30 thoughts while watching “Kita Kita”

Imahe mula sa Facebook

(Hindi ako magiging spoiler, promise. Gusto ko lang i-share ‘to.)

#1 Minsan, kahit alam mo na ang kahihinatnan, aasa ka pa rin na may magbabago. (Bago pa ako nanood e alam ko na ending dahil sa mga spoiler na iyan!)

#2 Sa pag-ibig, walang makapagbibigay ng kasiguraduhan – kahit singsing.

#3 Sa pag-ibig, ang totoo ngayon, maaaring hindi na totoo bukas.

#4 Kung ‘di mo na kayang hawakan ang kamay niya, kayanin mo man lang na bitiwan ito.

#5 May mga pahiwatig ang pagtatapos – na ‘di natin makita dahil masyado tayong nakatutok sa pagpapatuloy.

#6 E ano kung alam mo na ang ending? Hindi mailalahad ng pagtatapos ang nasa simula at gitna. (Sorry, spoilers!)

#7 Gusto kong maging Empoy – nilimitahan ng mundo pero nakakuha pa rin ng maraming puso.

#8 Epektibong alarm clock ang pag-ibig, besh! Hahahaha.

#9 May sorpresang dala ang bawat pagtatapos. Kaya lang, madalas e mas pinipili nating manghinayang.

#10 Ang ganda ng Two Less Lonely People in the World! Lalo kapag may naaalala ka habang pinakikinggan ito.

#11 Minsan wala sa kanta ang kahulugan kung ‘di nasa naaalala mo kapag naririnig mo ito.

#12 Mas nakakatakot kung matatakot kang magmahal muli.

#13 Kayang tumbasan ng ilang araw ang ilang taon. Depende sa tao. Depende sa mga alaalang mabubuo.

#14 Tanggapin mong iba na ang mahal niya – tulad ng pagtanggap mo na mahal ka niya. Kahit mahirap.

#15 Ang pagtalikod sa maling tao ay pagharap sa tadhana.

#16 Weird minsan ang pagkakataon. Hinahabol ka kapag ayaw mo. Tinatakbuhan ka kapag gusto mo.

#17 Iba ang chemistry nina Alessandra at Empoy! Parang totoong tao tuloy sina Lea at Tonyo!

#18 Iba pa rin kapag kasama mo iyong taong napapatawa ka na, napapasaya ka pa.

#19 Minsan, “too late” na ang “later”.

#20 May mga mata ang bawat puso; mga matang mas malinaw sa kung ano ang ginagamit para makakita.

#21 Kung wala na talagang magagawa, hindi masamang makipagsayaw sa mga alaala.

#22 Pero, siyempre, ‘wag kang mabuhay sa mga alaala. Magpatuloy ka kahit gaano kahirap.

#23 Hindi natatapos ang mundo sa pananakit sa iyo ng itinuring mong mundo mo.

#24 ‘Pag iniwan ka ng mundo mo, tandaan mong may mga ibang planeta pa; may mga tala, buwan, at araw.

#25 May malalaking istorya sa likod ng maliliit na bagay.

#26 Mabuhay ka sa ngayon; hindi sa bukas, hindi sa mamaya.

#27 Dalawang klase ng tadhana:
1. Panghabambuhay.
2. Hiram lamang.

#28 Gamot din sa sugat na dala ng paglisan ang pagpikit. Iba ‘pag nakikita mo ang iniwan niyang espasyo, e.

#29 Mali na sa kanya ka lang palaging nakatingin. Maraming kontrabida sa mundo; at hindi lang tao, actually.

#30 Minsan alam mong tapos na pero ayaw mo pa ring umalis. Umaasang may kasunod pa ang lahat. (Ayaw ko pang tumayo after. Umasa ako nang kaunti na may twist.)

About Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is a journalist by profession and a literary writer by passion. She had her first novel published at Balita newspaper, from 2013 to 2014. She is the owner of Minsan Okay Lang Ma-traffic Facebook page (http://facebook.com/minsanokaylangmatraffic2016) and the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic book. Other pages: http://minsanokaylangmatraffic.wordpress.com/ http://www.wattpad.com/user/CINDErainLLA http://twitter.com/OKLangMatraffic http://instagram.com/trafficinwords2016
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!