30 Ways to Kill Boredom

Madalas ang libangan ng mga OFW dito sa Middle East ay ang pagtoma. Kaso lang every weekend lang ito. So after work during week days, kain then diretso na hilata sa kama. Di naman pwedeng magbilang ng butiki sa kisame kasi wala namang butiki dito. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang College days. Nung time na nagpi-prepare ng makabaog na mga thesis magdamagan. Ang way ng pampaalis ko ng pagkabagot noon ay ang paghuli ng mga butiki sa bahay namin. Pinapangalanan ko ng pentel pen ang mga ito at ang iba ay kinukulayan ko ng stripe blue and black na pentel pen at alternately ng white corrector. Ang mga bisita ko noon ay bewildered at natatawa tuwing nakikita ang mga butiki sa bahay. Anyway, dahil na-scroll ko na ang FB hanggang sa creation nito, ubos na rin ang kulangot ko, di rin ako mahilig magrosaryo, kaya naisipan kong magsulat. Madaming bumabagabag minsan sa akin na gusto kong ibahagi sa inyo in the hope na malinawan ang mga ito. Warm-up lang: subukan mong bigkasin ng mabilis at least tatlong beses ang “nakakapagpabagabag”, ewan lang kung di ka kabagan.

Sa panahon ngayon na puro kurakot ni Binay at citizenship na lang ni Poe ang nababasa natin araw-araw, mainam na paminsan ay may panghimagas naman tayo. Pers taym ko ito kaya pagtyagaan nyo muna. Here you go…

  1. Imagine na nakasakay ka sa jeep at bigla itong prumeno kasi may biglang tumawid. Diba ibabalya ka papunta sa harap at di mo kayang pigilan ito? Ngayon, imaginin mong biglang huminto ang ikot ng mundo, di dahil sa may tumawid, pero basta lang bigla syang huminto. Consider this: normally, ang speed ng jeep ay 60 to 80 km/hr. Ang Earth’s orbital speed ay 108,000 km/hr. You do the math at busy ako Te! o-EARTH-STOPPED-SPINNING-facebook
  2. Pano kung ang tuhod natin ay pabaligtad ang pagtupi? Imaginin mo kung ano ang magiging itsura ng upuan sa ngayon.
  3. Natanong nyo na ba sa sarili nyo kung bakit naka-design ang tenga natin na mailagay dyan? Pwede naman sanang sa ibabaw ng ulo o sa may batok diba? Pero isipin mo kung wala yang tenga mo dyan, siguradong malalaglag ang eye glass mo.
  4. Bakit ba hindi nai-design na may pakpak ang Elepante? Sasabihin nyo kasi malaki sya. May mga Dinosaur nga noon na may pakpak e. Tsaka all powerfull naman ang Diyos diba? Pero isipin nyo ito: diba ang mga ibon ay by flock kung lumipad? Isipin nyo kung dumapo yang mga yan sa bubong nyo at pawid lang ang bubong. At pano kung naiputan ka nyan habang naglalakad ka? Ang plus side nito ay mabenta ang mga talyer. Diba mahilig umipot ang mga ibon sa mga sasakyan?flying_elephants_by_laylowcm-d3ivb8i
  5. Alam n’yo ba na marami tayong parte ng katawan natin na walang katawagan? Ang opposite side ng palad kunyari, ano ang tawag dun? Opposite ng noo, siko, talampakan, dibdib (di likod kasi ang likod mula itaas ng puwet hanggang batok), kili-kili (di balikat kasi malaki ang sakop ng balikat), etc.
  6. Naisip nyo ba kung bakit ang kalabaw ay pumupunta sa ilog? Para uminom? Mali. Para maligo? Mali rin. Kasi nga po, ang ilog di makakapunta sa kalabaw.
  7. Nung kabataan ko at minsang tinitingnan ko yung bakang ngumunguya ng damo ay napa-isip ako kung bakit sila naglalaway. After 2 decades of research, nalaman kong kaya pala sila naglalaway kasi di sila marunong dumura. 9890330
  8. Sino ba ang nakaisip na maging ganyan ang ayos o pagkakasunud-sunod ng Alphabet? Imaginin mo kung ang Alphabet song ay ? B ? X ? F ? E ? A? K ? D…G ? C ? P ? W ? ELEMENOPI ?… Medyo unsettling ano?
  9. Nung tinanong sa isang interview noon ang Wright brothers, yung nakaimbento ng eroplano, kung ano ang inspirasyon nila kung bakit sila nakagawa ng eroplano, ang sagot nila ay naobserbahan daw nila one time ang ibon kung pano sila lumipad. At ako’y biglang napaisip at napa-hesusmaryosep. Maswerte pala tayo at walang Kangaroo sa lugar nila nung time na yun ano? Malamang walang mga OFW ngayon.
  10. Pag nagkaroon ako ng sapat na puhunan at nagka-time, magiimbento ako ng:

a. Helicopter na ang umiikot ay ang katawan at yung blades ay steady lang. Ultimate adventure ride! Panis ang roller coaster sigurado.

b. Granada na may silencer. Makikita mo na lang ang pader gumuguho at ang mga tao ay nagsisitumbahan. Ano kamo ang maitutulong nito sa humanity? Aba ewan ko. Pero tingnan mo, ang microwave (oven) nung natuklasan di rin naman nila alam ang saktong gamit nito sa una.

c. Bombilya na imbes liwanag ay dilim ang dala. Solb na ang init ng summer. Tipid sa kuryente dahil bawas aircon. Pati Global warming mababawasan din.

11. Ang namber wan na problema ng mga maninigarilyo ay pangsindi. Oo, hindi ang sakit na dulot nito. Bakit kasi nakarating na ang tao sa moon di pa rin makaimbento ng yosi na may kasamang instant na lighter sa dulo ng bawat yosi? Tipong aalugin mo na lang o ikakaskas sa pader ang yosi, sisindi na. FYI nga pala: ang yosi ay nagtataglay ng mahigit 4,000 dangerous and cancer-causing chemicals kabilang na ang carbon monoxide, formaldehyde (formalin), hydrogen cyanide, arsenic, etc. Ngunit mapapatanong ka kung bakit pag ito nahulog sa lupa, pupunasan muna ito bago ilagay sa bibig. images (1)

12. Bakit di na lang ginawa ng Diyos na 5 days dire-diretsong tulog instead na magkaroon ng 5 days na menstruation at PMS ang babae? Everybody wins sana diba? Incidentally, the term PMS was coined because Mad cow disease was already taken. Now you know!

13. Sino kaya ang unang tao na nakaisip ng “itong mga kolokoy na mga bubuyog na ito ay malamang may tinatagong kung ano na masarap (honey bee) at kailangan pang itago at ilagay dyan sa itaas ng puno”beehive-removed-orlando-2-0611

14. Bakit ba pag may kinasal ay sinasabihan ng “congratulations”? Mas mainam sana kung “why?”.

15. Kailangan ba talaga ang referee sa WWE?

16. Pano pala kung ang mga ibon ay di naman talaga kumakanta and they are, in reality, screaming kasi may fear of height sila?

17. Imaginin mong first day mo bilang isang isda sa aquarium. Matiwasay kang lumalangoy at pasipolsipol pa (oo, sumisipol ang isda. Wag kang ano) tapos bigla na lang umulan ng pagkain.maxresdefault

18. Pano kaya nalalaman ng aso na yung pinangalan mo sa kanya ay yun na ang pangalan nya? Kasi pag tinawag mo sya ng ibang pangalan, di naman yan lalapit e. Tsaka pinapangalanan din kaya nila tayong mga tao? Tsaka ang mga naka-vest na bomb sniffing na mga K9 ba pag nakita sila ng mga barumbadong askal, natatakot din sila (askal)? “Oh shit, here comes the police!”272791

19. Speaking of aso, alam nyo bang ang tao ay minsan isip aso din? Minsan diba lalabas ka ng kwarto para may kunin sa labas. Kaso pagdating mo sa labas ay limot mo na kung ano ito. Kaya babalik ka sa kwarto para maalala ito. Ganyan ang aso madalas diba?dog-meme-21

20. Pano pag isang araw magising tayong lahat na wala na ang Facebook? Horrifying thought diba?! Mas malala pa, pano kung one day ay wala na ang internet? Dadami siguro bigla ang out-of-school youth ano? Parang bihira na lang kasi sa kanila ang nakakaalam kung ano ang Library.

21. Mas matalino daw ang anak kesa sa ama. Kasi kung di ba naman, bakit di yung ama ni Cristopher Columbus ang nakadiscover ng New World?

22. Bakit ba lahat ng rebulto, especially pag Santa, ay umiiyak? Emo sila lahat? Ang default na kulay nito ay parang transparent (Wag kang epal. Sabi ni Google ay considered color ang transparent basta may konting hue). Pinatuyong Elmer’s glue yata o hot glue ang ginagamit dito. Pero ang mas malaking bakit ay kung ito ay nagmimilagro (daw) ay dugo naman ang luha nito. Parang nakakaloko lang diba? Never in history na may taong lumuha ng dugo. Alien inspired?b3a6714c1fc7b4c63ef7b5455b9f10d3

23. Bakit ang lahat ng moon sa solar system ay may pangalan at ang moon lang ng Earth ang wala?

24. 71% ng Earth’s surface ay water. Even ang air ay may water. Tinatawag itong water vapor. Pwera pa dyan ang mga ice cap at aqauifer (sa ilalim ng lupa). Maski ang ground ay may moisture din. Ang human body at maski ang mga hayop ay composed ng 60-75% water. Bakit pala ito tinawag na “Earth”? Diba mas akma sana kung “Liquid”?Earth

25. A moment of silence sa creativity level nung taong gumawa ng design ng flag ng Japan.JapanFlagPicture9

26. Noong unang panahon, ang pera ay tinapyas na bato na hugis pabilog at kasing-laki ang diameter sa gulong ng kotse at trak. Kung mauso ulit yun, malamang solb na ang problema sa pangungurakot ng mga Politiko. Napakadaling mahuli.1381824104.jpg.CROP.promo-large2

27. Malaki ang problema natin sa mga illegal guns kasi ginagamit ng mga kawatan. Madali lang sana itong masolb. Gawing 10,000 pesos ang presyo ng bawat bala. Kung may pambili ka ng bala na ganito kamahal, I think di mo kailangang manghold-up.AK47_Rice

28. “Say no to drugs” daw sabi ng mga nakapaskil sa mga Barangay. You are not even supposed to talk to drugs in the first place.

29. Pansinin nyo ang mga talent search ng mga bata sa TV maging sa mga school. Pag drama ang talent ng bata, panigurado na ang eksena patay ang Ina nung bata at nakasalampak sa sahig na humahagulgol ang bata. Minsan patayin nyo rin ang ama para fair.

30. Kung ang temperature today ay zero degree centigrade at ang forecast bukas ay magiging twice na mas malamig kesa sa ngayon, ano ang temperature bukas?

Tutuldukan ko na muna ito at lowbat na ang laptop ko. Sana ay makatulong ito sa ikauunlad ng sangkatauhan. Si Binay nga, Viagra ang solusyon para umunlad ang Pilipinas.

About bulutokdos

An OFW trying to outdo boredom and loves to stir minds.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!