko alam kung kakayanin ba ako ng kabayo or sisipain niya ako. Pero feeling ko isa akong rancher.

first horse

Location: Kapurpurawan Rock Formation, Ilocos Norte

 

  1. First Time to see Windmill

Ang pakiramdam na hindi mo alam kung anong mekanismo ng hangin ang nagpapagana sa mga higanteng istrukturang ito.

As in sobrang saya lang na makakita ng mga higanteng windmill at talagang napalakas ng hangin na para bang madadala ako nito sa ibang lugar.

first windmill

Location: Bangui Windmill, Ilocos Norte

 

  1. First Boating sa Mangrove Forest

Ang pakiramdam na malasap ang hangin sa presensya ng mangroves.

Iba pa rin kapag mangrove ang makikita mo. Dito ko mas na-appreciate ang halaga ng Mangrove sa ating kapaligiran.

 

first mangrove

Location: Lobo Batangas

 

  1. First Calesa Ride

Iyong feeling na nasa panahon ng Kastila. Masarap lang maranasan ang mga sasakyan noong mga naunang panahon.

 

first calesa

first vigan

Location: Vigan

 

  1. First Island Hopping

Noon kasi sa mga larawan ko lang nakikita ang hundred islands at nang makita ko ang mga ito talagang namangha ako. Hindi ko maipaliwanag ang saya noong personal kong nakita ang mga isla na ito na matatagpuan sa Alaminos, Pangasinan.

first island hopping

68736_168087959868135_774129_n

Location: Hundred Islands, Brgy. Lucap, Alaminos, Pangasinan

 

  1. First underground river cave experience

Sa umpisa sa mga balita at larawan mo lang nakikita pero noong nasaksihan mo na, tunay ngang kakaiba at kamangha-mangha!

Dito ko naranasan iyong hindi functional ang camera sa loob ng cave at nang lumabas na kami ay saka gumana. Tila hindi hinahayaan ng kung ano mang pwersa na maihayag ang kanilang kagandahan. Creepy pero amazing experience ang Underground River Tour na ito.

underground 381569_325367144140215_332982644_n

Location: Underground River, Palawan

 

  1. First time to see Sand dunes

Ang pakiramdam na nasa desert ka. Dito rin nagshooting si FPJ eh!

first sand dunes

Location: Paoay Sand Dunes, Ilocos Norte

 

  1. First time to see the Summer Capital City of the Philippines

Nakapunta ka na ba sa Baguio? Kumusta ang first time mo doon? Ang lamig hindi ba? Noong una ko pa lang makatuntong sa Baguio sobra talagang nanibago ako sa klima doon pero sulit naman ang punta, sobrang kamangha-mangha ang kapaligiran sa Baguio. Samahan pa ng Night Market at iba pang pasyalan at ang mga pagkain sa Good Taste!

first baguio

1464609_768104123279462_7375699648850215738_n

Location: Burnham Park, Baguio City

 

  1. First Banaue Experience- Hagdan hagdan Palayan

Isa sa mga wonders of the world kung tawagin, dapat hindi natin makalimutang bisitahin ang lugar na ito. Sobrang nakakamangha na makita ang mga ginawa ng ating mga ninuno. Sana nga ay ma-preserve pa rin ang mga ito at hindi mapabayaan.

first banawe

 

Location: Banaue, Ifugao

  1. First Tuguegaro Experience

Kung nais mong makaramdam ng pinakamainit na temperatura sa Pilipinas, pumunta ka sa Tuguegarao! Sobrang init talaga.

first tugeue

Location: Tuguegarao Airport, Tuguegarao

 

  1. First Luneta Experience

Kung gusto mong makita ang Kilometer 0, at ang monumento ng ating pambansang bayani, puntahan mo ang Luneta. Sa larawang ito, wala pa ang kontrobersyal na photo bomber!

 

luneta

Location: Luneta Park, Manila

 

  1. First Mindanao Experience

Dati masyado akong stereotype kapag sinabing Mindanao ang nasa isipan ko lang ay giyera o labanan pero noong nakarating ako sa Mindanao sobrang ganda at linis ng lugar nila. Malinis at napakarich sa natural resources! Dito ko rin unang natikman ang Durian, mabaho sa pang-amoy ng iba ngunit masarap.

 

first davao

first mindanao

Location: Davao and Cotabato

 

  1. First trek

Iyong first trekking ko ay sa Magdalena, Laguna specifically sa Pintong Pilak. Napakalinis at payapa ng lugar na ito.

first trekking

Location: Pintong Pilak, Magdalena, Laguna

 

  1. First amusement park experience

Iyong tipong hinahalukay ang bituka mo at para bang umiikot ang mundo. Na-try niyo na ba ang mga rides sa amusement park sa ating bansa?

DSCN0246

DSCN2589

20141017174219

Location: Star City, Manila, Enchanted Kingdom, Sta.Rosa, Skyranch, Tagaytay

 

  1. First Festival

Ang Lalaguna festival na dinarayo sa kapitolyo ng Laguna. Isa sa unang festival na aking nasaksihan. Anong festival sa Pilipinas ang tumatak sa isip mo?

first festival

Location: Festival Ground, Provincial Capitol of Laguna

 

  1. First Floating Restaurant Experience

Isa ang Isdaan sa mga floating restaurant na masarap balik-balikan.

2012-04-12 21.34.31

Location: Isdaan, Calauan, Laguna

  1. First 3D Museum Art

Oo, mayroon din tayong pinakamalaking 3D Art Museum sa Pilipinas na kaya mong libutin sa loob ng tatlong oras. Malaya kang makakagalawa at makakapag selfie or groupie sa mga higanteng paintings dito.

10

6

Location: Art in Island, Cubao, Quezon City

 

  1. First Noah’s Ark

Ang pakiramdam na bumalik sa kapanahunan ni Noah at matunghayan ang Kamay ni Hesus.

first time noah ark

Location: Kamay ni Hesus, Lucban, Quezon

 

  1. First time in La Mesa Eco Park

Sinong mag-aakalang may ganito pang lugar sa Quezon City? Unang punta ko dito ay hindi ko akalaing may natatago pang katulad nito sa Urban!

first lamesa

Location: La Mesa Eco Park, Quezon City.

 

  1. First time to see Camel in real life

Hindi lang sa disyerto mo pwedeng makita, mayroon din sa Subic nito! Oh di ba? Mapapangiti ka pa. Isabay na rin ang pagbisita sa Duty Free at pagbisita sa Camayan Beach Resort.

first camel

DSC01004

first jam
First Jam!

Location:  Zoobic Safari, Subic, Zambales

 

  1. First time to see Watersports!

Oo, mayroon din sa Pinas! Subukan mo rin ang Camsur Watersports complex.

camsur

Location: Camsur Watersports Complex, Bicol

 

  1. First Krispy Kreme, Sbarro, JCO and Starbucks experience

Naalala mo pa ang unang tikim mo ng Krispy Kreme doughnut and unang pagpunta sa Starbucks? Nagpapicture ka rin ba while drinking your Starbucks coffee?

1901179_773308322730097_1483851715951941929_n first krispy kreme first starbucks sbaro

Location: Krispy Kreme and Starbucks Coffee, SM North, Quezon City

            Sbarro, Mall of Asia

 

  1. First mountain climbing

Iba sa pakiramdam ang makaakyat ka ng bundok. Actually, sa first time ko eh hinimatay ako dahil hindi ko napaghandaan ang tarik pala.

banahaw first dalahawan experience sa mountain

 

Location: Mount Banahaw, Dolores Quezon

  1. First Retreat center

Ang paborito ng mga couple for Pre-Nup Photo shoot and venue for wedding. Sabi nila kailangan 1 year before ang event ay makapagpareserve ka na.

Nakaka-relax ang lugar na ito.

 

10375138_1035770329769913_5150444429412368329_n 10675777_1035744386439174_5355710661184511547_n 10924626_1035768043103475_7953371474491053371_o 10924641_1035799803100299_7100227357166679102_o

 

Location: Caleruega Church, Nasugbu, Batangas           

  1. First solo stay sa Hotel

Medyo alangan ako mag-isa at sakto pang creepy ang lugar pero paranoid lang pala ako. Kumusta ang first solo experience mo sa hotel? Try the Mi Casa En Tayabas Hotel, unique ang style parang Baroque lang.

first time creepy

Location: Mi Casa en Tayabas, Tayabas, Quezon

 

  1. First Roro experience

Sabi ko nga paano kaya nakakaya ng Roro ang lahat ng sakay nito? Nakakatakot ang unang ride kong ito pero habang nasa gitna ng karagatan naalala ko ang mga teleserye, si Jack and Rose at iba pa. Kumusta first time RORO mo?

bacolod roror

Location: Ferry Ride going to Bacolod

 

  1. First to witness infinity pool

Ang lugar na masasabi mong payapa. Nakakarefresh lang. Tanda mo pa ang first infinity pool experience mo?

infinity pool

Location: Pueblo Por La Playa, Pagbilao, Quezon

 

  1. First time shot with Oble

After 7 years since graduation saka pa lang ako nakapagpapicture kay Oble. Feeling proud ang experience na ito.

oble

Location: University of the Philippines, Los Baños, Laguna

 

  1. First to see 5 Star Hotel

Ang unang tungtong? Oathtaking of Agriculturist. As in WOW!

first sa manila hotel

Location: Manila Hotel

 

Napakaraming lugar na pwedeng puntahan sa Pilipinas. Kaya nga habang may panahon pa subukan nating libutin at tangkilikin ang sarili nating bansa.

The greatest reward and luxury of travel is to be able to experience everyday things as if for the first time, to be in a position in which almost nothing is so familiar it is taken for granted.” — Bill Bryson

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

About santy03

Santy: Agriculturist by profession but now a full time scholar student; sometimes loner, adventure lover, frustrated photographer and writer but continuously seeking her passion in writing. Writing helps her to express emotions. She loves to travel and explore new things in different places. She loves nature and everything under the sun. She loves to be connected in the indigenous people and reach the marginalized countrymen. Follow my blogs and wait for my exciting adventures. It's more fun in the Philippines! follow me on twitter #isanggatang03 or my Facebook page: https://www.facebook.com/biyahenisanty03 You can also visit my blogs at: duantheexplorer.blogspot.com biyahenisanty03.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!